Chapter 4

19 2 0
                                    

Nang balingan ko ng tingin si kaloy nakatitig lamang ito sa papalayong bulto ni Y'ñigo, ng tignan ko ang direksyon kung saan kasalukuyang dumaan si Y'ñigo ay sobrang layo na nito, binalik ko ang tingin kay kaloy.

Ang lungkot ng mga mata niya, ano nanaman ang ginawa ko? ngayon ko lang siya nakitang ganyang kalungkot

" ayos ka lang ba? " tanong ko rito, mukhang natauhan siya kaya agad niyang ibinaling ang tingin sa akin at ngumiti.

" dalaga na ang danyang ni aling dena, ayon ba ang pumoporma sayo? " panunukso nito

nakahinga naman ako ng maluwag, mukhang ayos naman siya bumalik nanaman sa dati.

" hoy, ikaw bumalik ka na don mamaya baka magalit ang tiya nena mo niyan" nasimula nakong naglakad ngunit hindi pa man nakakalayo ay lumingon ako rito "tigilan mo yang panunukso hindi ko siya type." Tuluyan nakong  Pumasok sa loob ng palengke at bumalik sa pwesto namin.

Psh Hindi ako mag kakagusto sa antipatikong iyon.

KALOY POV'S

Sinundan ko ng tingin si diane na kasalukuyang papasok sa loob ng palengke.

At muling binalingan ang pinagdaanan ng classmate ni dianne.

" What are you doing here, yñigo? " pagkakausap ko sa sarili ko

Binalik ko ulit ang tingin ko kay dianne na kasalukuyang nagtitinda na napangiti ako, she's really beautiful inside and out.

"Kaloyyyyy! " sigaw ni tiya nena, doon lamang ako natauhan

"Nariyan na tiya " sigaw ko pabalik

Muli kong pinagmasdan ang mga yapak na dinaanan ni Y'ñigo at napangiti ng mapait

DIANNE POV'S

"Danyang magkano ang mangga niyo ngayon? " tanong ng aming suki

" 170 isang kilo nay, naku nay masarap po yan " saad ko kay nanay at ngumiti

" Pabili nga ako danyang para sa apo ko mahilig kase iyon sa mangga " pagmamalaking ani ni nanay

" ahh si jojo ba, nay? kamusta na nga pala yon nay? " tanong ko habang kinikilo ang mangga

"Siya nga, hayy nako iha, ganon paden napakakulit " iling iling na ani ni nanay

Napangiti na lamang ako at ibinigay na ang mangga na binibili niya.

" salamat nay, sa uulitin po " nakingiting kong saad

" Ika'y ba boypren mo yung lalaking napaka gwapo kanina?danyang? " singit ni nanay sabay abot ang bayad

" naku nay, Hindi ko po kasintahan yon wala pa po akong balak magkaroon magtatapos ho muna ako " ngiti ko rito

" hayy napakaswerte ni dena at karding na meron silang anak na kagaya mo " papuri nito sakin at ngiti " osya danyang mauna nako ha "

"Ingat po kayo nay, salamat ulit " pagpapaalam ko rito

Tinanaw ko pa ang kinaroroonan ni nanay at bumalik sa isip ko si Y'ñigo, boyfriend?? hindi mangyayari yon kumidlat man

Napasigaw ako ng marinig ko ang kulog sumilip ako sa labas at tumingin sa kalangitan papaulan na dali dali kong niligpit ang mga mangga na paninda ko at sinundo si mama sa kabilang side dahil naglalako siya roon ng ibat ibang mga karne

Naabutan ko si mama na nagliligpit ng mga karne dali-dali akong lumapit at tinulungan siya

" mukhang uulan madali ka danyang upang makauwi tayo agad. " saad ni nanay

Tumango ako rito bilang sagot.

" ano nga pala pinag usapan niyo ng kaklase mo danyang? " kasalukuyan na kaming pauwi ng itanong yon ni mama

" tungkol lang sa magiging projects, ma " pagsisinungaling ko

" oh bakit Hindi niya ipagpabukas? " sunod nitong tanong, alam kong hindi ako tatantanan ni mama hanggat hindi nasasagot lahat ng tanong niya.

" wala po kase siya bukas sakin niya po muna hinabilin" ngiti ko rito " kamusta nga pala ang paglalako ng karne ma? " pag iiba ko ng usapan

bumuntong hininga muna siya at umiling bago sumagot " maayos naman ang kita nak, dahil maaga naman din ako pumunta sa palengke kanina " saad nito

nang makarating kami sa bahay agad na sumalubong samin pangalawa naming kapatid

" ako na diyan, ma " si darwin pangalawa sa aming magkakapatid 15 years old grade 10, kinuha nito ang mga dala ni mama at pumasok na sa loob, sumunod naman kami sakanya

" ateee " sigaw ng bunso naming kapatid

Binitawan ko muna ang hawak ko at niyakap ang bunso namin

" nagawa mo na ba ang mga school works mo, Annabelle? " tanong ko rito

Annabelle  is 9 years old, bunso saming tatlong magkakapatid napaka cute nito ang taba taba ng pisngi at bibong bata rin

Masaya itong tumango sakin " tapos napo ako ate, pasalubong kopo? " ngiti nito sakin at inilahad pa ang kaniyang mga palad napara bang nanghihingi

Napailing nalang ako, may dinukot ako sa bulsa ko at ibinigay sakanya ang hairpin

" waaaaa thankyou ate" sabay hanap nito sakin

Gaano man kaliit ang ibinibigay ko rito ay sobrang saya niya na, napangiti nalang ako at ginulo ang buhok niya.

Binitawan ko na si Annabelle at akmang ililigpit ang mangga ngunit kinuha na yon ni darwin

" ako na po rito, ate " saad nito at pumunta sa kusina, sinundan ko naman siya

"Kamusta ang unang pasok mo?" tanong ko rito habang kumukuha ng tubig sa ref

Panandaliaan niyako niligon ngunit bumalik din sa pagaayos ng mangga

" maayos naman po, ate " sagot nito

Iniwan ko na siya sa ginagawa niya at naghanda ng makakain

Kasalukuyan akong naglalagay ng mga pinggan ng dumating si papa

" papa! " sigaw ni Annabelle

Nang matapos ako sa paghahanda lumapit ako Kay papa at nag mano

ginulo lamang nito ang buhok kona siyang lagi niyang ginagawa

" nabalitaan ko ang nangyari sa palengke danyang" ani ni papa, napabuntong hininga naman ako wala talaga ako matatago sa pamilya ko lalo na kay papa.

" classmate ko lang po iyon, pa nagpunta para sa projects" ngiti ko rito

"Hmm, wag ka muna mag bo-boypren danyang may panahon para diyan wag kang mag madali."

Tumango ako rito at ngumiti

"Halina kayo, nakaluto nako ng ulam, kumain na muna tayo maaga pa kayo bukas." biglang sulpot ni mama

FORGIVENESSWhere stories live. Discover now