Kabanata Xl

7 1 0
                                    


'O pano ba yan talo ka sa pustaan kuya!' Nagulat ako sa sinabi ni jenny.

'Huh?' Biglang singit ko.

'Ah hahaha napagpustahan ka kasi namin ni jenny. Sabi ko may nagkaboyfriend pero yung kanya sabi niya hindi pa kaya naisipan naming magpustahan at tanungin ka' paliwanag ni kuya ken. Ito na ata ang pinakamahaba niyang sinabi para kasing ang mahal ng bayad sa bawat litrang lumalabas sa bibig nito.


Umiling nalang ako. Bat ngaba kuya ako ng kuya sakanya? Isang taon lang naman ang tanda niya saakin. Nagaya ko pa ata to kay jenny hayyy.

Sa wakas natatanaw ko na yung park.
Parang napakahaba naman nang biyaheng ito.

Nauna akong bumaba kesa sa kanila, tinignan ko agad ang kabuohan ng park pero di ko masyadong makita dahil bukod sa tingin ko ay malaki ito ay madami ding mga puno na nagtatakip sa sikat ng araw sa park.

Malayo ito sa inaakala ko. Napakaganda dito, yung iniisip ko kasing itsura nito ay yung natural na park lang. Yung tipong may palaruan at mga carabao grass.

Pero dito ang ganda. May mga bulaklak na iba iba yung kulay, yung grass green na green, may isang mini tindahan na kubo pero halos mapuno ng kung anu-anong paninda pati sa labas nito ay may mga nakasabit pa,hindi masyadong mainit kasi natatabunan ng mga dahon,ang ganda ng mga palaruan kasi may mga paint itong mga bulaklak na parang pinaghandaan talaga, sa kada posteng makikita mo may nakapulupot na parang tinahing bulaklak, in over all parang paraiso.

Namangha talaga ako sa nakita ko na tipong di ko namalayang umandar na pala yung sasakyan ni kuya ken paalis.

'Uy? Ano ang ganda diba? Lika na.' Aniya habang hinahawakan ako sa braso.

'Oo ang ganda, teka akala ko ba pupunta dito yung si kuya ken?' Usisa ko.

'Ah dadaan kasi yun dito para bumili ng ulam niya, may paborito kasi siyang restaurant na malapit dito kaya ayon, sinabay na niya tayo.' Paliwanag niya.

Hindi nalamang ako sumagot kasi nauna na siya sakin, umupo siya sa harap ng kubong tindahan.

Tumabi ako sakanya,
'Alam mo sa totoo lang di ko ineexpect na ganito yung itsura ng park na sinasabi mo.' Pag-amin ko sakanya tsaka tumingin sa mga paninda ni ate.

'Kahit ako din naman, akala ko nung malamang may ginagawang park dito ay katulad lang din nang park namin sa probinsya, pero sabi ni kuya maganda daw talaga kaya dinala niya ako dito' kwento niya habang nagmamasid sa paligid na di pa ganun kadaming tao.

'So kayo unang nakapunta dito?' Tanong ko bigla.

'Yup, dun lang ako naniwalang maganda nga dito at dun kita naisip sabi ko gusto ko ding ipakita sayo kung gaano kaganda dito'

'Ah..'

'Salamat nga pala ha?' Pagpapasalamat ko sakanya.
Nagulat siya.

'Huh? Para san?' Naguguluhang tanong niya.

'Dito, sa pagdala mo sakin dito' Sabi ko at tinuro pa yung lugar.

'Ah wala yun.' Sabi niya sabay iling.

Seek of LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon