Naglakad lang nang naglakad sina Mana at Elise habang itinuturo ni Mana ang ilang abilidad na pwedeng magamit ni Elise sa pakikipag laban
"Ang Mana ay ang enerhiya na nanggagaling sa kalikasan, at ginagamit ito upang mailabas ang kapangyarihan ng isang nilalang" kwento ni mana, habang panay naman ang ngata ng ubas si Elise
"Hoy, nakikinig ka ba?!" Inis na sabi ni Mana
"Oo, bakit nga pala kapangalan mo ang Mana?" Napatingin si Elise kay Mana
"Bago pa ako maging Spirit Sage, marami na akong natutunan tungkol sa Mana, tinatawag akong Master of Mana, kaya ayun ang pinangalan sa akin"
"Weee"
"Oo nga, bat ayaw mong maniwala?" Nagiinit na ang ulo ni Mana kakasuway kay Elise. "Nga pala, ngayon kaylangan mo nang matuto ng combat skills, dahil isa sa pinakamabisang paraan ng pagpapalakas ng Mana ay ang pag aaral ng Combat skill o Martial arts, para makondisyon ang iyong katawan, sa pag papalakas ng mana" sabi ni Mana
"Nagaaral ako ng Kendo sa amin at isa akong Class E Hunter pagdating sa Kendo" mayabang na sabi ni Elise
"Hahaha nagpapatawa ka ba?, Napaka baba ng Class mo para mag gagagala ng walang kasama, kailangan mo munang maging Class C bago ka magyabang"
"Eh ano bang kailangan kong gawin?" Tanong naman ni Elise
Nagliwanag ang isa sa mga papel ni Mana, at dahan dahan nitong inilabas ang kahoy na samurai. "Simula ngayon itong espada na ang gagamitin mo" ibinigay ni Mana ang espada kay Elise
"Papano naman to makakapatay ng mga mallaking gagamba?" Natatawang sabi ni Elise
"Ang espada na yan ay gawa ng aking kapatid, pinapabilis niya ang pag kolekta mo ng mana sa paligid, at ayan din ang ginamit ko bago ako maging Sage"
"Wow, ibig sabihin lalakas ako pag ito ang ginamit ko?" Namamanghang sabi ni Elise Habang hinihimas ang kanyang bagong espada
"Mag simula na tayo, Earth: Wooden Puppet" bigkas ni Mana at biglang lumabas ang apat na puppet sa kaniya
"Puppet? Hahahha, minamaliit mo ata ako?" Nakangiting sabi ni Elise
Naglaban laban ang apat na puppet at si Elise, at ilang sandali lang ay bumagsak na rin ito
"Akala ko ba magaling ka?" Natatawang sabi ni Elise
"Nagsisimula palang ako" ipinokus ni Elise ang mga enerhiya sa paligid at pinaraan ito sa kanyang espada
"FIRE:DRAGON BREATH" malakas na bigkas ni Elise, at unti-unting nag apoy ang kaniyang espada
"Humanda ka ngayon" sumugod ng mabilis si Elise at isa isang inatake ang mga puppet, pero dahil apat ang puppet na kaniyang kalaban, ginagamit niya ang mga puno upang ipang depensa, Ilang sandali lang ay napabagsak nya na ang isa sa mga puppet
"Pano ba yan?" Nakangiting sabi ni Elise
"Di ko akalaing mabilis niyang matututunan ang isang Class B na ability, ang dragon breath, at nagawa nya pa itong kontrolin sa kaniyang espada, siguro kailangan ko nang magseryoso" nakangiting bulong ni mana sa kaniyang sarili, halata ang pagkagalak nito ng makita niya ang improvement ng kaniyang estudyante
"Humanda ka ngayon, Puppet Technic: Demon Sword" nagkaruon ng mga espada ang mga puppet ni Mana, at hindi lang yon mas bumilis na rin ang pag kilos ng mga ito
Mabilis na sumugod ang mga puppet kay Elise, pero walang magawa si Elise kung hindi ang umiwas sa mga atake ng mga Puppet, Halatang nahihirapan na din si Elise sa pag iwas sa mga Puppet, sugat sugat na rin ang kaniyang katawan, tumutulo na ang mga dugo sa ibat ibang parte ng kaniyang katawan
YOU ARE READING
MANA
FantasíaSa pagkamatay ng Ama ni Elise, buo ang luob ni niya na maghihiganti siya para sa hustisya Kasama si Mana at ang kaniyang bayan, lalaban sila para sa kapayapaan at hustisya Reminder: hindi po ako magaling na manunulat, pero pinapangako kong bibigyan...