Sky's POV
"Good morning bossing! " andito ulit ako ngayon sa main office, nagbabasakaling may naghahanap ng katulong. " Ano may bakante ba? Alam mo naman boss ayoko natetengga dun sa aprtment."
"Ayaw mo mag-aaply dun sa nakapost sa baba? EH lahat ng hinahanap asayo. Alam mong tatlo lang kayo dito sa agency ang nakatungtong ng college di ba? At yung dalawa ay may mga trabaho pa." Sabagay may punto naman si boss.
"Pasok naman ba ako? Eh di naman ako maganda bossing."
"Pahumble ka pa Sky. Maganda di ba sya? " tanong ni bossing Jay sa mga tao dito sa loob ng office nya.
" Opo boss!" sagot nila. Hehehe, fine okay maganda na.
"Alam mo Sky, mayaman yun. Sa pagkakaalam ko may 10 silang factory sa loob at labas ng Pilipinas, tapos may 5 restaurants dito sa Luzon. Hmmm ano pa ba. . . " kilalang-kilala ako ni bossing. Alam nyang basta mayaan talaga papatusin ko. "At may resort sila sa Bulacan, ayaw mo pa ba? Malay mo pag-aralin ka ulit. O di ba?"
" Oo na boss! Oo na! Asan ba yung address, lalakarin ko na ngayon! Tss. " hinanap nya yung information nung nagpost saka binigay sakin.
" Good luck Sky! Malapit na nga pala birthday mo! Pag natanggap ka, libre mo ako ha."
" Heh! Hindi pa nga ako natatanggap, libre na agad? Saka dapat ikaw bossing manlibre. Ikaw BOSS dito eh. Hahaha! O sya alis na ako, sayang yung oras, mukhang malayo pa to."
~*~
Ang sabi dito sa address ay Ayala Alabang Village. Entrance gate pa lang panalo na! Sana nga matanggap ako! Hahaha!
" Miss ano po kailangan nyo?" sinalubong ako ng dalawang makikisig na guards na may mga baril sa dibdib. Grabe ang taas ng security system dito.
" Uh, sa dela Rama po. San po ba yun? Di po kasi inidicate yung buong address nila dito." Pinakita ko yung binigay sa akin ni boss. Baka isipin nila hindi ako legit.
" Ah. saglit lang po ah. I-verify lang po namin. " pumasok yung isa sa loob, tinawagan ata yung mga dela Rama.
" Miss mag-antay na lang po kayo ng shuttle dito, para maihatid kayo sa bahay ng mga dela Rama."
"Wow kuya mayayaman ba talaga yung nakatira dito? At may shuttle pa?"
" Oo, mga pulitiko at makapangyarihang tao nakatira dito miss. "
"Eh yung mga dela Rama?"
" Sobrang yaman nila Miss. Ayan na yung shuttle oh." tinuro nya yung shuttle na nag-aantay sakin. " Pakihatid sya sa mansion ng mga dela Rama ah."
" Kuya salamat po ah! " saka ako sumakay sa shuttle.
Ang laki ng village at ang lalaki ng bahay! Tas yung mga kotseng dumadaan sa amin ay grabe! Panalo! All throughout the ride nganga lang akez.
" Andito na tayo. "
Bumaba agad ako ng shuttle. " salamat po! "
Grabe ang ganda nakakamangha! Wala na akong oras na dapat sayangin!
DING DONG.
" Sino to? "
" Hi ako po si Sky, nag-aapply po bilang kasambahay."
" Sige. " saka biglang bumukas yung gate. Grabe hi-tech ang bahay na to!
Jusko palasyo ata yung napasukan ko sa sobrang ganda. First time ko makakita ng gantong kagandang bahay. I mean garden, hindi pa ako nakakapasok ng bahay nila kasi nilapitan ko muna yung mga roses.
" Miss ano ginagawa mo sa halaman ko? " napabitiw ako sa hawak kong gunting. " At sino ka?
" Ako po si Sky Fajardo, mag-aapply po sana ako bilang kasambahay dito. Pasensya na po kung pinakielaman ko yung halaman nyo, napapansin ko po kasi na namamatay yung mga bagong tubo dahil po dun sa mga damo. Sorry po talaga."
Nilapitan nya yung pinaggugupit ko. "Wow! Yan lang pala talaga dapat gawin, nangangamatay na nga yung iba kong tanim eh. Ayoko naman kumuha ng hardinero kasi ayoko ng may nakikielam sa halaman ko. "
" Ay nako patawarin nyo po talaga ako. Hindi na po ito mauulit."
" It's okay my dear. Ako nga pala si-" ngayon ko lang sya natitigan ang ganda nya grabe!
" Mam! Si sir Storm po nakauwi na galing US! " sino naman to? " At ikaw yung nag-aapply di ba?"
" Ha ako nga po. "
" Ako si Doris at sya si Mam Stella. Ang may-ari ng bahay."
Nilahad ni Mam Stella yung kamay nya, kaso madumi yung kamay ko. Wth. " Nako Mam! Pasensya na po, ayoko po madumihan yung kamay nyo. Puro lupa po yung kamay ko. Hehe."
" Ah okay lang. Tara sa loob, para mahugasan mo yung hands mo. And Doris, please contact my son. Let's go na Iha." saka nya ako hinatak sa loob.
~*~
Watta tiring day! Pero success! TANGGAP AKO! At magstart na ako sa birthday ko! Grabe ang bait ni Mam! Nilibot nya ako sa loob ng mansyon nya personally. Manghang-mangha ako. Yung bathub may lights pa. Tapos yung pool! Grabe akala mo asa Boracay ka.
" Hoy Amy, tanggap ako. Hahaha! Maiiwan na naman kita! "
"Talaga? Saan?"
" Dun sa napag-usapan natin kagabi. Grabe kung nakita mo yung bahay nila, hindi ka na ulit babalik dito."
"Weh? Pasok ka? Eh di ka nga maganda."
" Ay ang hard mo sakin Amy! Kaibigan ba talaga kita?"