Totoo naman kasi ang sinabi nito na hindi talaga siya magaling o mahusay gumamit ng lakas ng familiar niya at bago lamang niyang huli ito mula ng makuha niya ito noong nakaraang mga araw lamang sa maulap na parte ng Summoner's River na pinuntahan niya noon.Ngunit maya-maya pa ay mabilis din itong magwika dahil mukhang mapapalaban siya ng husto sa pesteng nilalang na ito na hindi man lang nasindak sa kaniyang sariling banta.
"Maaaring tama ka nga sa iyong sinabi ngunit hindi ako magpapadaig sa mga salita mo. Mas alam ko ang kahinaan at kalikasan ko!" Pagmamatapang na saad ng binatang si Evor habang makikitang hindi ito magpapadaig kay Demosthenes na siyang gustong pahinain ang loob niya.
"Kung gayon ay ipapakita ko sa'yo ang koneksyon ng isang familiar at ng nagmamay-ari nito."wika ni Demosthenes at nalipat ang tingin nito sa familiar nito at nagsalitang muli. "Lend me your power Eudoxos!"
Sa isang iglap ay mabilis na binalot ng nakakasilaw na liwanag ang binatang si Demosthenes na siyang ikinagulat ng lahat ng naririto lalo na ni Evor.
Paano ba naman eh, parang may nangyaring pagbabago sa kalaban niyang ito.
Upang di masilaw si Evor ay ginamit niya ang natural gift niya mula sa dating guardian beast niya na si Nescafra.
Kitang-kita niya kung paanong parang nagbago lahat sa kalaban nito at kung paano siya binigyan nito ng kakaibang lakas at enerhiya ng familiar nitong si Eudoxos na siyang katulad na katulad ng nangyari sa kaniya noong meron siyang guardian beast sa dating mundong kinalakihan niya noon.
Hindi makapaniwala si Evor sa mga natunghayan niya. He tries to get contact with his own familiar ngunit tanging pangalan pa lamang nito ang nalaman niya not even the power that could his familiar having.
Malayong-malayo pa sa tingin niya bago siya mabigyan o pagbigyan ng familiar niya. Only if he could ngunit palagi siyang bigo sa mga araw na iyon.
Mabilis na nawala ang nakakasilaw na liwanag at isang bagong Demosthenes ang nakita ng lahat lalo na ni Evor na hindi makapaniwala sa kaniyang nakitang transpormasyon ng kalaban niya.
Nakasuot ng metal armor ang kalaban niya habang ang balat nito ay parang may dumadaloy na kulay pulang parang guhit o linya ng mga apoy. Talagang kakaiba sa lahat at mukhang malakas talaga ang isang nilalang na ito kumpara sa inaasahan niya.
"Hindi ako nabigo sa aking inaakala. Totoo nga ang sabi sa akin ng nilalang na iyon, kayang-kaya niya akong gawing malakas kaya ikaw binata, ibigay mo na sa akin ang familiar mo kung ayaw mong ako mismo ang kukuha niyan sayo ng sapilitan!" Pagbabantang sambit ni Demosthenes habang nakatingin sa direksyon ng binatang si Evor.
Mukhang naiinip at naiinis na ito habang nakatingin ito sa gawi niya na parang kakainin siya nito ng buhay. Iyon ang nakikita ni Evor na siyang ikinabahala niya.
Magkahalong kilabot at gulat ang nararamdaman ng binatang si Evor lalo na at mukhang hindi sa natural na pamamaraan pala ang dahilan kung bakit nagawa ng kalaban niyang si Demosthenes na mag-establish ng koneksyon sa familiar nito kundi may iba pa. Talagang nakakapanghilakbot ito lalo na at sa nabasa ni Evor kanina sa mga librong nabasa niya ay isang kakaiba at natatanging gawain lamang iyon at pili lamang ang may kakayahang gumawa ng pamamaraang iyon.
Siyempre isa pa rin iyong misteryo kung paano iyon gawin at napakabihira lamang itong mangyari. Ang mga summoner na katulad nito ay espesyal at sigurado si Evor na may mataas itong pagkakakinlanlan kung di siya nagkakamali dahil gustong-gusto itong makilala ng sinuman at magpatulong na magbigay daan upang lumakas o umabante ng mataas sa hanay ng pag-unlad ang isang summoner kaysa sa iba pa.
Kinatatakutan ang mga nilalang na ito kahit noong unang mga siglo pa lamang ng mundong ito at karaniwang pinaglalabanan pa na nauuwi sa mga labanan at malawakang digmaan.
"Hinding-hindi ko maaatim na ibigay ang aking familiar sa sinuman lalo na sa isang katulad mo Demosthenes. Ako si Evor ay isinusumpa kong mapapaslang ka at mamamatay ka sa mapait na paraan. Hindi ko hahayaang mabuhay ka pa at malayang makapanghasik ng lagim sa kapwa mo Summoner!" May galit na wika ng binatang si Evor habang sinasabi ang mga pangungusap na ito. Isa ito sa pinakaayaw niya sa lahat at inaabuso ang kapwa nito sa maling pamamaraan na naiisip nito upang kunin ng sapilitan ang summoner's ball ng kapwa nito.
"Kung yan ang gusto mo hahaha, hindi ako natatakot sa isang katulad mong mahina Evor. Isa ka lamang stepping stone na tatapakan ko at hinding-hindi ka na makakabangon sa lusak na kabibilangan mo hahaha!" Malademonyong saad ng nasabing lider na si Demosthenes.
BANG!
Isang malakas na suntok ang natamo ng binatang si Evor nang bigla na lamang nakarating sa kinaroroonan niya si Demosthenes ngunit agad na naiharang ni Evor ang dalawang kamay nito sa harap niya.
Magkagayon pa man ay tumalsik sa malayo si Evor na siyang dahilan upang gamitin niya ang natural gift ng kraken ang extreme tough na dahilan upang bumagsak at sumabog ng malakas ang binagsakan niyang parte ng lupa.
Napangisi naman si Demosthenes habang parang natuod lamang ang anim na kasamahan nito dahil sa malaking pagbabago sa tumatayong lider nilang ito. Halata kasing mayroon itong kakaibang ginawa upang umunlad ito ng ganito kabilis. Magkagrupo man sila ngunit iba pa din ang masaksihan ng aktuwal ang ganitong klaseng pangyayari.
Parang ibang tao o katauhan ang Demosthenes na nakikita nila ngunit alam nilang ito pa rin ito. Gusto rin nilang manalo ito sa nagpapakilalang kalaban ng lider nila na nagngangalang Evor.
Bumangon ang binatang si Evor sa hindi kalayuan. May mga maliliit na punit sa damit nito ngunit makikitang wala man lang itong sugat na natamo sa katawan nito.
Ngunit bigla na lamang nawala sa paningin ni Evor ang presensya ng kalaban niya at naramdaman nito ang panganib sa likod niya dahilan upang mabilis na umatras ang binata.
BANG! BANG! BANG!
Magkakasunod na parang gumasabog ang hanging tinatamaan ng suntok ni Demosthenes na soyang dahilan upang malusaw ang mga tipak ng yelo sa paligid ng lugar na ito.
Natawa na lamang si Evor dahil sa kamangmangan ng kalaban niya. Mas higit na nakatulong sa kaniya ang lakas na meron siya dahil sa gift ng dating guardian beasts niya. Kung tingin ng nilalang na ito na madali siyang kalabanin ay nagkakamali ito dahil hindi lamang siya ang may madilim na sikreto dahil maging siya ay merong pinakainiingatang sikretong hindi maaaring malaman ninuman liban kay Maestro Sirno na siyang kilalang-kilala ang pinagmulan niyang lugar lalo na ng mga pamilya at magulang na siyang mga tunay niyang mga kadugo.
BINABASA MO ANG
Legend Of Void Summoner [TUA 2] ᴳᵒᵈˡʸ ˢᵉʳⁱᵉˢ #¹
FantasySa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kan...