"Dalin nyo ko sa pinuno nyo" nakatindig na sabi ni Elise at dahan dahan nyang isinuot ang armas nya, para malaman ng tatlo na hindi na sya makikipaglaban
"Hindi ka namin hahayaang saktan ang pinuno namin" matalim na sabi nung lalaking lion na para bang handang atakihin si Elise
"May alam na Healing Abilities ang kaibigan ko, sa tingin ko mas maganda kung mas maaga ay magamot na ang pinuno nyo"
"Sa tingin ko tama sya Lio, kailangan na ng ating pinuno ng magaling na Healer, kung kaya ko lang sanang magamot ang pinuno natin" malungkot na sabi nung babae, dahil ang iniisip nya ay wala syang silbe para sa kanyang pinuno
"Sige papayag ako, pero sa oras na may gawin kang masama si pinuno ko, ako ang makakalaban mo" sabi naman ni Lio
"Suuss, kailangan mo pa nga ng babae at bata para lang kalabanin ako, pero natalo ka pa rin HAHAHAHA" pagmamayabang naman ni Elise
"Aba, humanda ka sakin" naiinis namang sinugod ni Lio si Elise. Pero pinigilan din agad siya ng kasama niyang babae
"Ani wag mo kong pigilan"
"Lio, nasa masamang kalagayan ang pinuno natin, at isa pa tama naman ang sinabi niya, wala tayong kakayahan para kalabanin sya"
"O diba, tama yung sinabi ng kapatid mo na si.. si Ani? Tama ba?"
"Opo ako si Ani, ito naman si Lio, at ang bunso naming kapatid na si Echo. Nakikiusap kami sa inyo tulungan nyo ang pinuno namin"
"Tsk" pag paparinig naman ni Lio
"Sige, pero sa ngayon mag madali na tayo, para malaman ko kung kaya kong tulunga ang pinuno nyo"
Nagmadali na ang apat na makapunta sa maliit na bayan nila Lio. Inabot sila ng Dalawang araw para makarating sa kanilang pupuntahan
"Sila kuya Lio, kuya Echo at ate Ani dumating na" sigaw ng isang bata agad na naglabasan ang mga tao sa kanikanilang bahay, maliit lang ang bahayan nila at halos nasa 100 katao lang ang mga nandito
"Lio nakahanap na kayo ng Class A Healer? Siya na ba yun?" Sabi ng matandang babaeng may hawak na tungkod, siya ang nangangalaga sa kanilang pinuno, nakakakita sya ng mga ispirito kaya hindi mahirap para sa kaniya na makita si Mana
"Opo, Inang Gilaya, Kamusta na po ang pinuno" tanong ni Lio
"Bilisan na natin, nangangamba ako na hindi na maganda ang kalagayan niya"
Dahil sa narinig sa matanda nag alala ang lahat ng mga tao, unti unting nagkagulo ang mga tao dahil sa pag aalala
"Pero wag kayo magalala, alam kong ang lalaking ito ang tutulong sa atin" tumingin ang matanda kay Elise, habang nakaramdam naman ng kaba ni Elise, dahil hindi pa sya sigurado sa kanyang kakayahan na ibinigay sa kaniya ni Mana
"Elise, wag kang mag alala, ako na ang bahala" sabi naman ni Mana para palakasin ang luob ni Elise
Nagtungo na sila sa maliit na kubo kung saan nanduon ang matandang sinasabing may sakit
Halos matay matay na ang matanda, dahil hindi na rin ito maka kilos. Kinuha ni Elise ang libro na si Mana at hinawakan ito, naging enerhiya ang libro at kumalat sa kanyang katawan
"SAGE MODE: MANA" bigkas ni Elise "Mana ikaw na ang bahala"
Tiningnan ni Mana ang katawan ng matanda, at agad niyang nalaman kung ano ang sakit nito
"Isang Class C, Cursed magic ang ginamit sa kaniya, pinapabilis nito ang pagtanda ng isang tao, pero kaya ko syang ibalik sa dati" sabi ni Mana na kinagalak naman ng lahat
"Oh bathala pagpalain mo sila" naiiyak na sabi ng babaeng matanda
"Sisimulan ko na" sabi ni Mana
"HEALING: CELL REGENERATION"
Nagliwanag ang kamay ni Mana na kumalat naman sa buong katawan ng matanda. Inabot ng kalahating oras paggagamot sa kanilang pinuno, halos naubusan na rin ng mana si Mana
"Ayos na ha..ha. di ko akalaing sobrang bababa ang enerhiya ko ng ganito" sabi ni Mana
"Magaling na si Pinuno!" Sigaw ng mga tao at lahat ay nagsilapitan
"Ha? Kasing edad ko lang pala yung pinuno nyo" gulat na sabi naman ni Elise
"Wag mong mamaliitin ang pinuno namin, kaya kami nananatiling ligtas dito sa bayan na to dahil sa kanya" sabi naman ni Ani habang pinapahid ang kanyang luha sa kanyang muka
"Anong nangyari, ang mga Alto" agad na bigkas ng lalaki pagkabangon niya sa kanyang hinihigaan
"Pinuno, ibig sabihin ba ang umataki sayo ay ang mga Alto?, Sinasabi kona nga ba, hindi ko sila patatawaein sa ginawa nila" galit na galit na sabi ni Lio na sinang ayunan ng iba pang myembro
"Lio, wala kayong gagawi, nakipag usap ako sakanila para sa kapayapaan natin, at yun lang yun, sa ngayon kailangan na nating umalis dito. Kailangan na ulit nating humanap ng bagong matitirhan" seryosong sabi ng kanilang pinuno
"Pero bakit kailangan pa nating umalis?, sigurado akong sila ang may kagagawan ng pagkamatay ng ilan nating kasamahan, at isa pa pinuno. Hindi na kami aalis dito, kung kailangan naming pumatay, papatay kami" sabi ni Lio
"Oo nga pinuno, lalo na sa ginawa nila sainyo, hindi kami papayag, ang buhay namin ay nakalaan na sayo at ngayong ginwa nila sa inyo ito, hindi na kami makapapayag"
Tumayo ang pinuno nila at bigla itong naglabas ng malalaking pakpak na gumulat sa kanilang lahat
"Kung magpaplano kayo ng ganyan, ako mismo ang papatay sa inyo, alam kong galit kayo, pero hindi natin masusulusyunan ang lahat kung puro pakikipag laban lang ang gagawin natin" sabi ng pinuno at nilabas ang kaniyang espada
"Patawad pinuno, hindi namin sinasadyang sabihin ang mga ganung bagay, hindi lang namin matanggap ang ginagawa ng mga alto" yumuko ang lahat pagkatapos magsalita ni Ani
"Ikaw ba ang nagligtas sa akin?, Ako si Sinon ang Pinuno ng aming Angkan" sabi ni Sinon kay Elise
"Ako si Elise"
YOU ARE READING
MANA
FantasySa pagkamatay ng Ama ni Elise, buo ang luob ni niya na maghihiganti siya para sa hustisya Kasama si Mana at ang kaniyang bayan, lalaban sila para sa kapayapaan at hustisya Reminder: hindi po ako magaling na manunulat, pero pinapangako kong bibigyan...