🎯Chapter 3

0 0 0
                                    

Tumayo si Aki para lumabas ng kwarto , nasa gitna sya ng mahimbing na pagtulog ng maramdaman nyang naiihi sya.

Hindi na nya binuksan ang ilaw derederetso ang lakad nya sa hallway at tumigil sa tapat ng isang pinto , pinihit nya ang door knob at bumukas naman ito , she was walking with her eyes close.

Kumapa kapa sya at nakahawak sya ng malambot na bagay. Mejo nagulohan sya at ng buksan nya ang mata ay nasa harap pa rin sya ng kama... At dahil antok na antok sya ,bumalik nalang  sya sa kama at ipinagpatuloy ang pagtulog .

......................

Hindi maipaliwanag na ingay ang nanggagaling kung saan ang dahilan upang maalimpungatan si Jin at nagaagaw diwang lumingon sa bintanang katapat ng malaking puno sa likod ng Avia building..

Mula sa munting liwanag galing sa labas ay naaaninag nya ang paggalaw ng bintana na tila binubuksan mula sa labas.

Gustong bumangon ni Jin upang kumuha ng kahit anong matigas na bagay na pwede nyang magamit kung sakaling mabuksan ang bintana at makapasok ang magnanakaw o kung ano man yun.
Ngunit hindi sya makagalaw ,ni hindi man lang nya maibuka ang bibig nya.

Sumisigaw sya pero walang lumalabas na tunog , nagumpisa syang magpupumiglas pero mas lalo syang nahihirapan  at di sya makahinga!

"Mamatay na yata ako...😵" Isip isip nya.

Mahinang ungol ngunit katagalan ay palakas ng palakas iyon kaya wala sa sarili na napamulat si Aki .  Nagtatakang kinapa kapa nya sa gilid ang cellphone nya pero lamp shade ang nahawakan nya kaya agad nyang ini On iyon.

Pag baling nya sa kabilang banda ng kama ay napamulagat sya ng makita ang lalaking tila binabangungot , hindi alam ni Aki kung sisigaw ba sya  dahil may lalaki sa kwarto nya o sisigaw  sya dahil tila kelangan nito ng tulong!😨😰

Nasabunutan ni Aki ang sarili dahil di nya alam ang gagawin , saka bigla nalang nyang sinampal ng pagkalakas lakas ang lalaki ..

Pakkkkkk!!!!!!

Napaderetso upo ang lalaki sabay hawak sa sariling pisngi🤯
Hinihingal pa ito at nanlalaki ang mata sa gulat!

Pero mas nagulat ito ng makita ang babaeng nakaputi sa gilid nya..

" Putcha! -In the name of the father ,of the son ,- lumayo ka sa kin! " Halos mahulog pa ito sa kama sa takot ..

Bakas sa mukha ng babae ang pagkalito at kaba.
Una hindi nya naiintindihan kung anong sinabi ng lalaki.
Pangalawa kanina natatakot sya pero ngayon gusto nya ng matawa dahil walang damit ang binata pero purple minions ang design ng boxer shorts nito.

" G- gomen Nasai.." tanging nasabi lang ng babae.

Saka lang narealize ni Jin , ano bang petsa ngayon? Ano bang nangyayare?
Ayy tanga may bisita kanina, kapatid ni Syrahn! May BISITAAAAAAAAA!

PANAGINIP LANG TO..
PANAGINIP LANG TO....
NANAGINIP LANG AKO..

" I' m sorry , I ..I'm.. I mean ... I sleep walk  again. I'm so sorry.." tumayo ang dalaga at  walang tigil na nag bow  sa kanya habang papunta sa pintuan. Tinakpan pa nito ang mata..

Agad na hinablot ni Jin ang unan at pinantakip sa salawal.

Maagang gumising si Psyche dahil ,ugali na nyang magwalis sa harap ng Avia homes habang nagkakape.
At dahil magkaharap ang kwarto nila ni Jin  , Gulat na napatuwid sya ng tayo ng saktong lumabas si Aki galing sa kwarto ni Jin. 

Nagkatinginan sila ng babae tila gulat din ito..

" Ohayoo guzaimasu ka!" Bati ng babae bahagya pa itong yumuko sa kanya.

Hindi naintindihan ni Psyche ang sinabi nito pero sinundan nya ng tingin ang babae hanggang sa makapasok ito sa sariling kwarto .

Agad syang dumiretso sa kwarto ni Jin , at naabutang tulala ito sa kama at naka boxer shorts ng purple minion .

" Hoy Gagi! Anong nangyare?" Nalilitong tanong ni Psyche.

" Gago hindi ko rin alam , nagla- lag pa yung utak ko " tila bangag pa na sagot ni Jin.

" Nakita ko siya , lumabas dito sa pinto ng kwarto mo.Lagot ka kay Gray,pero mas lagot ka kay Syrahn."
Wika ni Psyche.

" Pinagsasabi mo, natutulog ako pag gising ko may multo sa tabi ko!! Akala ko mamatay na ko 🥴.."

Tinapunan sya ng nagdududang tingin ni    Psyche.

"O ano nangyare jan??" Turo nito sa pisngi  na may bakas pa ng kamay.

Pag kasara ng pinto ay agad na isinubsob ni Aki ang mukha sa malambot na kama.
Hindi nya maalala kung bat nasa kwarto sya ng iba.. sinabi nya na nag sleepwalk sya kasi nung bata pa sya madalas sya nag e sleepwalk. 

Naiinis na natatawa ang dalaga ..
Naiinis sya sa sarili pero natatawa sya sa boxer na may purple na minion😂
Ang astig ng mga tattoo ng binata ,mukhang badboy ang datingan pero  cartoon character yung panloob🥴.

†***********†************†*********†****

Late nagising si Gray kaya hindi ito nakasabay ng agahan.

Pero on time itong pumasok sa computer room.

" Good morning" casual na bati ni Gray.

" Hey !" Sagot lang ni Psyche.

Maya maya ay bumukas ang pinto at ,pumasok si Jin at Gan.

" May noodles dun ,Kuys.." wika ni Gan ,

" Gray ,alam mo ba ? Nag e sleep walk si Aki!" Lapit ni Jin sa binata.

Blankong napatingin si gray sa kanya..

" Why ?" Kumunot ang noo nito sa huli..

Ekwenento ni Jin ang nangyare ng magising sya kaninang madaling araw.
Hindi makapaniwala si Gan at Gray sa mga kwento nito, samantalang busy naman si Psyche sa task na ginagawa.

" Sa akin ipinagkatiwala ni Syrahn si Aki.So I wanna make it clear na liability ko si Aki. Alam nating lahat na lalaki tayo dito, lets protect her. I hope klaro yun sa inyo." Final word ni Gray.

" Yes ,boss" sagot ni Gan.

Tumango tango si Jin.Narinig rin ni Psyche iyon at wala naman itong pakialam sa babae.

..........,.......

Nahihiyang lumabas ng kwarto si Aki ,kaya nmn mag la lunch na hindi pa ito lumalabas ng kwarto. Not to mention na nagugutom na ito.

Tatlong magkakasunod na katok ang pumailanlang sa pinto ng kwarto.

Lumapit si aki at pagbukas ng pinto ay nakita nya ang lalaking naka jacket ,si Gray.. matangkad ito kayat tiningala nya ito..

" Good morning. I just wanna check if you're ok ? You didn't eat your breakfast.
So come and join us for lunch ,downstairs.."

" Ok,ok" tango ng dalaga..

Naunang bumaba si Gray at maya maya ay sumunod din si Aki.

11 am palang ..kaya si Gray palang ang naka break. Hindi sila pwedeng magbreak ng sabay sabay.

Nagluto si jin ng paksiw na isda at may natira pang pritong itlog nung breakfast.
Napansin ni Gray na hnd ginagalaw ni aki ang ulam nito.

" Don't force yourself ,here you can have this.." abot ni Gray ng itlog sa kanya.

" Gomen nai.. "

Hindi naintindihan ni Gray ang paghingi ng pasensya nito pero sumenyas sya ng  thumbs up sa babae.

Matapos kumain ay halos sabay silang tumayo ,nauna lang pumunta sa lababo si Aki. Napansin ni Gray ang pulang marka sa likod ng suot nitong dress na pambahay. Hindi nya pinuna ito pero alam nyang baka may dalaw ito ngayon.

" Aki, if you need any help  or anything just call me ,okay? " Bigay alam ni Gray sa dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Avia Homeboys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon