Plan B????

3.3K 70 3
                                    

NICKs POV

"bro sa tingin mo gumana yung plano natin?"

"siguro naman natauhan na si three dahil dun" sabi ko....nandito kami sa office ko dito sa company, pinapunta ko siya dito para pag-usapan yung ginawa naming plano kahapon...and nasabi na namin kila tito na sabihan nalang kami kung may problema....

"sana....kung hindi babatukan ko talaga siya!.....siya tong sumapak sakin at laging nagsasabi na 'mahal ka pa niya wag kang tanga!' sa akin pero bumaligtad ang mundo" sabi niya habang naiiling hahaha.....binato ko yung hawak kong ballpen

"aray naman!" sabay himas niya sa noo...

"sige na at umalis kana! tatawagan nalang kita pag may problema uli" nag-fist bump muna kami at umalis na siya...

"jessa wag kang magpapasok dito sa loob"

"yes sir nick"

sinimulan ko ng basahin ang monthly income ng company and the other branches, then chineck ko kung may naging problema ba sila o may magiging problema pag hindi inayos.....and so far wala naman and thank God dahil tumaas ang sale ng company namin..bigla namang bumukas yung pinto, handa na sana akong sigawan yung hudas barabas na pumasok sa opisina ko pero natigilan ako

"busy ka ata nick baby?" nakacross-arms siya at nakataas ang kilay..."and pede ba? palitan mo yung secretary mo ayaw maniwala na fiancee kita OMG lang ah!" naiinis niyang sabi at umupo sa upuan ko....

"baka kaya ayaw maniwala kasi ang liit mo para maging fiancee kita hahaha" tiningnan naman niya ako ng masama at kinurot ako sa braso...masakit guys! SOBRA!

"hmp! sadyang matangkad ka lang, normal lang kaya ang height ko sa isang babae" pagmamalaki niyang sinabi...=____= talaga lang ah?...

"may binubulong ang dwende ko"

"anong dwende?!" sabay hampas ng folder sa mukha ko...

"aray! hahaha t-teka lang hahaha" natatawang sabi ko....

"kaines ka! hindi ka man lang sweet! tas lagi mo pang sinisira yung moment!" reklamo niya at salamat naman dahil tumigil na siya kakapalo sakin....

"alam mo namang ganito ako maging sweet diba?" sabi ko at inayos ko yung buhok ko dahil nagulo...

"hmp! mas mahal mo pa yang buhok mo kesa sakin eh!" padabog siyang tumayo....bago pa siya lumapit sa pintuan ay niyakap ko na siya sa likod...

"sorry na judy baby" sabi ko sa pinakamalambing boses ko....

"che! magtigil ka, aalis ako!" tinatanggal naman niya yung braso ko pero lalo kong hinigpitan...

"tsk! nag-sorry na nga ako eh choosy ka pa! di ka naman chicks hahahaha" kinurot naman niya ako ng maliliit sa braso....

"yan ka na naman! kaines ka!" nanggigil niyang sabi sakin...

"hahaha sorry na, harap ka na sakin nangangalay na likod ko eh"

"che! nangangalay dahil maliit ako?!"

"hehehe sorry na" kiniliti ko naman siya sa tagiliran

"hahahaha ano ba! hahaha tama na nick!" nagmamakaawa niyang sabi...pero hindi ko siya tinigilan

They are Inlove with The Basketball Players(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon