Chapter 32 : Chad

119K 1.6K 65
                                    

Chapter 32 : Chad

Nitong mga nakaraang araw, naging napakalungkot ni Gian. Matagal na kaming magkaibigan ni Gian. Highschool pa lang magkakilala na kami kaya alam ko kapag may pinoproblema yan.

"Nakapagdesisyon na ako, makikipaghiwalay na ako kay Shane", sabi ni Gian.

Magkasama kami sa isang bar, nagyaya na lang kasing mag-inom.

"Hindi mo na siya mahal?" tanong ko.

"Sobra sobra ko siyang mahal", sagot niya sa malungkot na tono.

"Yun naman pala eh, eh bakit mo siya pakakawalan?"

Magulo din tong kausap eh.

"Hindi na niya ako mahal."

"Ahhh. Sinabi niya sayo na di ka na niya mahal?"

Tumingin siya sa akin. Nalilito.

"Hindi. Wala naman siyang sinabing ganon."

"O? Wala naman pala eh. Eh saan mo nakuha yung hindi ka na niya mahal?"

"Yun ang ipinaparamdam niya sa akin. Hindi siya naniniwala sa akin. Kahit yata ilang beses kong sabihin na mahal ko siya, hindi pa din siya maniniwala na hindi ko naman siya niloloko."

"Niloko saan? Nambabae ka?!"

Aba. Loko tong si Gian ah!

"Hindi! Hindi ko magagawa kay Shane yun. Mahal ko nga siya, diba?"

Alam ko. Kaya nga nagtataka ako eh. Sasabihin ko pa sana yun pero mas interesado akong makinig sa kwento niya.

"Iniisip niya kasi na yung mana ang dahilan kaya ako nagpakasal sa kanya. Nagplano pala kasi si Lolo na sa akin talaga ipapamana ang kumpanya kasi ako ang unang apong lalaki. Akala ni Shane, kapag nakuha ko na ang mana ko ay iiwan ko na siya at magpapakasal kay Sydney."

Sydney?! Paano naman napasok si Sydney sa relasyon nila?

"Sydney? Your ex?!"

"Oo. Kung ano ano kasi ang sinabi ni Sydney kay Shane, eh hindi naman yon totoo. Pero hindi ko na pinproblema yun kasi tanggap na ni Sydney na tapos na kami. Nasasaktan lang talaga ako kasi wala na atang tiwala sa akin si Shane, worst hindi na nga yata niya ako mahal. Mukhang napapalitan na ako ni Alex."

"Kaya palalayain mo na siya?"

"Palalayain ko si Shane hindi dahil sa hindi ko na siya mahal kundi dahil gusto ko siyang lumigaya. Kung hindi na siya masaya sa piling ko, hindi ko siya ikukulong."

"Hahayaan mo siyang maagaw ni Alex sayo??" tanong ko sa kanya. DAPAT SIGURO SA LALAKING ITO NIRE-REVERSE PSYCHOLOGY EH.

Nakuha ko ang atensyon niya at tumingin siya sa akin.

"Sige. Pakawalan mo siya. Hayaan mo siya sa piling ni Alex. Hayaan mo siyang saktan ng pinsan mo. Kung yun talaga ang gusto mo eh. Gusto mo bang magkaganon?"

Kumunot ang noo niya at sumagot.

"Hindi! Ayokong mangyari yun!"

Huminga ako ng malalim.

"Eh yun naman pala eh, eh di wag mo siyang pakawalan. Huwag mong hayaan na mapalapit siya lalo kay Alex. Ikaw lang ang makakapagprotekta kay Shane. Ilayo mo siya kay Alex. Hawak mo na si Shane, bakit mo pa bibitawan? Gian, huwag mong hayaan na dumating ang araw na pagsisisihan mong pinakawalan mo siya. Naniniwala ako na mahal ka pa din ni Shane. Naguguluhan lang siya ngayon."

Sa itsura ni Gian ngayon, mukhang natatauhan na to.

"Mahal ka ni Shane kaya sigurado ako nasasaktan din siya sa idea na hihiwalayan mo siya."

"Tama ka. Hindi ko siya dapat hayaang makuha ni Alex. Hindi ko hahayaang saktan siya ng kahit na sino, kahit ako. Ipinangako ko yan sa kanya."

"Sa wakas! Natauhan ka din, alam mo ba kung hindi ka pa natauhan ngayon, ipupokpok ko na sana sa ulo mo yang mga boteng yan", tukoy ko sa mga bote ng alak na nasa table namin.

Tumawa siya.

"O? Ano pang nginingiti-ngiti mo dyan? Ano pang hinintay mo? Baka gusto mo ng puntahan ang asawa mo? Sige ka, maagaw sayo ni Alex ng tuluyan yun!" pananakot ko.

Agad naman siyang tumayo.

"Salamat Chad! Isa kang tunay na kaibigan", pagkasabi niya noon, umalis na siya.

Marry Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon