Chapter 17: Crisis

495 69 5
                                    


Mabilis na gumawa at nagkaroon ng fire ball ang bibig ng Fire Fox ni Evor nang malapit na siyang tamaan nito. Sa sobrang bilis nang pangyayari ay...

BANG!

Nagawang ibato ng mabilis ng Fire Fox nito ang binup nitong fireball dahilan upang magkaroon malakas na pagsabog na siyang dahilan kung bakit napaatras ng ilang metro si Evor.

Mabuti na lamang at nakuha niyang ibalanse ang sarili niya at hindi siya natamaan ng mga ice shards.

Li Xiaolong began to wonder. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng summons ito. Sabi kasi ni Apo Noni maging ng ibang formers ay bibihira lamang ang mga nilalang na mayroong ice power o kayang kontrolin ang yelo. Given how the temperature sa lugar na ito ay bibihira lamang talaga ang mga Summons na ganito.

Sa malalayong parte siguro ng Summoners River ay siguradong meron pero dito? Imposible.

Nag-isip pa si Evor ng mabuti at mabilis na nagliwanag ang pares ng mata niya nang maisip ang isang bagay kung bakit merong ice power na summon rito na siyang agresibong inatake siya.

"Malamang sa malamang ay nakaalpas ang nilalang na ito palabas ng Opening Portal ngunit bago lamang ito. Sa lawak ng Opening Portal ay malayang makakalabas ang mga flying type na summon beasts o summon heroes hmmm..." Sambit na lamang ni Evor sa kaniyang sariling isipan lamang habang nagmamatyag pa rin siya sa kaniyang kapaligiran lalo na sa makapal na kaulapang hindi niya batid kung ano'ng klaseng panganib dulot ng pag-atake ng nilalang na iyon patungo sa kaniyang direksyon. Hindi siya maaaring magpatalo lamang sa takot o maging sa naghihintay na panganib sa kaniyang buhay.

Kailangan niyang lumakas at ang pagiging duwag niya ang siyang magiging dahilan kung bakit makikitil ang buhay niya kung paiiralin niya ito.

WHOO!

nakita ni Evor ang nasabing kulay bughaw na parte ng katawan ng nilalang sa kalangitan. Animo'y isang senyales naman ito na aatake na naman ang nasabing nilalang na ito sa kaniya.

Evor knows that in his whole life with his age of 20 years old now, nakaramdam siya ng ibayong takot sa kalaban niya. Wala siyang nasasagap na alinmang presensya ng nilalang sa kapaligiran liban lamang sa nilalang na ito.

Bata man siyang ituring sa mundong ito dahil sa edad niyang ito ay maituturing naman siyang binata na sa lugar na kinalakihan niya.

Sa mundong ito ay talagang mura pa talaga ang edad niya sa gabitong klaseng bagay upang sumabak sa matinding labanan. If he got in the age of 30 doon lamang siya maituturing na binatang tunay o siyang edad ng pagbibinata. Hindi niya pa alam kung bakit sa edad na 30 talaga eh wala naman siyang kaide-ideya rito. Sampong taon mula ngayon ay malalaman niya rin ito. Talagang masikretp ang mga nilalang na nakakasama niya rito pero nagpapasalamat pa rin siya sa pagkupkop ng mga ito sa kaniya.

Hindi niya alam ang ibayong takot liban sa mga oras na ito.

Evor gritted his teeth at masasabi niyang iisa naman ang utak ng fire fox niya ay alam na nito ang gagawin nito. Nakakaramdam at nararamdaman din kasi ng familiar niya ang nararamdaman niya kaya inaasahan niya na ang naging reaksyon ng Fire Fox.

Biglang naging mabagsik ang itsura ng malaking kulay pulang lobo na siyang pamilyar ng batang si Evor dahil sa naramdaman nitong emosyon ng mismong master niya. Whoever owns him ay ganon din ang masasagap nitong emosyon.

GRRRR... GRRR... !

Lumalabas na nga ang mga mahahabang ngipin at pangil ng napakalaking Fire Fox habang nakatingin din ito sa makapal na kaulapan. Nagmamatyag ito sa nakaambang panganib na naghihintay sa kanila.

Maya-maya pa ay bigla na lamang umalpas sa mimong parte ng kaulapang nakatapat kay Evor ang isang mahabang parte ng katawan ng nilalang na kulay bughaw na masasabi niyang buntot ito ng nilalang na nakakubli sa makapal na kaulapan na gustong paslangin sila pareho ng familiar niya.

WHOOSH!

Agad namang gumalaw ang katawan ni Evor maging ang Fire Fox paatras given na napakabilis ng pagkakahampas nito sa direksyon nila.

BANG! BANG!

Parehong nakaiwas si Evor at ang Fire Fox ngunit isang hindi inaasahang senaryo na lamang ang hindi nila aakalaing mangyari.

May dalawa pang mahabang buntot ng nasabing nilalang ang lumitaw dahilan upang manlaki ang pares ng mata ni Evor.

"Alam mo na ang gagawin mo aking Fire Fox. Sa oras na lumakas ka ay matutukoy ko na rin ang pangalan mo." Puno ng determinasyong sambit ni Evor matapos niyang mapansin ang peculiarity ng kalaban niyang ito.

GRRROOOAAARRRRRR!

Bigla na lamang mas lumaki ang katawan nang nasabing Fire Fox na siyang familiar ni Evor. Lumitaw ang apoy sa tuktok ng uluhan ng nasabing Fire Fox at mas tumalim pa ang mga kuko nito.

Gumawa ito ng napakalaking Fire Ball na siyang kapansin-pansin na naglalagablab ito kumpara kanina.

BOO! BOO! BOO!

Tila habang papatagal ng papatagal ay lumalaki ito ng lumalaki habang paparating na sa kanilang sariling pwesto ang naghahabaang kulay bughaw na buntot ng nilalang.

Kita pa nila kung paano tumalim ang mga ito at mabilis na sumusugod sa kanilang sariling pwesto.

Ngayon na! Saad ni Evor habang nakatingin sa gawi ng nasabing Fire Fox na siyang familiar niya.

Umalpas paitaas ang nasabing dambuhalang fireball patungo sa makapal na kaulaban habang mabilis na nalusaw ang tatlong naghahabaang kulay bughaw na buntot ng nasabing nilalang.

WHOOOP!

Tila napangiti naman si Evor sa kaniyang sariling nakikita maging sa gusto niyang mangyari. Inaasahan niyang magiging matagumpay ang magiging atake ng Fire Fox na siyang unang familiar niya.

Ngunit for the second time around ay nabura ang ngiti sa mukha ni Evor nang mapansin niyNg biglang umihim ang hangin na may kasamang sobrang lamig ng simoy nito. Kita niya kung paano biglang nagfreeze ang hangin at nagkaroon ng mga pamumuo ng mga yelo sa kapaligiran niya.

Kahit nga ang nasabing pambihirang atake ng Fire Fox na siyang familiar niya ay kapansin-pansin ang unti-unting pagbulusok nito sa kaulapan na naging sobrang bagal. As if there's something bizarre happening there ma wala siyang kaalam-alam.

Napuno ang isipan ni Evor ng labis na pagkabahala at pangamba. Talagang hindi niya ito inaasahan.

Mas lalong lumaki pa ang pares ng mga mata niya nang mapansin niya ang unti-unting pagkamatay ng nagbabagang apoy sa nasabing bolang apoy kanina.

Cri! Cri! Cri!

Bawat pagkatupok ng apoy ay siyang paglitaw ng tipak ng mga yelo sa surface ng nasabing fireball.

Legend Of Void Summoner [TUA 2] ᴳᵒᵈˡʸ ˢᵉʳⁱᵉˢ #¹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon