Chapter 2

4 0 0
                                    

Mag tatlong taon na simula ng ikasal kami ni Zach. Isa sa mga masasayang araw ko ay ang araw ng kasal namin. Literal na lumulutang ako sa ulap sa sobrang sayang nararamdaman ko noong araw na iyon. Hanggang ngayon nga ay parang hindi ako makapaniwala na ako ang pinakasalan ni Zach. Dahil bago pa kami ikasal ay may babae pa siyang unang minahal. Kaya siguro natatakot ako ngayon kasi hindi ako ang unang minahal ni Zach noon. And I witnessed how they loved each other before.

Nabalik ang atensyon ko kay Zach nang magsalita siya.

"Hey, love come here. I need a hug. Sakto at pumunta ka dito. Actually I'm about to call you na para ako nalang sana ang pumunta sa bakeshop."

Lumapit ako kay Zach to give him hug, baka nga guni-guni ko lang yung naiisip ko dahil na rin sa pagka-miss ko ng sobra sa kanya.

"No, love alam ko naman na pagod ka eh, kaya ako na talaga yung sumadya papunta sa'yo. At tama nga ako, halatang stress na stress ka today," pag-aalalang sagot ko sa asawa ko. Kita kasi talaga sa mukha niya yung sobrang stress eh.

"How was your day at the bakeshop?"

"Ito, medyo pagod. Ang dami din kasi naming na-bake ngayon. Para next day, kaunti nalang at hindi kami magahol sa oras." Itatanong ko pa ba kay Zach yung tungkol sa babaeng nakita ko kanina?

"Uhm, love. May itatanong lang sana ako," alanganing sabi ko sa kanya.

"Sure, love. What is it?" Sagot nya habang nakayakap parin sa akin. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya habang ako naman ay nakatayo. Kaya nakayakap siya ngayon sa bandang tiyan ko. Napapahaplos ako sa buhok niya dahil sa kaunting kabang nararamdaman ko.

"Before I came in, may nakasalubong akong babae na parang nagmamadali palabas dito sa office mo. May nangyari bang hindi maganda?"

Ramdam ko ang biglang pag-stiff ng katawan niya habang yakap ako. Ngunit agad din siyang nakabawi at mas lalong humigpit ang yakap sa akin.

"Ah, just another client na grabe ang demand. Gusto mag invest ng almost full sa company, in return, 60% ng share mapupunta sa kanya. Ano siya, sinuswerte?" Tumayo na siya at nag ayos na ng kanyang sarili at gamit.

After he said that, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Finally. Para bang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib. Napangiti ako.

"Good to hear. Akala ko may malalim pang dahilan eh. And I know you can handle that well naman, love," taas kilay kong sabi sa kanya.

"And I'm gonna handle THAT later when we get home. Kaya halika na, at baka dito pa kita maabutan," pilyong ngiti ng asawa ko. At talagang may emphasis pa sa word na 'that' ah! Itong lalaking 'to talaga!

Hawak kamay kaming lumabas ng office papuntang parking lot. Nakakatuwa dahil maraming bumabati sa amin. Nakaka proud tuloy na ako ang asawa ng kanilang CEO. I can't stop myself from blushing because of what I thought.

"Love, kung ano man 'yang naiisip mo, sa kotse mo nalang gawin sa'kin. Pulang pula kana oh," sita sa akin ni Zach.

Pinalo ko ng mahina ang braso nyang hawak ko. Grabe, ganun na ba ako ka-pula at halatang halata? Nako, Tin, tigilan mo yang iniisip mo!

Nakarating na kami sa kotse niya. Ipapasunod nalang daw nya ang kotse ko sa secretary niya. Marunong din kasi mag drive si Sarah at siya lang ang may alam ng address namin sa bahay.

Naalala kong wala pa nga pala kaming dinner! Hindi pa ako nakapagluto dahilan na dumiretso ako kay Zach.

"Love, hindi pa pala ako nakakapagluto ng dinner natin. I came to you after agad ng work ko eh. Gutom kana ba?"

Bumaba na kami ng kotse at papasok na ng bahay.

"I'm good. Gusto mo tayong dalawa magluto? Hindi pwedeng ikaw lang kasi alam kong marami kang ginawa ngayon," ngiting sabi ng asawa ko.

What Happened To Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon