Ano kayang nangyari pagtapos ng kasal nilang tatlo?.....well let's see then...
Three's POV
"Three ano ba yan?!" Napatigil ako sa ginagawa ko, napahagikgik naman si cloud sa tabi ko....napakamot naman ako sa ulo
"Ah eh, pinapalitan ng diaper si baby?" Alanganin kong sabi...nagcross arms naman siya at ang sama ng tingin niya sakin....
"Hay, mali naman kasi yang ginagawa mo eh dapat ganito" then tinuro niya kung pano.....and yep! May isang baby pa uli kami, naghanap kami ng sperm donor then boom! Hahaha..... dun ko naranasan ang pagiging tunay na asawa dahil, grabe pala talaga maglihi ang mga buntis -.- naranasan kong matulog sa sala dahil sa sobrang galit niya sa akin....kahit mahirap, masaya naman :)....
"Oh gets mo na?" Tumango naman ako, binuhat ko naman si baby Nickolai, lalaki siya haha....
"Hey baby, sorry di marunong si daddy na magpalit ng diaper mo ah?" Parang naintindihan naman niya at bigla itong nagsmile sakin nakita ko namang titig na titig sakin habang nakangiti...
"Baka naman matunaw ako niyan?"
"Ang cute niyo kasing tingnan na mag-ama eh...diba cloud?" Tumango naman si cloud habang nakain ng lollipop...napangiti naman ako, hay kuntento na ako sa kung anong meron kami ni hazel.
"baby cute daw tayo sabi ni mommy? sabihin mo nga kay mommy mo na parehas tayong pogi" bigla namang humagikgik si baby nickolai na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko....lumapit naman sakin si hazel at nilaro laro niya sa nickolai
"he got your smile" sabi ko kay hazel
"yes but he got your looks" napangiti naman ako....
pagtapos kong palitan ng diaper si nickolai ay pinakain ko na siya pero siyempre baby kaya pagtapos ko siyang pakainin ay puno ako ng cerelac sa mukha at sa damit...
"bakit sa twing ikaw nagpapakain kay nickolai lagi ka nalang may cerelac or kung ano man sa mukha mo?" natatawang sabi ni hazel....sinamaan ko naman siya ng tingin
"alam mo kung bakit?...habang pinagbubuntis mo kasi yang si nickolai, pag nakikita mo ang mukha ko nasusuka ka -.-" bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.....pagtapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay umakyat ako ng kwarto ni cloud para icheck kung tulog na ito...
pagpasok ko sa kwarto niya nakita ko namang nakatulog na ito habang hawak yung libro niya, napangiti ako at inayos ang kanyang kumot...hinalikan ko ito sa noo at lumabas ng kwarto niya...
pagtapos kong magshower, habang nakaupo ako sa kama at nanonood ay saka lang pumasok si hazel...tiningnan ko lang ito, pumasok naman siya sa cr at naligo.....after 30 mins. lumabas naman ito ng naka long sleeve polo at underwear......napalunok naman ako sa nakita ko....
"Aray naman!" Di ko alam na nakalapit na pala siya sakin at napitik pa ang ilong ko....
"Kung makatitig ka kasi sakin, parang may gusto kang gawin" sabi niya at humiga sa tabi ko at niyakap ako...
"Hmm pede rin" pero kinurot niya lang ang tagiliran ko
"Ouch!"
"Magtigil ah!" Sabay irap......."tulog na tayo at may family picnic pa tayo bukas kasama sila nic"
"Yes baby I love you" kiniss ko naman siya sa labi
"I love you too"
AUTHOR'S POV
Habang naglalaro ang mga anak nila three, nic at risse ay pinapanood lamang nila ito
"Tol swerte talaga naten noh?" Sabi ni risse....napangiti naman si three
"Oo nga tol ee, akalain mo yun may magpapatino pa pala sa atin? Lalo na sa akin" naiiling na sabi ni nic....
"Buti nga natiis ni hazel ang kasungitan at hindi ko pagiging sweet eh" nakangiting sabi ni three....tinapik naman ni risse ang balikat niya
"Yeah, look at your smile bro! Halatang inlove eh" natawa silang tatlo
Madami kaming pinagdaanan sa buhay, lahat ng problema ay nalusutan namin ng magkakasama
~threeKahit na may tampuhan at samaan ng loob andyan pa rin kami sa tabi ng isat isa, handang tumulong.
~risseLoloko loko man at sira ulo kami, mababait naman kami...kahit na sumama ang loob namin sa aming magulang ay natutunan rin namin na patawarin at intindihin sila, they are our parent's afterall.
~nic~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alam kong bitin ang huling chapter pero sorry guys dahil gustuhin ko man magkaron ng book2 ito....di ko na kaya hahahaha....so sana magustuhan niyo and basahin niyo ang bagong story ko na "Stuck to her"
Salamat sa mga nagbasa nito! Love you guys!!!!!....
BINABASA MO ANG
They are Inlove with The Basketball Players(girlxgirl)
RomanceMahahanap kaya nila ang TRUE LOVE nila? o kaya naman ay sila ang mahahanap nito?... pano kaya magmahal ang isang basketball player?... kaya ba nilang magscore sa puso ng isang babae?.....kailangan pa nila ng game plan para mapalapit lang saknila?...