Chapter 31 : Gian

118K 1.4K 71
                                    

Chapter 31 : Gian

Ngayon alam ko na kung bakit pinapaalis na kaagad ako ni Shane, makikipagkita lang pala siya kay Alex.

"Hindi mo na kailangang gawin yan Gian, umalis ka na."

Yan ang sabi ni Shane kanina, dahil ba si Alex na ang magpupunas ng mga luha niya?

Kitang kita ko, bigla na lang siyang niyakap ni Alex. Kung hindi ko lang kasama si Sydney ngayon, masasaktan sa akin si Alex.

Pagtingin ko ulit wala na silang dalawa.

**

Its been a week. Ilang beses kong tinatawagan si Shane araw-araw pero hindi siya sumasagot. Pumupunta din ako sa kanila pero ayaw niya akong kausapin.

Ayaw na ba niya talaga?

Hindi na ba niya ako mahal?

Miss na miss ko na siya. Hindi ako nakakatulog ng mag-isa. Mas naaalala ko siya kapag naaamoy ko yung unan niya. Gusto ko siyang yakapin, pero ayaw naman niya akong bigyan ng pagkakataon.

**

"Hindi mo pala kapatid si Alex?" tanong ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Allyna. Magkasama kami ngayon sa favorite restaurant niya. Pumayag ako kasi magpapatulong dina ko sa kanya.

"Sinabi sa akin ni Lolo."

"Alam mo bang kahit minsan hindi ko itinuring na ampon namin si Alex. Kahit minsan matigas ang ulo nya, mahal na mahal ko ang kapatid kong yun."

"May isip na ako ng mag-ampon sina Mommy. Gusto daw kasi nila ng anak na lalaki."

"Wala ba kayong balak sabihin kay Alex ang katotohanan?"

"Sabi ni Daddy wala daw. Pero sa sitwasyon ngayon, mukhang malalaman din ni Alex yun. Teka, sabi mo magpapatulong ka sa akin. Ano ba yon?"

"I want an annulment. Para sa amin ni Shane."

O.o

"HUWAAATT???!! Gian, what are you talking about? Akala ko ba okay kayo ni Shane?"

"Akala ko din. Pero maraming nangyari", ikinwento ko sa kanya ang nangyari.

"Sorry Gian, but this time hindi kita tutulungan. Ayokong maghiwalay kayo ni Shane."

**

Its been two weeks. Walang pagbabago. Nakapagdesisyon na ako. Palalayain ko na si Shane.

Sabi nila kung talagang mahal mo ang isang tao, palalayain mo ito. Tutal ito naman ang ikaliligaya niya, ibibigay ko.

Nagpunta ulit ako sa kanila. Nakaupo siya sa sofa. Nagulat siya ng makita niya ako.

Ang unang gusto kong gawin ng mga oras na yon ay yakapin siya pero hindi ko magawa. Miss na miss ko na talaga siya. Ngayon ko lang siya ulit nakita.

"Shane, bago mo ako paalisin, hayaan mong sabihin ko muna sayo to. Hindi ako nagpunta dito para makipagtalo sayo. Gusto ko lang malaman mo na aayusin ko na ang annulment papers", sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkagulat s mata niya. Hindi ba ito ang gusto niya?

"Shane, gagawin ko to hindi para saktan ka, kundi para palayain ka at magawa mo ang sa tingin mong ikaliligaya mo. Kung gusto mo na talaga akong mabura sa buhay mo, wala akong magagawa. Pero shane, tandaan mo na hindi kita niloko at mahal na mahal kita."

Tinitigan ko siya at nakita kong may namumuong luha sa mata niya. Ayokong nakikitang umiiyak siya.

Gusto ko talaga siyang yakapin pero..

Ahhhh!

Hindi ko na kaya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Mahal na mahal kita", bulong ko sa kanya.

Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero hindi siya nagsasalita. Ayoko siyang pakawalan pero mukhang ayaw na nga talaga niya. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at umalis.

Nang maghiwalay kami ni Sydney noon, hindi ako umiyak pero nagyon habang nagmamaneho ako pauwi, naramdaman ko na lang ang luha sa pisngi ko.

Nasasaktan ako dahil ayaw na sa akin ni Shane. Tuluyan na ba akong napalitan ni Alex? Bakit hindi na niya kayang sabihin na mahal niya din ako?

Sana maging masaya siya. 

Marry Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon