"Sky! Nabasa mo kanina yung nasa head office? Yung asa may bulletin board sa looby? Yung colorful?" Si Amy.
" Wow sa details! Oo nabasa ko, bakit? Mag-aapply ka?"
"Kung nabasa mo talaga hindi mo itatanong sakin yan gaga."
Nirecall ko ulit yung nabasa ko. "O bakit? Pasok ka pa naman dun ah?"
*PAK*
"Aray Amy ha!"
"Hindi kita tunay na kaibigan! Ang tunay na kaibigan alam kung ano edad nung kaibigan nya!"
" Ay oonga, sorry naman ATE. Pa-sen-sya. Ipagpatawad mo! 26 ka na nga pala! Ay aray Amy ha!" kinurot nya tagiliran ko, palibhasa ayaw tinatawag na Ate. Hahaha!
Ano nga ba kasi yung nabasa namin? Bale ang nakapost lang naman kasi sa bulletin board ay WANTED : PROFESSIONAL MAID. Like fuck may ganun ba? Tapos eto ang mga requirements.
1. 18-25 years old.
2. High School graduate
3. Finished at least 1 sem
4. Must be fit to do heavy chores.
5. Must be beautiful
O diba nakakagago lang? Madalang na makahanap ng nakatapos ng high school at nakapag-aral sa college sa amin, kaya mali ang napuntahan nung naghahanap.
"Alam mo SKy, bagay ka sana dun kaso."
"Kaso what?" pinutol pa ng gaga ang sasabihin.
"Kaso di ka maganda." sabay takbo sa kama nya.
"Ah ganon?! Grabe na to Amy ha! Grabe na to!" binato ko sya ng unan.
O tama kayo ng hinala. Ako ay isang katulong/muchacha/yaya. Cliche ba? Edi wow. Ganun talaga eh. Kinalakihan ko na tong trabaho na to eh. Mga magulang ko? Nowhere to be found. Si Mama ayun 6ft under the ground na nung 10yrs old ako, di ko na idedetalye. Si Papa naman sumakabilang bahay na. At wapakels ako about him.
Kapag nababakante kami, ok, nawawalan ng trabaho, andito kami lagi sa apartment ng agency. Dito kami nag-aantay ng biyaya na may maghanap ng katulong. O sosyal ng agency namin di ba? Alaga kami.
Ako si Sky Fajardo. Nakalimang amo na ako sa talambuhay ko. Yung isa sa lima, di ako nagtagal, paano ba naman mga manyakis yung anak ng bossing ko! Mga baboy! Yung tatlo naman ay dun ako sinwerte, mga mahal ko yun eh. Paano ba naman pag-aralin daw ba ako? Sa sobrang yaman kasi ayun natripan ako pag-aralin. Kaso yung tatlo na yun nag migrate na, alangan namang isama nila ako? Haha! Tas eto yung panglima, pinalayas ako nung syota nung amo ko, nagseselos ang gaga! Ang bait pa naman nung bossing ko.