Chapter 1: Maghihiganti Ako!

64 1 1
                                    

Masayang naglalakad si Elis pauwi sa kanila, Galing sya sa gubat upang manguha ng mga prutas na kakainin nila. Malapit na sya sa kanilang bahay, pero di maintindihan ni Elis kung bakit sya nakakaramdam ng kaba, kaya mas binilisan nya ang paglalakad.

"Elis!!"

Napalingon agad si Elis sa kanyang likuran, nakita nya ang kaibigan niya na tumatakbo papalapit sa kanya. "Bakit, ano ba nangyari at parang balisang balisa ka?"

"Ang Ama mo, kinuha ng mga bishop mula sa Holy Empire" sabi nito habang hinahabol ang kaniyang hininga. Nang marinig iyon ni Elis, alam na nya kung ano ang nangyari, hindi na nya nagawang pigilan ang luha niya

"Papa, mama, pinapangako ko sa inyo na mananagot ang mga tao sa likod ng pagkamatay nyo" Nakatingin lang si Elis sa malayo at pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang muka

"Aalis ako Kiyo, saka nalang ulit tayo magkita, pag naayos ko na ang lahat" sabi niya sa kanyang kaibigan

"Bakit ka naman, aalis wala ka ng mapupuntahan"

"Pananagutin ko ang buong bansa ng Holy Empire" tinitinigan niya ng matalim si kiyo, para iparating ang galit nito

"Alam mo, magpahinga ka na muna, saka mo na isipin yung imposibleng gusto mong mangyare" tinapik ni Kiyo sa likod si Elis "Nga pala may ipinabibigay na libro sayo ang Ama mo, basahin mo daw" inilabas ni kiyo ang maliit nalibro na halos kasing laki lang ng kamay niya

"Tiningnan ko nga yung luob niyan pero wala namang nakasulat"

Napatingin si Elis sa maliit na libro at binuklat niya iyon, pagkabuklat niya ay may narinig sya na boses mula sa kanyang utak

"Elis, alam ko kung ano ang plano mo, at alam ko ding di na kita mapipigilan sa gusto mong gawin, pero makakatulong itong Book of Mana para sa mga planong gusto mong gawin, itanong mo lang sa libro na ito ang kahin na anong bagay at sasagutin ka niya" boses ng kanyang ama ang narinig ni elis at sigurado sya duon

"Elis, anong nangyari sayo? Bat nakatulala ka nalang?"

"Wala, sige na aalis na ako, sana magkita pa tayo" paalam ni Elis sa kanyang kaibigan, na naiwan namang tulala dahil sa biglang pag iwan nito sa kaniya

Walang kaalam alam si Elis kung saan sya pupunta, wala rin syang dala bukod sa librong hawak niya at sa konting pagkain. Na isip ni Elis na subukan ang librong ibinigay sakanya ng kanyang ama, kaya binuksan nya ito

"Ano naman kaya ang itatanong ko?"

"Ahh, alam ko na, nasaang lugar ako ngayon?" Tanong niya sa libro, biglang gumalaw ang librong hawak ni Elis at nagsalita ito sa boses ng isang babae

"Hi, ako si mana, nasa gitna ka ngayon ng Forest of Naya, magiingat ka, maraming mababangis na hatop dito at masasamang hunter"

Nagulat si Elis sa kaniyang narinig, alam niya na may naririnig syang boses mula sa libro, pero nagulat sya dahil nalaman niyang may buhay pala ito

May gusto sanang sabihin si Elis ngunit di nya na ito nabigkas dahil may isang malaking gagamba ang nagpakita sa kanyang harap

"Aghhhhhh, ano yan?" Tanong niya kahit alam niya nang gagamba iyon

"Iyan ay ang Nayasan Spider, namatatagpuan lamang  dito sa Forest of Naya, isang Class C monster, para matalo ay kaylangan gamitan ng class C fire element"

"Pano ko kakalabanin iyan eh, hindi naman ako mage?" Natatakot na tanong ni elise

"Sige papayagan kitang gamitin ang kapangyarihan ko, pero may kapalit" sabi ni Mana

"Ano naman yun"

"Basta, ang gawin mo lang ay hawakon mo ako sa dalawang palad mo at sabihin mo Sage Mode Mana"

Hinwakan naman ni Elise si Mana ng kanyang dalawang palad

"SAGE MODE: MANA"

naging buong energiya ang libro at kumalat ito sa katawan ni Elise, nagsimula ng sumanib sa katawan ni Elise ang kapangyarihan ni Mana, at unti-unting gumuhit ang mga marka sa muka ni Elise

"Ngayon iisa na tayo, at dahil hindi mo pa kabisado ang kapangyarihan ko ako muna ang kokontrol sa katawan mo" sabi ni Mana, tumango nalang dito si Elise habang namamangha sa kanyang nararamdamang enerhiya sa katawan

Itinapat ni Mana ang kamay ni elise sa malaking gagamba "FIRE: BREAT OF DRAGON" . Madaling natusta ang malaking gagamba

"Natalo mo sya, ang galing" namamanghang sabi ni Elise, pagkatapos ay lumabas na sa katawan ni Elise si Mana

"Syempre ako yata ang Great Sage, marami akong alam na Ability, isa lang breath of dragon sa mga abilidad ko"  pagmamayabang nito

"Ano nga pala yung kapalit na sinasabi mo?"

"Ang ginawa ko sayo ay kontrata, sa oras na magawa ng isang Sage ang kontrata sa kahit na sino, magiging iisa na sila, ibig sabihin makukuha mo na rin lahat ng abilidad ko, pero ibig sabihin din nun magiging isa nalang ang buhay natin, kaya sa oras na may mamatay sa ating dalawa, mamatay din ang isa"
Paliwanag ni Mana

"Tama lang, wala ako pinanghihinayangan, tutal nakalaan na ang buhay ko para patayin ang mga taong  nag frame up sa papa ko"

"Ok, ibig sabihin din akin na ang katawan mo HAHAHAHA"

Habang masayang nag uusap ang dalawa hindi nila namalayan na may nakamasid na pala sa kanila

MANAWhere stories live. Discover now