Kabanata 3- Ulila

24 1 2
                                    

Reyna Luna Brooks PoV:

Lumipas na ang isang buwan ng pagkamatay ng aking pinaka mamahal na asawa(Hari) kumalat na rin ang bali-balita sa bayan na nilason daw ang hari kaya ito namatay tanging ako si Amalia at Aron Lexus lamang ang naka-alam ng totoong nangyari.

Malaki rin ang suliraning kinahaharap ng bayan ngayon dahil sa pag-panaw ng hari hindi alam kung sino ang papalit sakanyang puwesto. Hindi nag tiwala ang taong bayan saakin dahil ako'y isang ordinaryong tao lamang. Kumalat din ang bulong-bulungan na si Aron Lexus daw ang papalit sa hari ayon sa mga kawal at mga katulong dito sa kastilyo.

Agad kong ipinatawag si Aron Lexus kay Amalia nais ko siyang makausap upang linawin ang bulong-bulungan na kumakalat sa kastilyo.

"Mahal na Reyna ako raw po ay ipinapatawag nyo" Saad niya. "Linawin mo nga sa akin ano itong naririnig ko na ikaw daw ang papalit sa hari? Alam mo naman na ako'y buhay pa, Oo, isa lamang akong ordinaryong tao pero hindi iyon hadlang sa pamumuno rito sa kastilyo." Saad ko. Ngumiti siya at nag salita "Nag papatawa po ba kayo mahal na Reyna? Kayo? Mamumuno? Baka malagay lamang ang kastilyo sa kahihiyan" Saad niya. "Ako ba ay iyong iniinsulto?" Saad ko. Ngimisi na lamang siya at akmang lalabas na ng pinto ngunit napatigil siya at nag salita pa "Sa pagkawala ng hari nawalan ka na rin ng kapangyarihan sa kastilyong ito isa ka na lamang ordinaryong tao at ang iyong naririnig na bulong-bulungan ay hindi lamang haka-haka ayon sa nakatataas ako lamang ang nararapat na pumalit sa puwesto ng hari ang kailangan ko na lamang ay ang iyong pag-bitiw bilang Reyna o di naman kaya'y ang iyong kamatayan." Wika nito.

Nagulat ako sa kanyang mga sinabi tila ito'y binalak na niya ng napaka tagal at sa tono ng kanyang pananalita siya ay nag babanta. Iniisip ko ang magiging kalagayan ng aking mga anak maari silang madamay sa masamang binabalak ng lalaking iyon hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin kung sila ay madadamay handa akong makapatay kung dumating man ang oras na iyon.

Dali-dali kong ipinatawag si Amalia upang imbitahan muli ang mahahalagang tao dahil may gusto akong linawin at ipabatid sakanilang lahat.

Unti-unti ng nag-sisidatingan ang mga panauhin ako rin ay nag hahanda na upang humarap sakanila. Lumabas na ako ng aking kuwarto at ibinilin na Ang mga bata kay Amalia. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Aron Lexus hindi ko na sana siya papansinin ngunit bigla itong nag salita "Ipababatid mo na ba sa lahat na mag bibitiw kana sa iyong katayuan mahal na Reyna" Saad nito saka siya ay humalakhak. Hindi ko na lamang siya pinansin at nag patuloy ako sa aking pag-baba sa hagdan. Nakarating na ako sa harap ng lahat bago ako mag salita bumuntong-hininga muna ako upang tanggalin ang kabang nararamdaman ko.

"Magandang gabi sa inyong lahat salamat sa pag-punta sa aming kastilyo alam kong nabalitaan nyo na ang aking asawa o mas kilala ninyo bilang Haring Sirius ay pumanaw na at alam kong malaki ang suliranin ng kastilyo Zion ngayon ngunit huwag kayong mabahala. Oo, ordinaryong tao lamang ako ngunit hindi iyon hadlang upang hindi ko na pamunuan ang bayan at kastilyong ito. Hindi ako mag bibitiw sa aking katayuan para na rin sa aming apat na anak. Gagawin ko ang aking makakaya sa ayaw nyo man o sa gusto."

At isa pa ibinababa ko na ang katungkulan ni Aron Lexus mula sa pagiging punong kawal ngayon ay Isa na lamang siyang ordinaryong kawal. At ipinapakilala ko sainyo ang papalit sakanyang posisyon si Jerie Logan isa siyang tapat at masipag na kawal ang kanyang kakayahan ay Invisibility kaya't malaking tulong ito upang mas ma-protektahan ang ating palasyo.

Pumunta sa harap si Jerie habang nag papalakpakan ang lahat halata mo sakanyang mukha ang pagkabigla. Nag bigay pugay muna ito saakin at humarap sa lahat at yumuko "Gagawin ko po ang lahat ma-protektahan lamang ang kastilyo at ang Reyna"saad nito.

Kita rin ang galit at gigil sa mukha ni Aron Lexus noong siya'y aking masilayan sa tapat ng hagdan ngumiti lamang ako upang mas mainsulto siya. Ibinaling niya ang tingin niya sa hagdan at tuluyan ng umakyat muli sa itaas.

Kumakain na ang Ilan at ang iba naman ay nag bubulungan pa at tila namangha at nabigla sa mga naganap kanina.

Natapos na ang salo-salo at papa-akyat na ako patungo saaking silid nais ko ng makita ang aking mga anak. Pagbukas ko ng pinto bumungad saakin si Amalia na tila pagod na pagod dahil nililibang niya ang makulit na kambal na sina Railee at Rivee tulog naman ang dalawa na sina Renz at Rafael. Nag papalit ng anyo bilang aso si Amalia upang libangin si Railee at si Rivee naman ay tila laging kinakagat ang buntot ni Amalia bilang aso. Nawala ang aking pagod at pagkabahala nung sila ay aking nasilayan.

Nag-anyong tao na si Amalia noong nakita ako. Agad ko siyang niyakap sabay sabing " Amalia nagawa ko, nagawa kong sabihin ang nararamdaman at labanan ang aking takot". Unti-unting pumatak ang luha saaking mga mata. Niyakap naman ako ni Amalia pabalik at agad na naming ibinaling muli ang aming atensyon sa kambal na sobrang kulit.

Aron Lexus PoV:

Nagulat ako sa sinabi ng Reyna kanina sa salo-salo kumulo ang aking dugo at nakaramdam ako ng galit mukhang siya pa ang sisira sa aking plano.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng trono na pag mamayari ng namayapang hari pinag mamasdan ko ang aking magiging upuan sa nalalapit na panahon. May Isa pa akong problema sa ngayon buhay pa ang mag-iina.

Agad-agad kong ipinatawag ang pinaka magaling kawal na ninja sa palasyo si Ethan Pron o mas kilala bilang "Dark Killer" may kakayahan itong tumagos sa mga pader at bihasa rin ito sa pag-gamit ng anumang patalim.

Narito ako ngayon sa may gilid ng kastilyo at ang tanging nakikita ko lamang ay ang masukal na kagubatan. Dito kami nakatakdang magkita ni Ethan. Ilang minuto pa ay biglang may gumalaw na sanga ng puno agad kong ibinaling ang aking paningin sa puno at nakita ko si Ethan ba nakatayo at tila kararating pa lamang.

"Nahuli ka sa pinag-kasunduang oras" Saad ko. Ngumisi lamang siya sabay tumalon pabana ng puno. "Ano po ba ang ipag-uutos ninyo pinuno" Saad nito. "May nais akong ipaligpit saiyo" Saad ko. Ngumiti siya "Matagal-tagal na rin akong di nakakapaslang mukhang kinakalawang na ako pinuno kaya sakto ang iyong ipinag-uutos" Saad nito. "Ang Reyna ang iyong papaslangin" Saad ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. "Huwag kang mag alala kung siya'y iyong mapapaslang papalit ako bilang hari ng Zion at itatalaga kita bilang Isa sa mga punong bantay" Saad ko. Sumang-ayon siya at sinabi ko sakanya lahat ng aking plano.

Ate/Aling Amalia's PoV:

May mahalagang pag-pupulong ang lahat ng namumuno sa bawat bayan ngunit hindi dumalo ang Reyna inutusan na lamang niya si Jerie na siya na lamang ang maging kinatawan ng kastilyo Zion pumayag naman si Jerie sa pakiusap na ito ng Reyna.

Tapos ng mag hapunan ang lahat nag liligpit na ang mga katulong lagi akong kasa-kasama ng Reyna upang mag alaga ng kanyang apat na anak. Walang problema sa dalawang anak ng Reyna na sina Renz at Rafael tahimik sila at hindi pala-iyak ngunit pag dating sa dalawang kambal sobra ang kanilang kakulitan.

Malalim na ang gabi at tahimik na ang paligid. Kinuha ko ang apat na anak ng Reyna upang palitan sila ng damit pantulog kasalukuyang nasa malaking silid ako kasama ang mga bata na kung saan puro damit nila ang naririto. Tapos ko ng bihisan ang apat inilagay ko sila sa isang higaan na kung saan kasya silang apat at nag palit ako ng anyo bilang malaking unggoy upang mas mabilis na makarating sa itaas kung saan naroroon ang silid ng Reyna.

Akmang aakyat na ako ng hagdan ng biglang masilip ko sa aking gilid na ang lahat ng kasambahay at bantay ay nakahandusay sa sahig tila patay na. Narinig ko ang Reyna na sumisigaw "Amalia itakas mo na ang mga bata guwag ka ng umakyat dito tumakbo kana siguraduhin mong maitatakas mo ang mga bata" Saad ng Reyna. Dali-dali akong lumabas sa likod na pinto ng kastilyo may nasilayan akong isang lalaking naka sandal sa gilid ng pader namukhaan ko ito Aron Lexus.

Mabuti na lamang ay naka anyong unggoy ako at hindi nya napansin ang pag-labas ko sa pinto. Agad akong tumalon sa isang mataas na puno at tila inakala niyang ordinaryong unggoy lamang ako. Hindi nya rin napansin ang hawak kong basket na kung saan narito ang mga bata. Isang malakas na sigaw na lamang ang aking narinig sa kastilyo bago tumahimik ang lahat at tuluyan na rin akong nag-patuloy sa pag-lambitin sa mga puno dito sa masukal na gubat.

"Bakit naroon si Aron Lexus sa labas ng kastilyo bakit siya naka-ngiti. Batid nya kayang nanganganib ang buhay ng Reyna? Sino ang may gawa ng lahat ng iyon?" Ilan lamang iyan sa katanungan na bumabagabag saaking isipan. Paano na ang magiging kalagayan ng kastilyo Zion ngayon na sinalakay at pinaslang ang mahal na Reyna.

************
Hello po ulit! Pasensya na uli sa mga mali.
Abangan kung ano ang mangyayari sa kastilyo at sa magkakapatid na brooks...


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AdmiralsWhere stories live. Discover now