Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa't-isa.
"You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo," biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.
Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.
"Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin," malambing nitong sabi.
"Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our daughter needs me, us. She need us."
"Alam ko, pero hindi niya magugustuhan kung magkakasakit ka," mahinahon nitong sabi.
"Nahuli na ba siya?" paglilihis ni Abegail sa usapan. Gusto niyang malaman kung nahuli na si Maira. Kailangan nitong magbayad sa kasalan sa kanyang anak.
"Oo. Na sa custody na siya ng mga pulis kasama si Alero. Napatunayan nilang may kinalaman si Alero sa pagkawala ng preno ng sasakyan ni Vander."
"Anong klase siyang ama para gawin iyon sa sarili niyang anak?"
"Hindi ko rin masabi. Marahil nabulag siya sa salapi at inggit dahil si Vander na ang may hawak ng kompanya nila."
"Sisiguraduhin kong magbabayad sila. Mga wala silang puso!" galit na sabi ni Abegail.
"Sasamahan kita sa laban na ito para sa anak natin. Pangako na mabubulok sila sa kulungan. Nakausap ko na rin ang Mommy ni Vander. Hindi rin siya papayag na hindi malalagot si Maira at Alero."
Maya-maya pa ay dumating si Magnus. Nag-volunteer na ito muna ang magbantay sa mga pasyente habang na sa presinto si Abegail at Romano upang asikasuhin ang kaso laban kina Maira at Alero.
"Uy, kayong dalawa. Saan ba kayo namamasyal at nawiwili kayong matulog?" tanong ni Magnus kay Dawn. "Baby Indi, naghihintay ka ba ng isang prinsipe? Pwedeng ako na lang, natutulog din kasi ang prinsipe mo," malakas pa niyang sabi. "Alam mo bang tumawag si Magnum? Uuwi daw siya para makita ka. Teka, matagal pa ang dating ni Magnum hindi siya pwedeng mag-proxy na prinsipe. Kaya ako na lang ang proxy na prinsipe mo ah." Ewan ba niya pero gusto niyang pagtripan ang dalawa.
Lumapit naman siya sa kinahihigaan ni Vander.
"Vander, kapag hindi ka pa gumising hahalikan ko si baby Indi. Ikaw din, kapag nagising siya sa halik ko baka iwanan ka niya. Hindi ko na kasalanan 'yon ah. Natatakam pa naman ako sa mala-rosas niyang labi. Gusto kong malasap ang lambot no'n sa labi ko," pabirong saad niya habang umiikot patungo sa higaan ni Dawn. "Sakto, wala akong kaagaw ngayon sa kaniya. Hahalikan ko na siya ah," nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa nakapikit na mukha ni Dawn.
"D-distance yourself, Idiot!" Paos na boses ang nagpabaling sa tingin ni Magnus sa kabilang kama.
"Gising ka na, Pre?" gulat niyang tanong kay Vander.
"B-baliw!" Mabilis namang bumalik ang tingin ni Magnus nang marinig ang boses ni Dawn.
"Sh*t! Gising na kayo!" Bigla niyang sabi at mabilis nagtungo sa pintuan. "Doc, gising na ang mga pasyente!" sigaw niya. Nakalimutan niyang may emergency buzzer nga pala.
Agad namang nagtakbuhan ang nurse at doctor sa silid. Napakasaya ng lahat nang malaman na nagising na silang pareho. Isa-isang nagdatingan ang mga mahal nila sa buhay.

BINABASA MO ANG
Marrying Rebellious Heiress
RomantikHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling, but she's better at drag racing and gambling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and is well known as the most popular co...