Hakbang 6

1.5K 50 120
                                    

Unknown Number:

If you're not comfortable, it's fine. You can just tell your Mom that you went with me to scroll the city.

Unknown Number:

This is Speed, by the way.

Bumuntong hininga ako nang mabasa ang message niya bago matulog. Umuwi na ang mga kaibigan ni Kuya kani-kanina lang. I didn't hang with them that much. Nag-stay lang ako sandali tapos umakyat na rin. Nalaman ko lang na aalis na sila kasi nagpaalam sila Francis sa akin.

Speed is already friends with them. First day at mukhang komportable na siya sakanila. Sigurado akong kasama na siya lagi kila Kuya.

He's friends with my brother, friends, and cousins. Ibig sabihin ba no'n... magkaibigan na kami?

Kung kaibigan niya ang mga mahahalagang tao sa paligid ko, gusto ko rin namang maging kaibigan siya. At baka pa mawala na 'yong hiya ko.

For us to be friends, I think roaming him around the city is the way for it to happen.

I took a deep breath and stared at my phone for a little while more. Sa huli, nagtipa ako ng ire-reply.

Ako:

Ayos lang. I will roam you around the city.

It didn't take him long to reply. Akala ko nga matatagalan kasi gabi na. Baka tulog na siya. I saved his number first before reading his text.

Speed:

Alright. As long as you're fine and comfortable with it.

Ako:

Okay. Kailan tayo lilibot?

Speed:

Your choice.

Ngumuso ako. Ang bilis niyang mag-reply...

I was about to reply back when I saw that Francis also texted me. Hindi ko muna ni-reply-an si Speed. Inuna ko si Francis.

Francis:

May dadaanan ako bukas sa mall bago pumasok. Want me to buy you a burger again?

Napangiti ako. Francis is really thoughtful.

Ako:

Okay. Bayaran na lang kita bukas. Thank you!

Francis:

It's on me. I'll also buy Hash. Cheeseburger din ba?

Ako:

Yup. Thank you, Francis!

Naaliw ako sa usapan namin na medyo napahaba pa. Saka ko lang naalala na kailangan ko nga palang mag-reply kay Speed noong nag-goodnight na si Francis. Humikab ako dahil inaantok na rin.

Ako:

Pwede sa Friday? After class.

My eyes are slowly closing. Makakatulog na nga sana ako nang nag-vibrate ang phone.

Speed:

Sure.

Tipid mag-reply. Buti pa si Francis hindi matipid!

Ngumuso ako at binaba ang phone. Plano ko sanang mag-reply ng goodnight pa kaya lang bumabagsak na ang mata ko sa antok. Kaya imbes na reply, binulong ko na lang 'yon.

"Goodnight. See you sa Friday. Sana hindi ako kabahan..." wala sa sarili kong sabi.

Then seconds after, I dozed off to sleep.

Kinabukasan 'yon ulit ang nasa isip ko kahit noong nasa school na. Ang alis naman this week na magkasama.

Gusto kong samahan si Speed at tulungan. Hindi lang ako mapakali at parang ayaw ko munang dumating ang Friday. I'm overthinking it.

Still Getting Over You (Still Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon