Kabanata V

8 2 0
                                    

'Anak? Gising na...' malumanay na tawag sakin ni papa.

Nung binuksan ko yung mga mata ako agad itong dumirekta sa bintana kung saan nakita kong madilim na at ang mga ilaw na lang sa mga poste ang nagbibigay ng ilaw sa labas.

'Papa gabi na pala, anong oras na ho?' Inaayos ko ang kumot saka tumingin kay papa na nasa labas lang ng pinto at ang ulo lang niya ang nakapasok, para bang sinisilip lang niya ako.

Tumingin ang kanyang ama sa relo nito. '9:30 pm na anak'

'9:30!? Papa kumain kana ba? Gabing-gabi na pala' sumunod ako kay papa na pababa na ng hagdan.

'Di na muna kita ginising kanina kasi mukhang pagod ka, o tara na't nang makakain na tayo.'

Binasag ni papa ang katahimikan habang kumakain kami. Siguro kaya ako tahimik kasi kagigising ko lang, wala sa mood kumbaga.

'Kumusta yung school anak? Ayos naman ba?' Sabi niya habang pinagpapatuloy ang pagsubo.

'Ayos naman ho pa. Sa katunayan may bago na akong kaibigan' buong pagmamalaking sabi ko saking ama na di man lang ako tinitignan at nagpapatuloy lang sa pagkain.

'Mabuti yan anak pero laging mong tatandaan na nandoon ka para mag-aral hindi makipagkaibigan' ngayon ay nakatingin na siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya.

'Opo pa' nakayukong sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

'Mag-aral kang mabuti anak dahil para din naman yan sa kinabukasan mo, nagtatrabaho kami ng mama mo para sayo kasi napakahalaga niyang pag-aaral sa buhay ng tao, yan yung kayamanan ng indibidwal sa atin na hinding-hindi mananakaw ng sinuman sa atin, tandaan mo yan anak ah?' Seryosong sabi niya sakin, di ko maiwasang kabahaan sa kaseryosohan ni papa kaya ngumiti na lang ako to make him assure na naintindihan ko ang mga sinasabi niya.

'Lalo na ngayong nagdadalaga kana panaman, wala ka pa bang naiisip na kurso anak?' nakangiti niyang dagdag,

D-d-dalaga na ako? Pero bat di pa ako nireregla?

'Anak?'

'Po?'

'Tanong ko kung may kurso kanang napipili? Napatulala ka may problema ba?' Uminom siya ng tubig at nung tinignan ko ang plato niya ay wala na itong laman at pagtingin ko naman sa plato ko ay kumakalahati palang.

'A-ah wala pa ho akong naiisip' sinabi ko ang totoo, wala pa talaga akong naiisip na kursong gusto ko at pagmeron man ay madami at paiba-iba.

'Well don't pressure yourself too much about that, medyo malayo pa naman iyon kaya madami kapang oras para pumili' aniya.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain para makaakyat at maligo para matulog ulet.

Seek of LuvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon