" Annabelle wakeup, baby" pangigising ko sa kapatid ko
iminulat niya ang mata niya ngunit agad din niya iyong ipinikit, napabuntong hininga ako.
" May pasok ka annabelle, bumangon kana riyan " pangigiising ko ule
doon siya nagmulat, excited ito tuwing papasok kaya mabilis itong bumangon at nagpakarga sakin
Ngumiti naman ako at kinarga na siya sabay kaming bumaba upang mag almusal, ibinaba ko siya sa ng marating namin kusina
" Asan si darwin, ma? " hinagilap ng mata ko ang kapatid ko ngunit hindi ko siya makita, napakunot ang noo ko? san nanaman nanggaling ang lalaking yon? sa isip isip ko.
" naroon sa banyo, naliligo " saad ni mama
tinignan ko ang orasan 6:45 am. ang aga naman ata maligo non?naunahan pako iling iling ko.
Nahagip ng mata ko ang kapatid ko tapos na nga maligo napataas agad ang kilay ko ng maamoy ko ang pabango niya hindi siya madalas gumagamit non, kailangan pa namin siyang sabihin bago niya I apply yon sa sarili niya.
kaya taka ko siyang pinagmasdan napaka ayos ng pananamit nito ngayon plansyado ang kaniyang uniporme at ang kaniyang makikintab na sapatos, tinignan ko ang kabuuan niya, alam ko ang ganito.
"Ano naman ang ibig sabihin ng tingin na yan, ate? " nakangusong tanong nito sakin
Nang makalapit siya samin agad siyang pumwesto sa kaniyang upuan upang kumain.
" saan ang lakad mo, win? " tanong ko rito
napakunot naman ang noo niya at pinasadan lang ako ng tingin at ngumiwi
"Sa school? " parang Hindi siguradong alintana nito.
" may nagugustuhan kana ba ha? " diretsyang tanong ko
nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay, akmang sasagot na siya ng biglang nagsalita si papa
"Nako danyang, huwag ka na magtataka kung isang araw may nabuntis na iyang kapatid mo"
naubo naman bigla si darwin sa tinuran ni papa, " papa, ano ba naman po yang pinagsasabi niyo? " tanong nito
" lalake rin ako darwin alam ko ang ganyang galawan, marami ka na sigurong nabingwit na babae mo, hayy mana ka talaga sa papa mo" ngingiti nitong ani
Bigla naman lumitaw si mama at piningut si papa napa igik naman si papa sa sakit at iling iling kaming napangiwi ng mga kapatid ko
" ang sinasabi mo ba karding, madami ka ring nabibingwit na mga babae ha?? " nakapamewang nitong ani
tumingin si papa kay mama na naka bukas ang kaniyang bibig, inilingan nalang namin sila at nagpatuloy sa kinakain
" Hindi iyong ang ibig kong sabihin, Diana" pagtatanggi ni papa
"kung ganon pumaroon ka sa taas at ihanda mo ang mga gamit mo" pinipigilan ko matawa, pinaghalong kilig at katawatawa ang kanilang pag aasaran hahahahahaha
"a-anhin ko naman ang mga iyon, mahal?" rinig ko rin ang pagbubungisngis ng dalawa kong kapatid marahil nakikinig sila sa asaran ng magulang namin.
" pumaroon ka sa mga babae mo, at huwag kana magtatangkang bumalik dito " nang tignan ko si papa namula siya kita sa mata niya ang takot
hindi namin napigilan ng mga kapatid kong tumawa habang pinagmamasadan ang mukha ng tatay namin, kilala si tatay sa baranggay namin bilang matapang at walang kinakatakutan ngunit kapag si mama ang kaharap nito para siyang pusang napakaamo! wahahahhahahabaha
" mahal naman, nagbibiro lamang ako" napapalunok pa nitong saad
Tinaasan lamang siya ng kilay ni mama " pwes ako hinde" sagot nito kay papa, sa amin naman napunta ang atensyon ni mama
"Kayo naman bilisan niyo riyan at Baka mahuli kayo sa klase huwag niyong gayahin ang matandang to " turo niya kay papa, hinintay pa namin kung ano sasabihin " basugulero ng kabataan niya " napapangiwing ani ni mama
napatingin kami kay papa ayon siya masamang nakatingin kay mama, tinaasan at sinamaan lang din siya ng tingin ni mama, kaya si papa walang nagawa kundi ipagpatuloy ang kinakain niya
Nang matapos kumain, ay una kong inasikaso si Annabelle upang paliguhan at bihisan chineck ko narin ang mga gamit niya at baon kung kompleto naba, nang masiguro kong ayos na ang mga gamit nito ay naligo narin ako.
" Ateee danyang! " sigawan ng mga kapatid ko sa kalagitnaan ng pagbibihis ko
"Pababa na" sagot ko sa kanila dali dali kong kinuha ang I'd at bago ko at sinuot iyon, bumaba ako habang sinusuklay ang mahahaba kong buhok.
Nakita ko silang naka sakay na sa Jeep kaya patakbo na akong lumapit roon at sumakay
Una naming inihatid ang dalawa naming kapatid sapagkat magkatabi lamang ang paaralan nila
"win, tignan tignan mo si Annabelle kapag may oras ka at hintayin mo siya upang sabay kayong umuwi" bilin ko sa pangalawa naming kapatid
" opo ate" sagot naman nito agad kaya bumaling ako sa bunso namin
"Annabelle huwag kang lalabas ng paaralan okay? " tumango naman ito " hintayin mo ang kuya win mo sa oras ng uwian niyo."
"makikinig ka sa teacher mo " binalingan ko rin si win na busy sa pagaayos ng buhok niya, binatukan ko naman ito at sinuklian niya lang ako ng pagkakanuot niya ng kilay " ikaw den huwag puro chiks tignan mo, makinig ka sa teacher mo kung hindi may kala lagyan ka sakin " pananakot ko rito
Narinig ko naman tumawa si papa, nang tignan ko siya sa amin siya nakatingin mukang kanina niya pako pinagmamasdan kung paano ko sabihan ang mga kapatid ko
binalingan ko si win ng wala akong marinig na tugon galing sakanya " win nakikinig kaba sakin? " nagtitimping tanong ko rito
Agad naman itong tumingin sakin " opo, ate narinig kopo lahat. " saad nito
Napailing nalang ako " osya pumasok na kayo " lumapit muna silang dalawa samin ni papa at binigyan kami ng halik sa pisngi, napangiti ako " mauuna napo kami " paalam nila habang pababa ng Jeep, kumaway pako sakanila bago pinausad ni papa ang Jeep.
"Pwede ka na mag asawa" biglang sabi ni papa
" pa, kapag yan nalaman ni mama iyang pinagsasabi mo matutulog ka sa sala niyan, at syaka pa balak ko pa po mag tapos" napapailing saad ko dito
"Sinasabi ko lang kung ano nakikita ko " napangiwi ako at napailing " kamusta nga pala ang unang klase mo?"
Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla nanaman lumitaw ang nakangising mukha ng antipatiko, iwinaksi ko siya at tumingin kay papa ng panandaliaan
"ayos naman pa"
Binaling ko ang atensyon ko sa kalsada at pansin ko narin na tumahimik na si papa
"Mauuna nako pa" sabi ko dito ng marating namin ang university na pinapasukan ko humalik muna ako sakanyang pisngi at bumaba na kumaway pako rito bago pumasok.
YOU ARE READING
FORGIVENESS
Romancewhen diane found out that she was pregnant, siya na ang pinaka masayang babae sa mundo ngunit ang lahat ng kasiyahan ni Diane Suarez ay nawala ng sabihin ng kanyang boyfriend na ipalaglag ang kanilang anak dahil sa galit na naramdaman ni Diane ginaw...