TUA 2 Chapter 4
"Ano ito Apo Noni?! Bakit ganito ang laman ng Summoner's Glass?!" Sambit ni Second Former Mario habang makikita ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Kasalukuyan silang nasa paanan o sa labas ng kagubatan kung saan malapit lamang ito sa kanilang nayon. Noong una ay inaakala niyang simpleng bagay lamang ang inaasahan niya o nila ngunit tumambad sa kanilang harapan ang isang nakakamangha ngunit nakakakilabot na pangyayaring ngayon lamang nila nasaksihan sa tanang buhay nila.
"Sigurado po ba kayong buhay pa yang batang yan? Mukhang patay na po yan Apo Noni eh lalo na yung mga pinsala niya sa katawan eh masyado na pong malala tsaka parang nasunog." Sambit ni Village Chief Dario habang makikita ang lungkot sa mukha nito na halatang nahahabag sa kalagayan ng batang nasa loob ng Summoner's Glass.
"Oo nga po Apo Noni, sigurado po kayong buhay pa po yan?! Hindi ko nga nararamdamang humihinga pa siya o kung gagaling pa ang mga pinsala nito. Kahit na mabuhay pa iyang batang yan ay siguradong hindi rin hahaba pa ang buhay nito o kaya ay magiging inbalido nalang ito habang buhay." Sambit ni Third Former Serion habang makikita ang kaseryosohan sa kaniyang sinasabi.
"Sigurado akong buhay pa ang batang iyan. Tumitibok pa ang puso nito ngunit napakahina lamang ngunit ang kalagayan nito ay unti-unti ng nagiging stable. Hintayin na lamang nating gumaling ito at kusang bubukas ang Summoner's Glass. Sambit ni Apo Noni habang makikita ang saya sa mata nito. Kaawa-awa talaga ang lagay nito lalo na ang pinsalang nakuha nito.
"Ano po ang naging dahilan ng pinsala nito Apo Noni?! sambit ni Village Chief Dario habang makikita ang pagtataka nito. Grabe naman ang sinapit ng batang ito bago makarating rito kaya hindi naman masama kung maitatanong niya ito.
"Sa kaalamang nakalap ko noon pa man ay masasabi kong isa lamang ang dahilan ng pinsala nito, Soul Mana Depletion ang naging sanhi ng pagkapinsala niya to the point na halos masaid rin ang lahat ng mana nito sa katawan at maging ang Soul Mana nito ay lubos nitong nagamit na halos masaid na rin." Sambit ni Apo Noni habang inaalala ang kaniyang kaalaman noong nasa Albent Cuty siya. Hindi naman kasi sila binabawalan na mag-aral doon lalo na sa mga karaniwang nangyayari sa mga pasaway na mga user kung saan ay pati ang Soul Mana nila ay hindi nila napapansin na nagagamit na nila ito.
Halos nagimbal naman sina Village Chief Dario, Second Former Mario at Third Former Serion sa narinig nilang ito. Nalaman na nila noon pa ang Mana Depletion noon pa man at wala silang nakitang aktuwal nito dahil napakadelikado nito lalo na ang Soul Mana Depletion. Pero ngayon ang kanilang natutunan noon ay lubos nilang naintindihan kung bajit hindi nilang aksayahin o sairin ang kanilang mana sa katawan. Walang dudang dapat ay handa ang iyong katawan sa pagtanggap ng familiars mo lalo na sa pagpili ng angkop na level ng Familiars na kailangan mo dahil kung hindi ay mas malala pa sa Soul Mana Depletion ang mangyayari sa iyo dahil makakayanan ng katawan mo ang lakas ng iyong magiging familiar.
"Kung ganon po eh bakit naman nangyari po iyon? Tsaka parang ordinaryong bata na lamang ito dahil kahit gumaling pa ito ay lubos na napinsala ang energy channels ng katawan nito." Sambit ni Village Chief Dario habang makikita sa ekspresyon nito ang nagugulumihan at mayroong lungkot rito. Bata pa lamang ang nakikita niyang sobrang naghihirap ay siguradong pagtatawanan at magiging tampulan lamang ito ng tukso sa kanila at wala na itong maaaring maging achievements sa hinaharap na isang kinakatakutan ng sinuman sa kanila. Kasalukuyan siyang isang ganap na 4th Level Summoner pero gusto niya ring mas maging malakas pa at makatapak sa matataas na Summoner Level upang maipagtanggol at maprotektahan niya ang kaniyang nasasakupan. Mayroong sikretong inililihim ang kanilang nayon na hindi sana deserve na maghirap ng ganito ngunit dahil sa nangyari noong nakaraang mga taon ay tuluyan ng humina ang kanilang pwersa. Ayaw niyang pati ang batang inosenteng ito ay madamay sa kamalasan nila. Ewan ba niya, sunod sunod na dagok ang kanilang hinaharap ngayon ngunit naniniwala siyang may awa ang kanilang bathalang pinaniniwalaan.
BINABASA MO ANG
Legend Of Void Summoner [TUA 2] ᴳᵒᵈˡʸ ˢᵉʳⁱᵉˢ #¹
FantasySa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kan...