https://youtu.be/ebXbLfLACGM
Now playing>>>
Calvin Harris- Summer (lyric video)Bumabayo ang speaker sa buong 1st floor ng Avia Home, habang energetic na nagluluto ng agahan si Braz. Medyo magulo pa ang buhok nito na kulay ash gray , matangkad ito at may wrist band tattoo ito sa left hand, at japanese characters sa hand knuckles nito.
Sumasabay ang ulo nito sa tugtog..
Sa sobrang lakas ng speakers ,hindi nya napansin ang lalake" Braz ,aalis na ko.." paalam ni Lucas.
Bitbit ng lalaki ang bagpack , napakamot ito sa batok at nilapitan si Braz saka tinapik sa balikat.
" Bro ! Punta na ko ,see you soon.."Gulat na napalingon si Jin Braz Abad,
" Ha??"Sumenyas si Lucas na aalis na ,halos magsisigawan na sila dahil hindi nila marinig ang isa't isa.
" Sure bro! Ingat sila sayo 😁" sabay thumbs up ni Braz.
Summer vacation na ng mga estudyante,kaya naman nagsiuwian na ang mga kasama nila ,si Lucas ang pinaka huli dahil may tinapos pa itong school papers bago tuluyang umalis.
Apat lang sila na maiiwan sa Dorm.
Hindi sila uuwe, dahil regular resident na sila ng Avia. Sila ang certified scholar ni Syrahn Riyuta."Braz,please lang binging bingi na ko" pupungas pungas pa na wika ng isang lalaking chinito ,itim at natural ang maganda at bagsak na buhok nito.
"Good morning Gan!" Pasigaw na bati ni Braz sa lalake.
" Jin braz abad, abot hanggang labas ng gate yung patugtog mo." Pagbibigay alam ng lalaking naka mask at light brown ang buhok..
" Goodmorning din Psyche!😁" Bati muli ni Braz sa isang lalaking may bitbit na walis ,galing ito sa labas.
Walang ganang umiling ang lalake,at nag middle finger kay Braz.
Maya maya ay biglang namatay ang tugtog .
" Luh!Black out ba?.." namilog ang mata ni braz.
tatlong magkakasunod na kalabog ang naring nila mula sa itaas na palapag..
Nagtinginan silang tatlo..." Sa kwarto mo ba yun?" Tanong ni Gan kay Braz..
"Si Gray."Tingin ni Psyche sa kanila.
Magkakasama silang tatlo at si Gray lang ang wala roon.
Mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ng takbo si Braz pataas sa 2nd floor,Naabutan nyang may hawak na baseball bat ang binatang may piercing sa tenga, may highlights na ash gray ang buhok nitong itim, that always reminds him about cruella.
"Waaaaaaaaagggggg!" Jin braz abad have manage to shout that word from the kitchen up infront of his bedroom door.
" My phone my phone ..my precious phone😱" pasok nito agad sa loob.
Thank God di ito basag ,agad na lumipad ang tingin nya sa laptop, buo pa at walang lamat.
Nakataas ang mga kilay ni Gray,habang tinitingnan si Jin. Mukha itong ewan,habang niyayakap at niluluhuran ang mga gadget nito..
" Baliw.." iling ni Gray..
Narinig ni Jin iyon, kaya't binalingan sya..
" Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko? Bakit hawak mo yang bat?? Balak mo bang sirain ang mga gamit ko dito???"" Ah ito" hawak ni Gray sa bat na may patay na ipis sa dulo.
" Pinanghampas ko sa ipis,pero actually sayo ko talaga ito ihahampas.
Ta&#+$--+ng patugtog yan ,abot hanggang saab8, gusto mo bang mabarangay tayo dito.?"