10

10 3 0
                                    

Ilang weeks na ang lumipas nung nagsimula kaming magka chat. And this week na yung sci-cheer dance.

"Guys! magpaalam kayo bukas na hanggang 7:30 tayo para makapagpractice tayo ng todo todo." Sabi ni Ms. President.

"Kim kim sinama ka ba ni Mary sa Tropang Famous? Di ko nga kilala yung iba eh..." tanong ko kay Kim. "Oo nga eh. di ko rin sila kilala eh." Nandito kami sa garden at kumakain ng Piatos.

"Eli! Kim! Sa section emerald tayo." sabi ni Mary samin. Ito palagi routine namin eh. Pag may free time pupunta kami sa section Emerald tapos wala kaming gagawin dun. Si Mary ay nakikipag kulitan o nakikipagharutan sa 2-4 na boys -_- yung una, supportado namin siya kase may boyfriend siya duon pero wala kaming ginagawa dun.

"Sigeh. basta aalis tayo agad ah." sabi ko kay Mary. "Sige" sagot niya at pumunta na kami sa room ng Emerald.

"Mary alis na tayo, kakain pa tayo." sabi ni Kim kay Mary habang nakikipag-usap sa boys. Kasama pala si James sa mga boys. Pero yung boyfriend niya ay si Justine.

"Ano bayan. malapit na kami matapos edi kung gusto niyo umalis edi umalis na kayo." sabi ni Mary na mukha nang naiirita. " Geh Kim alis na ko ah." sabi ko at tatalikod na ko pero sumabay si Kim. " Sabay na ko sayo"

Ayun nagkatampuhan na naman kami. Pero okay lang yan, magbabati naman kami bukas.

My First Year College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon