Ate/Aling Amalia's PoV:
Unang lumabas ay isang batang lalaking napaka lusog walang isang minuto ay sumunod agad ang isa pang lalaki at nahirapan ang Reyna sa dalawang natitira dahil tila ba sila ay gustong magkasabay walang nagawa ang mga doctor kundi ang buksan ang tiyan ng mahal na Reyna o mas kilala bilang "Cesarian birth". Dalawang malusog na lalaking sanggol ulit ang nakuha ng mga doctor ngunit tila ba ang dalawang nauna ay magkaiba ang mukha at ang dalawa naman ay pareho.
Laking tuwa ng hari nung nalaman niyang tagumpay ang naging operation at ligtas na ang kanyang mag iina. Nalaman din niya na apat na lalaki ang kanyang anak dali-dali itong nag isip ng pangalan para sa kanyang mga anak.
Renz para sa unang lumabas. Rafael para sa ikalawa at para sa dalawang sabay na lumabas ay pinangalanan niya itong Railee at Rivee. "Makikilala kayo bilang Quadro R sa ating bayan" Saad ng hari sabay ngiti.
Ilang oras pa nagising na ang mahal na Reyna at nasilayan na rin niya ang kanyang mga anak. Laking tuwa ng Reyna noong sinabi ng hari ang kanilang mga pangalan. Ngunit tila may Bumabagabag sa hari napansin ito ng Reyna.
"Tila may bumabagabag saiyo." Saad ng Reyna. Napangiti lamang ang hari at tila ayaw nitong sabihin sa Reyna ang kanyang nasa isipan. Nagulat na lamang ang hari noong nag salita muli ang Reyna "Normal ma tao lamang sila hindi ba?" Saad nito. Lumaki ang mata ng hari nung narinig niya ang mga salitang ito." Patawag at naging normal lamang sila tulad ko" Saad muli ng Reyna. Napayuko na lamang ang hari at ayaw ipahalata ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi nila namalayan na nakatayo si Aron Lexus sa tapat ng pinto narinig niya lahat ng kanilang pinag uusapan.
Nag salita ang hari "Maari bang maiwan nyo muna kami ng Reyna may gusto lamang kaming pag usapan" tumango tango na lamang ako at sumabay sa pag labas ni Lexus
Haring Sirius Brooks PoV:
"Normal na isinilang ang aming mga anak nag aalala ako sa magiging kapakanan nila kung ito ay malalaman ng mga tao sa bayan maaring sila ay kutyain" Saad nito sakanyang sarili.
Sinisisi ngayon ng aking asawa (Reyna) ang kanyang sarili dahil siya ay normal na tao lamang at dahil sa pagiging normal nya ay nadamay pa ang aming mga anak. Ngunit hindi naman niya ito kasalanan.
"May paraan pa" Saad ko sa aking asawa (Reyna) napatingin saakin ang Reyna at tila nabuhayan ang kanyang mga mata. Bago ako maging hari ay may ipinamana ang aking yumaong ama na limang libro. Hindi ito ordinaryong libro dahil sa mga librong iyon nakapaloob ang kapangyarihang nagtatagalay ng Admiral na antas sa kasamaang palad may nag nakaw ng isang libro noong nakaraang buwan lamang kung kayat apat nalang ito ay hindi ko batid kung ano anong mga kapangyarihan ang nakapaloob sa mga librong iyon.
'Ngunit ito ay may kapalit" Saad ko sa aking asawa. Napatigil sya at tila nag hihintay sa aking sasabihin. "Sa pag lipat ng mga ganong kalakas na kapangyarihan ay maaring ito ay ikamatay ko" Saad ko sakanya. Lalo siyang naluha at tila hindi alam kung ano ang dapat gawin.
Lumabas ako ng silid upang mag pahangin at pag isipan ang decision na aking gagawin. Pinatawag ko si Lexus upang dalhin sakin ang mga libro nais ko lamang itong makita. Nagulat si Lexus at tila alam niya ang aking balak gawin.
Aron Lexus PoV:
Pinakuha sakin ng mahal na Hari ang mga libro. Alam ko ang kanyang binabalak hingil sa kanyang kaalaman nanganak din ang aking asawa at ito ang dahilan ng pagkamatay niya walang paki-alam ang hari sa nangyari sa aking asawa dahil buntis din ang mahal na Reyna Luna. Normal ding ipinanganak ang aking anak kung kayat pinili kong nakawin ang isang libro na nag lalaman ng Admiral na kapangyarihan at isinalin ko ito sa aking sariling anak upang magkaroon ito ng kapangyarihan.
May iba pang paraan upang maisalin ito ng hindi na ginagamitan ng ibang kapangyarihan ngunit kung mamatay ang hari dahil sa pag salin nito sa kanyang mga anak ay maaring ako na ang pumalit sa kanyang puwesto kaya naman mas pipiliin ko nalang ilihim ang iba pang paraan.
Haring Sirius Brooks PoV:
Dala ko ngayon ang mga libro at patungo ako sa silid ng mag Ina ko. Wala na akong ibang pag pipiliian alam kong pipigilan ako ng Reyna ngunit ito na lamang ang paraan upang maisaayos ko ang magiging buhay ng aking mga anak .
Nagulat ang Reyna sa pag pasok ko sa silid na dala dala ang mga librong nabanggit ko sakanya kani-kanina lamang. Pinigilan niya ako "Hindi mo kailangang gawin iyan, mag papaka layo-layo na lamang kami ng mga anak mo at mag hanap ka na lamang ng bagong Reynang may kapangyarihan tulad mo" Saad ng Reyna. Ngunit hindi ako nagpatinag.
"Pasensya kana pakiusap alagaan mo ng mabuti ang mga bata huwag mo silang pababayaan turuan mo silang gamitin ang kapangyarihan nila sa tama at huwag sa maling gawain mahal na mahal kita Reyna ko sana hanggang sa susunod na buhay ay ako pa rin ang ibigin mo, mahal ko." Saad ko sakanya sabay binuksan ang unang libro.
Kinuha ko ang panganay sa mag kakapatid kasabay ng pag bukas ng libro nabasa ko ang nakasulat dito ("Kalikasan") Ang kapangyarihan na taglay ng librong ito ay kalikasan. Kaya niyang gamitin ang mga sanga ng puno pagalawin ito at makipag usap sa mga hayop kaya rin niyang manipulahin ang lahat ng nabibilang sa kalikasan tulad na lamang ng mga bulkan at iba pa.
Napunta sa panganay na anak na si Renz ang kapangyarihan ng kalikasan o mas kilala bilang ("Nature Control") Isa sa pinaka malakas na uri na nabibilang sa Admiral na kapangyarihan.
Ang pangalawang libro naman ay para sa pangawalang anak na si Rafael kasabay ng pag bukas ng libro bumungad dito ang nakasulat na ("Oras") Ang kapangyarihan na taglay nitong libro ay oras kaya nitong kontrolin ang oras. Kaya nitong pabagalin, patigilin o pabilisin ang oras.
Napunta sa pangalawang anak na si Rafael ang kapangyarihan ng Oras o mas kilala bilang ("Time control") Isa ito sa pinaka pinag babawal na uri ng kapangyarihan na nabibilang sa Admiral.
Sumunod naman ang dalawang kambal na ayaw bitawan ang isat isa kung kayat pinag-sabay na ng kanilang ama ang dalawa. Binuksan ng kanilang ama ang dalawang libro sabay na bumungad sa kanilang ama ang naka sulat ("Liwanag") ("Kadiliman") Dalawa sa pinaka sagradong kapangyarihan na nabibilang sa Admiral ang "Liwanag" na kung saan kaya nitong gumawa ng anumang bagay basta't ginagamitan ng liwanag kaya nitong makabuo ng sandata gamit lamang ang araw o kaya nitong mag labas ng isang malakas na liwanag na makatutunaw sa anumang tamaan nito "Kadiliman" kaya nitong kunin ang iyong anino at mag tago sa dilim kaya rin nitong ipalamom ang sinuman sa kawalan. Kung kayat dapat magkasama lagi ang dalawang ito upang hindi mahigitan ng anumang kapangyarihan ang isa sa mga ito.
Napunta kay Railee ang kapangyarihan na Liwanag o mas kilala bilang (Light) at napunta naman Kay Rivee ang Kadiliman o mas kilala bilang (Darkness).
Naisalin na ng kanilang ama ang mga kapangyarihan na nasa libro patungo sakanila. Unti unting nanghina ang hari at animo'y kinukuha ng liwanag nawawala paisa-isa ang parte ng kanyang katawan Hanggang siya ay sumama na sa liwanag.
Humagol-gol ang Reyna at tila wala na ang kanyang pinaka mamahal na asawa. Dali daling pumunta sina aling Amalia at Lexus sa silid at nakina nilang wala na ang hari pumatak ang luha ni aling Amalia samantala si Lexus ay bahagyang napangisi sa nangyari.
Nagulat si aling Amalia noong tinignan niya ang mga bata may mga maliliit na naka tatak sa kanilang mga braso ang una ay kay Renz hugis dahon ang nakatatak dito ang pangalawa naman ay kay Rafael hugis orasan ang nakatatak sa kanyang braso at ang panghuli ay ang kambal na sina Railee at Rivee may tatak na puti sa kamay ni Railee at itim naman sa kamay ni Rivee.
Maging si Aron Lexus ay nagulat batid niyang naisalin ng hari ang kapangyarihan ng libro sa kanyang mga anak. Kung kayat magiging malaking sagabal ito sa kanyang balak.
*************
Pasensya na ulit kung may mga spell na mali or may mga maling pag gamit ng "nang at ng" hindi pa po kasi ako gaano sanay sana po maintindihan nyo salamat po! Abangan kung ano nga ba ang binabalak ni Aron Lexus....
YOU ARE READING
Admirals
Fantasy"POWERS DOESN'T DEFINE WHO YOU ARE." Renz, Rafael, Railee, and Rivee are the late king's and murdered Queen's siblings. As a result of this incident, they were rescued by the queen's assistant, whom they now pertain to as aunt. They'll enroll at a s...