Chapter 5

810 38 1
                                    

Masakit ang ulo ni Dawn paggising kinabukasan. Humihikab siyang lumabas sa silid at nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Matamlay siyang umupo sa harapan ng mesa pagkainom. Nilapag niya ang bottled water at tumalungko sa mesa. Doon pa lang niya napansin ang masamang tingin ng kaniyang kasama habang nagkakape.

"Agang-aga menopause ka," puna niya rito na may kasama pang irap.

Mas lalo namang sumama ang tingin nito sa kaniya. Kung siguro nakamamatay 'yon kanina pa siyang bumulagta sa sahig. Masyado kasing matalim.

"Did you know what happened last night?" Nag-echo sa pandinig niya ang sinabi nito.

Umayos ng upo si Dawn at niyakap ang sarili. "M-may nangyari sa atin? Sh*t! Kinuha mo ang v-card ko? Walang hiya ka! Sinamantala mo ang kainosentihan ko!" hystherical niyang sabi rito.

"Will you please shut up, Woman!" sigaw nito sa kaniya. Halata ang inis sa mukha. Tulad noong una, natameme na naman si Dawn. Bakit ba nakakatakot ang boses nito kapag ganoon ang tono? "You did an unforgivable mistake last night! Wala ka bang naaalala, ha?"

Kinabahan na naman si Dawn kaya uminom ulit siya ng tubig. "N-nakapatay ba ako? Sabihin mo, ilan? S-saang lugar at—"

"Shut up!" muli nitong sigaw.

Mahigpit naman niyang pinagdikit ang labi. Para makuntento ito sa pag-tahimik niya, kunwari pa ay nilagyan niya ng zipper ang bibig.

"You left everything here scattered all over the place. After I called someone to arrange it, you came home late at night... drunk and crazy! It's not proper behavior of a woman like you. You need to act as feminine, Ms. Dawn Indiana Silueta."

"If I acted this way, it's my problem not yours. Kung ayaw mo sa kilos ko, e 'di huwag mong pansinin," seryoso niyang sagot. Wala siyang magagawa kung ayaw nito sa kaniyang kilos. Hindi na niya problema 'yon. Ito naman ang may ayaw at hindi siya. Masaya siya kung ano ang ginagawa niya ngayon. Iyon na nga lang ang nagpapasaya sa kaniya pipigilan pa.

"It's my problem because you're my wife!"

Tumaas ang isang kilay ni Dawn sa katwiran nito. "For your information mister whoever you are, we're just married in papers. We're living together because of that contract. Hindi ko pa nga nakakausap ang aking ama sa kalokohan niya tapos wagas kang umako na asawa mo ako? No f*cking way!" mariin niyang katwiran dito. Tinapunan niya rin ito nang matalim na tingin. Kapag nakausap talaga niya ang kaniyang ama, lilinawin niya ang lahat. Hindi pwedeng ganoon na lang 'yon. Kapag sinabi nito susundin agad niya? Hindi pwede! Kailangan may matibay na dahilan, sapat na ebidensya at konkretong katwiran, para malinaw!

"You voluntarily signed the papers—"

"Anong volunteer ka riyan lalaki?" putol niya sa sinasabi nito. "Tinakot ako, 'no! Hindi ko nga alam kung sino 'yong kausap ko sa cellphone, kung tatay mo ba o ano. Kung hindi dahil sa mga babies ko, hindi naman ako pipirma roon!" pagtatama niya rito.

"Whether you like it or not, we'e married in papers. I don't like you as my wife either, but we need to cooperate for our freedom. Kaya kung ayaw mong mas lumala ang sitwasyon natin, makisama ka at huwag mong sirain ang pangalan ko sa pagiging rebelde mo!"

Uminit ang sumasakit na ulo ni Dawn sa sinabi nito. Mas lalo 'yong kumikirot at nagpanting ang kaniyang tainga.

"Rebelde?" pagak siyang natawa. "Rebelde ang tingin mo sa 'kin? Unang-una, hindi ko problema kung hindi mo gusto ang mga ginagawa ko. Tahimik ang buhay ko pero sinali niyo ako sa kalokohan niyo. Sinong mag-aadjust? Ako ba? No way, Mister! Bahala kayong problemahin ang problema niyo sa 'kin at wala akong pakialam doon! It's your problem not mine!" Inis at mahaba niyang litanya sabay tayo sa upuan at iniwan na ito sa kusina. Masakit na nga ang ulo niya, agang-aga pa magsermon ng lalaki. Dinaig pa ang tatay niya kung umasta.

Marrying Rebellious HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon