Chapter 1

12 0 0
                                    

"MAKAKAUWI KA ba ngayon? Para mainit ko 'yung food kaninang dinner." Tanong ko sa aking asawa na ngayon ay nag overtime nanaman sa office.

"Huwag na, asawa ko. Kumain na din ako dito kanina, may pa-dinner kasi 'yung manager from accounting department kaya dinalhan naman nila ako dito ng pagkain."

"Okay sige, let me know if pauwi kana ha. I'll wait."

"You need to rest, I know that you're tired from work kanina. I can handle this, may spare key naman ako, so don't worry." Halata ang pagod sa boses ng asawa ko.

Ever since na sa kanya na ipinagkatiwala ng daddy nya ang kompanya nila, nagiging madalang nalang ang pagsabay namin sa hapag kainan. Nami-miss ko na din talaga yung mga oras na halos walang araw na hindi kami kakain ng sabay. Pero naiintindihan ko kasi siya lang ang may kakayahan na hawakan ang kompanya nila ngayon.

I am Justinne Rae Aldana Sullivan, 25 years old. At yung kausap ko ngayon ay ang aking asawa. Zachary Vincent Sullivan. My first love, first crush..

"Tapusin ko lang 'to agad para makauwi na ako.", pagpapatuloy ng asawa ko sa kabilang linya.

"Okay sige, hintayin parin kita."

Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ang asawa ko dahil bigla ko nalang narinig ang tunog ng alarm ko na hudyat na kailangan ko ng gumising para mag-ayos papunta ng trabaho. Hindi ko nanaman sya naabutan, ilang araw narin kaming ganito. Hindi ko na siya naabutang makauwi at maging sa paggising ko, nauuna parin syang umalis. Hay. Siguro bibisitahin ko nalang siya mamaya sa office nila.

Naligo na ako at nagbihis para makaalis na, 'dun nalang din siguro ako kakain ng almusal sa shop. Ganun na din naman ang routine ko eh. Mas convenient kasi at iwas late. Hehehe.

Sumakay na ako sa kotse at tumungo na papunta sa bakeshop. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang pastry chef sa aking sariling bakeshop. Isa ito sa naipundar naming mag-asawa. Dahil sa hilig ko ang pag ba-bake, pinag-aral ako ni Zach sa New York to train my skills more at ito nga ang naging bunga. I am really grateful for this, natutuwa din akong may mga chef din akong kasama ngayon na noon ay tinuturuan ko din ng mga napag-aralan ko sa ibang bansa. And yes, mas magaling pa nga ata sila sa akin ngayon.

"Good morning, Ma'am Tin!", bati ng empleyado kong nasa counter.

"Good morning, Kim. Ikaw palang ba nandito ngayon?"

"Yes po, ma'am. Inagahan ko po ngayon kasi diba po ngayon ipadedeliver yung mga ingredients natin sa paggawa ng cakes and cupcakes?"

"Oh yeah, I almost forgot about that. Thanks for reminding me, Kim." Oo nga pala, may big event pala kaming dadaluhan and guess what, sa bakeshop ko gusto nilang manggaling ang cakes and cupcakes.

It's a fashion show, so talagang maraming sikat at malalaking tao from that industry. Medyo nakakakaba kasi this is our first time to serve desserts sa isang malaking event. Actually, si Zach ang nag introduce nito sa coordinator ng event eh. Kaya ayun, kami ang kinuha nila for this.

"Ito po talaga ang work ko, ma'am. Magpaalala talaga ng mga important events natin. Grabe ma'am Tin, medyo kinakabahan ako talaga!"

"Kaba ba talaga yang nafefeel mo, Kim? Bakit parang natitili kapa dyan?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Excited, ma'am na medyo kabado po syempre. Pero alam ko naman po na masarap ang cakes natin dito lalo na at kayo nina Chef Angela at Chef Maddy ang gagawa eh." Bola na sagot pabalik ni Kim.

"Nako, nang bola ka pa. O siya, sa office muna ako sa itaas ha. At ako ay mag aalmusal muna. Kapag dumatin na yung dalawa, sabihin mo lang na nasa itaas na ako."

What Happened To Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon