Sky's POV
Unang araw ko ngayon sa work ko pero bago ako pumunta sa bahay ng mga dela Rama idinate ko muna sarili ko, dahil birthday ko. 20years old na ako pero ang height pang 13years old. Asan ang hustisya?
Nagpaalam ako kala Mam Stela na hapon na ako makakapunta at naintindihan naman nila yung dahilan ko, pero ang gusto nya ay bago maghapunan ay nasa kanila na ako.
Ngayon inaayos ko na lang yung mga gamit ko, si Amy nauna na sa akin dahil nakahanap na sya ng trabaho. Tuloy ako ang mag-isa dito sa apartment nitong mga nakaraang araw.
~*~
Pagdating ko kala Mam patay lahat ng ilaw. Nakakaloka ha! Eto pa ba mawalan ng kuryente?
Kumatok ako sa napakalaki nilang pintuan. Walang nagbubukas.
"Kuya, wala ba tao dito? Umalis ba sila Mam Stela?" nagkibit balikat lang si Kuya Bong; guard nila Mam Stella.
Kumatok ulit ako.
"Hello hello may tao po ba dito? O jusko po!" may pumutok sa likuran ko.
Biglang nagliwanag yung buong mansyon.
"Happy birthday Sky!!!" sila Mam Stella at Nanay Doris.
"Ha?" grabe nagulat talaga ako dun sa pagputok na naganap. "Ano po nangyayari Mam?"
"Surprise! Di ka ba nasurprise?" tanong sa akin ni Mam Stella, at nakita ko sa mata nya yung lungkot.
"Sobrang surprise nga po eh. Ano, di ko lang po inaasahan na may surprise pa po kayo."
"Because I like you Sky. Tara na sa loob lalamig yung prinepare ko." nagsimula na maglakad paloob si Mam
"Ihanda mo tiyan mo Sky." bulong sa akin ni Nanay Doris. "Bong tara na." aya nya kay Kuya