Silver
"Ate, mamamalengke ka ba ngayon?" Pagkalapit pa lang sa akin ni Abo ay iyan na agad ang naging tanong niya.
Nilapag ko sa harapan ko ang isang tasang kape na medyo malamig na. Sabado na rin kaya wala silang pasok. Akala ko ay mamaya pa gigising itong si Abo e.
Nag iisip nga ako kung paano ko babayaran ang mga utang ko sa tindahan. Malaki na rin ata ang utang ko at nahihiya na ako. Wala tuloy kaming almusal ngayong umaga.
"Oo e. Ang aga mo ata nagising? Wala namang kayong pasok."
Mamamalengke ako para bumili sa ititindang balut mamayang gabi. Hindi pwede sa akin ang tumigil sa pagtitinda.
"Pwede ba akong sumabay ate?" Nagtataka ko itong tinitigan. Magulo ang buhok niya at hindi pa nakahilamos.
"Bakit? May pupuntahan ka ba? Group project na naman ba? Kailangan mo ba ng pera?" Sunod-sunod na tanong ko dito. Minsan ay may ganitong pangyayari talaga sa kanila. Ang may group project at may mga babayaran.
Napabuntong hininga ito at nahihiyang umupo sa harapan ko. Napakamot pa ito sa batok. Mukhang hindi ko ata magugustuhan ang sasabihin nitong batang ito ngayon.
"Ate, sabado naman ngayon e. Ano kasi, kinausap ko 'yong kaibigan ko na kung pwedeng magtrabaho ako sa palengke. Kasi nga may pwesto sila doon na nagtitinda ng gulay."
"Oh tapos?" Masungit kong turan. Ito na nga ba ang sinasabi ko e.
"Ate naman. Huwag mo muna akong sungitan. Tuwing sabado at linggo lang naman ang pakiusap ko. Pumayag naman ang nanay niya. Makakatulong din naman ang kikitain ko sa dalawang araw na 'yon, ate."
"Paano ka? Dapat ay nagpapahinga ka sa tuwing wala kang pasok, Abo. Dapat ay ginagawa mo ang mga assignment at project mo. 'Di ba nag usap na tayo tungkol dito?" Hindi naman sa ayaw ko ang gusto niya.
Kaya lang ay nag aaral siya. Wala siyang magiging pahinga at baka sa susunod ay mas gusto na lang niyang magtrabaho kaysa pagtuunan ng pansin ang pag aaral niya. Ayoko namang piliin niya ang trabaho kaysa ang magtapos.
"Ate, kaya ko naman e. Nagagawa ko sa tamang oras ang mga project at assignment ko. Narito naman si Kulay at Dilaw para mag linis at mag asikaso dito sa bahay. Ate naman, kailangan natin ng pera. Kahit pandagdag sa bayad ng kuryente at tubig na lang."
Napapabuntong hininga ako at nag iisip. Malaki din minsan ang binabayaran namin sa tubig at kuryente. Masyadong malakas ang hatak ng tubig dito.
"Sigurado ka na ba?" Siguro ay handa na itong kapatid ko na tulungan ako sa responsibilidad ko. Lalo na't alam niyang hindi madali ang lahat sa akin.
"Ate ayokong lagi kang nahihirapan. Masakit rin naman sa amin nila Kulay ang makita kang iiyak sa gabi dahil sa pagod at hindi alam ang gagawin." Napatigalgal ako sa sinabi niya. Hindi ko naman inaasahan na makikita nila ang minsanang pag iyak ko dito sa maliit na kusina namin.
Akala ko ay tulog na sila tuwing aalis ako sa tabi nila. Hindi ako makatulog kahit pagod na pagod ako sa pagtitinda sa gabi. Hanggang sa iiyak na lang ako.
"Abo."
Wala akong masabi na kahit isa. Wala rin akong marason.
"Noong isang araw, umiiyak si Kulay kasi hindi ka niya matulungan. Tipid na tipid siya sa baon niya para lang may maiabot sayo pag kailangan mo ng pera tuwing lugi ka sa panininda ng balut sa gabi."
Napaiwas ako ng tingin. Mabilis ko ding ininom na parang tubig ang kapeng nasa harapan ko. Napasinghot pa ako sa pagpipigil ko sa luha ko.
Ang sakit-sakit kasi na makita at malaman na nahihirapan na din ang mga kapatid ko sa sitwasyon namin. Masyado kaming nagtitipid at swertehan na lang pag may nahahawakan akong pera sa pagtitinda ko ng balut at chicharon.
BINABASA MO ANG
Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)
Romance⁷ [Seventh Book] [MARCOS CLAN SERIES #1] [GxG] Nicola Charvy Marcos will meet a girl named Silver Salazar who is just 20 years old. Hindi nakapagtapos sa elementarya at may tatlong pinag aaral na kapatid. While Nicola is 35 years old, picky, and a h...