New Messages.
Isa isang binuksan ni Gray ang mga notification sa email nya.Hanggang sa makita ang mensahe na pinadala ni Syrahn.
Agad ng nagsalubong ang kilay nya, at binasa ulit ang laman ng email.
" Are you kidding me?" Nasambitla ng lalake ng maintindihan ang laman ng email.
Ngunit agad Nag reply ..
" K."
Maya maya pa ay nariyan na sila Gan at Jin..
Isa isa nang pumwesto ang mga kasama sa harap ng Pc.Ito ang normal na routine sa Avia, at ng mga VA boys. Online ang mga trabaho nila dahil sa pandemic . Naguumpisa ng 9am matatapos ng 5pm.
Si Gan ,Jin, Psyche ay talagang sabay sabay nagumpisa, 1 year ago. Samantalang 2 buwan palang ang nakakalipas ng mag umpisa si Gray.Silang apat ay nagt.trabaho para sa isang Virtual team na pagmamay ari ng Lalaking nagngangalang syrahn. Si Gray ay direktang nakakausap at nagt.trabaho kay Syrahn sa Saab 8, ngunit isang araw ay bigla nalang itong nalipat sa Avia.
Nirerespeto nila si Gray dahil dun, at mas matanda ito sa kanila ng 2 taon." Asan si Psyche?." Tanong ni Gray.
" Present " pasok ni Psyche sa study room..
"Late." Wika ni Gray.
"Nope, naka time in na kaya ako.kahit echeck nyo pa.." proud na wika pa nito.
" Since kumpleto na tayo I want you to know na may meeting tayo after work.
Importante ito,galing kay Mr. Riyuta"
Anunsyo ni Gray." Roger that." Sagot ni Gan.
" Salary Increase ba yan?" Tanong ni Jin.
" You wish" sabad ni Psyche.
Maya maya lang ay tanghalian na naman..
" Break muna ako "Anunsyo ni Jin.
" Ako din " Tayo ni Gan.
"Anong lunch?" Tanong naman ni Gray.
" Hotdog ulit" tugon ni Psyche.
" Wag na kayo magreklamo ... Wala ng laman yung ref, puro yelo nalang.."
Paalala ni Jin. Dahil madalas itong incharge sa kusina,ito lamang ang masipag at masarap magluto sa kanila.Paglabas nila jin at gan saka naman tumunog and cellphone ni Gray.
Agad namang sinagot iyon ng binata.." Hello?"
" Ano ? Mamayang gabi?!. Sige sige."
Nagtatakang napalingon si psyche sa kasama.
"Sino yun?"" Si Mr .Riyuta. " Gray.
" Anong sabi nya?" Tanong muli ni psyche.
" Darating na mamaya yung kapatid nya, dito daw muna sa Avia ."
" Huh? Yung pangalawa nyang kapatid?,Di ba businessman yun.. "
" Hindi si Sujero. Yung isa, yung bunso si Aki. Kaya mamaya iiwan ko kayo ng maaga para magsundo. Mag ayos kayo rito . " Bilin ni gray.
Mga bandang alas 4 ng hapon ng magpaalam si Gray na aalis.
At dahil busy pa at ala cinco pa talaga ng hapon matatapos ang trabaho nila, naiwan pa ang tatlo at hinayaan na syang umalis.Hindi na nag usisa pa.6pm | Belle Air International airport ...
Dala ni Gray ang motorsiklo . Tinawagan sya ni Justine Villafranca.At sinabing saktong 5:00 ng hapon darating ang eroplanong sinasakyan ng kapatid ni Syrahn.
E- escort ito ng isa sa mga security personnel ng Bell air palabas ng bldg. kung saan maghihintay si Gray.
Saktong ala 6 ay niluwa ng pinto ang isang babaeng maputi may dalang bag na kasing laki ng gym bag.. mukha itong naka highschool uniform sa suot na white blouse at gray skirt na maikli