Masayang nagmamaneho si Dawn kahit ramdam pa rin niya ang kirot sa katawan dahil sa nangyaring aksidente. If she mastered how to drive, she also mastered to endure the pain physically. Walang mangyayari sa kaniya kung magpakalunod siya sa sakit. Gumagaling din naman iyon sa paglipas ng panahon. Masaya siya ngayon dahil sa tatlong bagay. Una, hindi na niya kasama sa bahay ang mangkukulam at bruha niyang madrasta. Tahimik na ang buhay niya at hindi na magkakaroon ng additional pain ang katawan niya lalo na ang utak niya. Kahit gusto niyang kausapin ang ama tungkol sa marriage contract, ipinagpaliban muna niya iyon. Maraming oras para roon. Pangalawa, natanggap niya ang tawag ni Magnum at magbabayad na raw ito ng utang sa kaniya at pangatlo, nasa garahe ang lahat ng babies niya!
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Dawn nang makarating sa seaside restaurant. Dito sila kakain ni Magnum ng dinner. Late dinner na nga. Si Magnum kasi late na kung magyaya kumain. Inayos muna niya ang park ng kaniyang motorsiklo. Natuwa talaga siya nang makita ang kaniyang mga babies sa parking kanina. Nagpasalamat siya sa kung sinuman ang nagdala ng mga iyon doon. Tinawagan niya si Magnum para malaman ang lokasyon nito. Masyadong marami ang tao ngayon at nahihirapan siyang makita ito.
"Dawn," sagot nito sa kabilang linya.
"Narito na ako. Nasaan ka na ba? I can't find you." Nagtaka siya kung bakit hindi agad ito sumagot kaya tiningnan niya kung namatay ang tawag. Ongoing pa naman 'yon.
"Hey, nasaan ka?" muli niyang tanong.
"Ahm... Dawn. K-kasi, ano..."
"Anong ano?" Bahagya siyang nag-alala kung bakit kinakabahan ang boses nito.
"N-next time na lang tayo kumain. Busy ako."
Nadismaya man pero nauunawaan niya. Ano pa bang magagawa niya, 'di ba? Wala naman siyang magagawa pagdating dito. It's either s-sang-ayon o s-surrender siya.
"Okay lang. Pero kung sa susunod mag-aaya kang makipagkita sa akin at ika-cancel mo, sabihin mo ako agad, okay? Bwesit ka talaga kahit kalian, Magnum," biro niya rito.
"E, sorry naman. Hindi ko naman alam na may biglaang trabaho na ipagagawa sa akin e."
"Fine. Kakain na lang ako rito mag-isa."
"No!" biglang lumakas ang boses ni Magnum sa kabilang linya. Nabingi tuloy siya. Kumunot ang noo niya. Ang OA naman yata nito. Para kakain lang siya dahil inindiyan siya nito. "I mean, kumain ka na lang sa ibang lugar. Allergy ka sa seafood, 'di ba?"
Ngumiti naman si Dawn kahit hindi nito nakikita. Para siyang teenager na kinikilig sa crush. Peste! Twenty-five na siya pero kinikilig pa rin siya sa simpleng pag-alala nito sa kaniyang allergy. Hay, naku! Nakakabaliw magmahal. Pagmamahal na hindi alam ng lalaking minamahal niya. Ang manhid din nito na hindi nararamdaman ang totoo niyang damdamin para rito.
"Owkey!" Gusto niyang hampasin ang kaniyang sarili na tila pabebe niya iyong sinabi. Parang engot lang talaga.
"Gotta go. Bye, Dawn! See you next time. Ingat sa pagmomotor pauwi."
Nakangiti pa rin si Dawn kahit putol na ang tawag. Ikaw ba naman ang bigyan ng concern ng crush mo, ewan ko naman kung hindi ka kiligin. Ngunit ang masaya niyang ngiti ay biglang napalis nang makita niya hindi kalayuan ang bulto ni Magnum. Ang ngiting halos pumunit sa kaniyang pisngi kanina ay biglang lumipat sa kaniyang puso. Tila pinupunit iyon habang pinagmamasdan niya itong masayang kumakain kasama ang babaeng kinababaliwan nito.
"Yeah, right. You're busy..." nasasaktan niyang sabi, "busy with her," dugtong niya na masama ang loob. Mabilis siyang tumalikod sa direksyon ng dalawa at patakbong bumalik sa kaniyang motor.
***
"Aray naku! Pesteng puso'y umiibig sa 'yo, pero iba ang iniibig mo at hindi ako!" kanta niya habang hawak ang ika-siyam na can ng beer. "Wohhh! Magsama-sama ang lahat ng pusong luhaan!" tumatawa niyang sabi sabay higa sa buhangin. Dito siya dinala ng kaniyang tadhana pagkatapos bumili ng isang box na canned beer. Siguro beer talaga ang forever niya. Hindi kasi siya nito iniiwan. Palagi niya itong kasama sa kasiyahan man o kalungkutan.

BINABASA MO ANG
Marrying Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling, but she's better at drag racing and gambling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and is well known as the most popular co...