HAZELs POV
after one month (sorry guys nagmamadali si author eh hehehe)
pasukan na namin bukas and ang wierd lang ng kinikilos ni pat dahil lagi siyang naalis minsan naman madaling araw na siya nadating para bang iniiwasan niya ako?....nagsimula yan nung pagka-uwi niya galing kila papa, nagtataka nga ako dahil balisa at wala sa sarili siyang umuwi dito and nung nag-dinner kami kasama sila nic parang may something na tinatago saka pati rin sila risse kahit na nagpapatawa sila halata mong may itinatago eh....
"ba't gising ka pa?" napalingon naman ako....
"ah hinihintay kasi kita eh, kumain ka na ba?" tumango lang siya at nahiga na sa tabi ko...ganyan siya lagi iniiisip ko kung may nagawa ba akong mali pero wala naman....nahiga na ako at pilit matulog dahil maaga pa kami bukas...
nandito na kami sa room same faces pa rin...napatingin naman ako kay pat na nakayuko sa desk...ano ba kasi ang nangyari? bakit ayaw mong sabihin sakin?...naiiyak na naman ako dahil namimiss ko na yung dating pat na makulit at palangiti...
"huy hazel ok ka lang?" ngumiti ako ng pilit...
"ah o-oo naman bakit naman hindi?"
"kasi mukhang malalim ang iniisip mo eh"
"wala to kaizha promise"
"ok" umalis na siya sa tabi ko at umupo sa tabi ni lyn...hmm ang sweet nilang tingnan kung hindi ko siguro sila kilala mapapagkalaman ko silang mag-on dahil kung makapag-PDA ay wagas...
*blag
napalingon naman ako sa kanan ko, nakita ko si judy na parang naiinis--ay hindi pala inis na talaga siya...
"judy--
bigla nalang niya ako hinigit pumasok kami sa cr at inilock niya ang pinto nakatalikod pa rin siya sakin, hinawakan ko yung balikat niya
pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin....at narinig ko ang mahinang hikbi niya....hinagod ko siya sa likod...
"what happened?"
"narinig kong nag-uusap kagabi yung tatlo seryoso sila hindi ko alam pero kinakabahan ako habang papalapit sakanila......hazel may naghahanap sa kanila at kung mahanap man sila pede silang patayin" my body stiff.... hindi ko aakalain yun, pero wala namang nakakaaway sila pat maliban dun kay lopez ng COECSA...
"nagiging cold ba sayo si nic?" humiwalay siya at pinunasan ang luha niya...
"medyo, hindi na siya masyadong sweet and pilyo" kung ganun ibig-sabihin may tinatago yung tatlo samin, pero sino ba talaga ang papatay sakanila?....kelangan ko makausap si papa....hindi na ako umattend ng susunod na klase sinabihan ko si judy na pagtinanong kung nasan ako sabihin nalang na masama ang pakiramdam ko....
pumara na ako ng taxi at sinabi dito ang address namin....andami kong iniisip ngayon.....nagbayad na ako at patakbong pumasok sa bahay....
"papa!!" nagulat naman si papa....tumayo siya at lumapit sakin...
"anak bakit? may problema ba?"
kinuwento ko kay papa ang sinabi sakin ni judy, nakikinig naman si papa ng maige.,,
"princess sinubukan mo na bang itanong sakanya?"
"yes pa, pero wala siyang sinasabi sakin" niyakap ako ni papa....
"wag kang magalala alam kong may rason si pat"
THREEs POV
"par" napalingon ako sakanila....andito kami sa garden hindi ako pumasok pati rin sila...
"hmm?" nakahiga ako at nakaunan sa braso ko.....sila naman naka-upo
"about dun sa---
"don't" ayoko ulit marinig yun....sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagalit sa mundo pati na rin sa papa at mama ko....pilit pinapaintindi sakin ni dad pero masyadong nakain ang puso ko ng galit....
"bro anong plano mo? nauubusan na tayo ng oras" sabi ni risse...ang totoo niyan may plano na ako pero alam kong delikado tong gagawin ko....
"I have a plan" sinabi ko sakanila yung plano as expected nagulat sila...
"pero par masasaktan sila!" sabi ni nic
"oo nga ayoko gawin yun!"
"well it's your choice, kung may naisip pa kayong ibang plano sabihin niyo sakin...and guys kung hindi natin to gagawin mas maraming masasaktan and in my plan sila lang ang masasaktan" seryoso kong sabi....
"ok, but pede bang ----
"aalis tayo tomorrow evening kaya pasayahin niyo na sila ngayon and remember dapat wala silang magiging clue" tumango naman yung dalawa....
bago ako umuwi dumaan muna ako sa flower shop at cake shop....
pagbukas ko ng pinto agad akong niyakap ni hazel yung tipong natatakot siyang mawala ako....
"hey, para sayo" kahit nahihiya ako binigay ko pa rin sakanya....kita kong napangiti siya...."I'm sorry kung naging cold ako these past few days may problema lang akong inayos"
"ok lang yun, tera kainin na natin tong cake" pumunta kami sa kusina at naabutan namin si manang, niyaya namin siyang kumain ng cake pumayag naman siya....puno ng tawanan at kwentuhan ang kusina.....
umakyat na kami sa kwarto at nag-shower then humiga na kami....nakaunan siya sa braso ko at nakatitig sakin...,
"tera sleep na tayo?" tumango naman siya....hinalikan ko siya sa labi...puno iyon ng pagmamahal, matagal-tagal ko rin siyang hindi mahahalikan at mayayakap ng ganito....and sana lang pagtapos nito maging masaya na sana kami....parehas namin hinahabol ang hininga namin hinaplos naman niya ang mukha ko....
"I love you"
for the first time sasabihin ko to sakanya....
"I LOVE YOU ALWAYS AND FOREVER" napangiti naman siya at pumikit na...hindi na ako natulog tinitingnan ko nalang siya.....minsan ay ninanakawan ko pa siya ng halik sa labi.....
I'm sorry baby, para satin to sana.......sana ako pa rin ang laman niyang puso mo
BINABASA MO ANG
They are Inlove with The Basketball Players(girlxgirl)
RomanceMahahanap kaya nila ang TRUE LOVE nila? o kaya naman ay sila ang mahahanap nito?... pano kaya magmahal ang isang basketball player?... kaya ba nilang magscore sa puso ng isang babae?.....kailangan pa nila ng game plan para mapalapit lang saknila?...