Chapter 14

6.9K 144 0
                                    

Nanigas ang katawan ko. Abot hanggang sa buto ko ang lamig. Tinanggihan ko na siya pero mapilit pa rin. Ang gusto niya ay sumabay talaga ako sa kanya. Para akong naging yelo. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makasabay ko siya sa iisang sasakyan. Pero ito talaga yung first time na kami lang dalawa. Kapag pinapasabay niya ako ay may kasama naman siyang driver.

Ilang beses na akong nakasakay sa magagarang sasakyan ng pamilya niya. Si Lola Gracia naman ang palagi kong kasama.

Pigil hininga ang pagsama ko. Pumayag lang ako dahil wala akong ibang choice. Atsaka libre na rin ito. At sa ayaw at sa gusto ko ay talagang makakasabay ko siya.

Iniwan ko ang bisekleta ko sa building na yun. Ipapahatid nalang daw niya yun bukas kay manong. Nakahinga ako ng maluwag kanina. Hindi ko yun nadala dahil hindi kasya sa likod ni Phoebian, hindi lang ako sigurado kong kasya nga. Malaki ang sasakyan niya pero talagang nahihiya ako.

Okay nalang yun. Ayaw ko pang dumagdag sa kahihiyan.

Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng apartment ko. Sumilip ako mula sa bintana. May iilang kabahayan na patay na ang ilaw. May iba rin na bukas. Ang aga namang matulog ng iba.

Hinawakan ko yung handle ng pinto pero bago ako lumabas ay lumingon muna ako sa kanya. Sakto naman paglingon ko ay nasa akin ang kanyang mga mata.

"Salamat Phoebian huh." Usal ko.

Isang tango ang natanggap ko. "Anytime." Sagot niya.

Sanay na ako sa lamig ng boses niya. Parang yun na ang normal niyang boses. Iba-iba naman kasi ang tono ng mga tao. Hindi pare-pareho. Si Phoebian ay ganun na yata siya. Hindi ko pa siya narinig na humalakhak... pero kapag may pagkakataon ay, sana ay marinig ko ang kanyang mainit na halakhak. Puro ngisi lang siya. Yun lang ang palagi kong napapansin sa kanya.

"Bakit?" Kuryuso kong tanong dahil hindi malipat ang kanyang tingin mula sakin.

"Nothing. I'd like to say sorry to you, you know. I didn't pay much attention to you because I was so busy in LA. I'm really sorry."

Nanlaki ang mata ko. "Phoebian okay lang. Bakit ka nagsorry sakin na wala ka namang kasalanan? Wala naman akong sinabi."

"I just wanna tell it to you. This time, I'll let Henry handle all the work in the main company."

"Pero ikaw ang CEO."

Sa kompanya ay maayos ang pagpapatakbo. Wala din si sir Henry at nasa ibang bansa din ito para sa isang branch ng kompanya. Si sir Henry ang COO ng kompanya. Gaya ng CEO ay wala din siya sa kompanya dahil busy din siya. Sa kasalukuyan ay si miss Kesha ang humahalili ng kompanya.

Si miss Kesha ang CFO. Isang beses ko palang siya nakita sa opisina ng miminsang maglibot siya para sa isang inspection. Trabaho ng CEO yun pero dahil wala si Phoebian ay siya muna ang gumawa.

Marami ang nagsasabi na strikta daw si miss Kesha. At may nagsabi din na naging ex boyfriend niya si Phoebian pero naging karelasyon din si Phinneas. Nakakalito yung tsismis na kumakalat sa opisina. Hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin ang ganung bagay dahil ang importante sakin ay yung trabaho ko.

Malapit na kaming matapos sa OJT namin. Isang buwan nalang kami sa PS Inc. Nakakalungkot pero sana ay makabalik ako. Iniisip ko palang yun ay nalulungkot na ako. Hindi ako sigurado kung tanggapin ako sa PS Inc. kahit kilala ako ni Phoebian. Hindi naman sila naghahire ng hindi magaling. Masipag lang ako pero hindi ako matalino at magaling. Masyadong mataas ang standard ni Phoebian pagdating sa mga emplayado na hinahire.

Ganun din kaya siya sa babae? Mataas din kaya ang standards niya?

Natural. Natural na mataas dahil nasa tuktok na siya. Kaya yung nababagay sa kanya ay yung nasa tuktok din at hindi yung nasa laylayan. Bigla akong nakaramdam ng pagsikip sa dibdib. Pambihira.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon