9

13 2 0
                                    

John: Hi
Me: Hello ^^
Me: Walang ka ring magawa?
John: Wala rin eh. Saturday eh. Tapos na rin assignments ko.
Me: Relate

and so on and so far. Nagpatuloy na ang pag-uusap namin hanggang matapos na ang weekend.

~~~~~~

"Kim ka-chat si John nung weekends" sabi ko kay Kim habang nag-aantay pa ng susunod na teacher. "Ako rin." sabi ni Kim.

"Guys anong magandang group name para sa'tin?" tanong ni Mary samin ni Kim. "Hmmm Cockroaches na lang." sagot ni Kim at nagkatinginan kami ni Mary.

"Hahahaha!" sabay tawa namin ni Mary. "Bakit Cockroaches? " tanong ko.

"Kasi paborito nating tatlo panoorin yung Oggy and cockroaches kaya ayun naisip ko" paliwanag ni Kim.

"Ohhh.." sabay pa kami ni Mary.

"Goodmorning class! meron tayong P.E. ngayon kaya bumaba na kayo sa tapat ng building niyo"

"Woohh!!" sabi namin sabay takbo sa baba. Parang kaming mga kabayo na nakikipagkarera sa isa't-isa.

"Pwede kayo maglaro ng kahit anong gusto niyo!" sigaw ni Maam na naka megaphone pa. Masyado kase kaming maingay.

After 1 hour

"Class may announcement. Magkakaroon tayo ng Sci-cheerdance. Competition ito kaya dapat galingan niyo..." Pinagpatuloy pa ni Ma'am pero di na ako nakinig kase nakita ko si John na nakatingin sakin mula sa second floor.

Dahil sa titig niyang nakakatunaw humakbang ako ng isang beses papunta sa may bubong para di ko makita ang ulo niya. Pero di ko inaasahang gagaya siya sakin para makita lang ako. Humakbang lang ako at ganon rin siya. Paulit-ulit lang kami hanggang sa nag dissmised na ang klase.

Agad natapos ang third subnect namin at nag break na kami. Kasabay ko pa rin yung dalawa. Pagkababa namin sa first floor ay nasa lubong namin si John at tumakbo ito palayo. Hindi ko alam kung ako ba yung iniiiwasan o si Kim. Baka si Mary kase maganda naman siya at ang innocente ang mukha, siguro crush niya yun.

Pagka-uwi ko ay nag-bukas ako ng fb.

John: Hi
Me: Hi rin
John: Anong gawa mo?
Me: Kakauwi ko lang eh.
John: Geh kain ka muna :)
Me: John mahiyain ka ba talaga?
John: Oo eh..
Me: Ahh okay. Kain lang ako ^^

At pagkatapos kong kumain ay gumawa ako ng assignments at agad nakipag chat kay John.

Me: Goodnight ^^
John: Goodnight rin. sweetdreams :)

My First Year College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon