Siya si Diane. Isang 2nd year college student. Matalino, consistent top 1 student at isang scholar. Pinili niya ang Center Isle College, sa pag-iisip na hindi mangyayari ang pinagdaanan niya sa nakaraan niyang paaralan.
Sa tuwing pumupunta siya ng females comfort room, kung hindi timba ng mantika, maple syrup at chocolate syrup ang bumubungad sa kaniyang katawan, grupo ng mga babaeng 'high-class' ang gumagawa nito sa kaniya, tinawag silang 'high-class' dahil sila ay ang anak ng mga mayayamang tao sa kanilang siyudad. Sinasabunutan siya, sinasampal, sinusuntok, sinisikmuraan at iba pang bagay na makakapanakit sa kaniya. Minsan nang naitanong ni Diane sa mga ito kung bakit nila ito ginagawa.
'Oh. You're asking why we're doing this?' tanong ng tila leader nila, at ipinasok nito ang ulo ni Diane sa garbage bag na may laman pang mga basura. Aalisin sana ito ni Diane ngunit hinawakan ng mga alipores ng leader nila si Diane sa mga kamay nito. 'And this?' sabay apak sa hita ni Diane na basa ng maruming tubig galing sa basurahan.
'We're doing this BECAUSE we're BORED. Yes! Simple as that baby.' at umalis siya kasama ang mga alipores niya.
Umuuwi siya ng may napakaruming at napakabahong uniform, basa rin ang buhok nito maging hanggang sa talampakan, umiiyak ito at nakatulala.
'Oh ano na namang gulo ang pinasok mo Diane! Wala ka talagang kwenta! Puro na lang sakit sa ulo ang ibinigay mo!' hiyaw ng kaniyang ina sa harap niya pagka-uwi niya.
'A-ah.. kasi p-' Naluha na lamang si Diane dahil hindi siya pinatapos ng kaniyang ina sa pagsasalita at sinabi.
'Huwag ka ng magpalusot at gumawa ng kwento Diane! Malamang na lumandi ka sa lalaking may girlfriend kaya ganiyan kasabog ang buhok mo! Tinapunan ka ba ng babae ng basura kaya napakarumi at baho ng uniporme mo? Hah! Malandi ka kasi!' Hiyaw pa ng ina niya habang dinuduro ang noo niya.
Galit na galit si Diane pero nirerespeto niya pa rin ang kaniyang ina, kaya umakyat na lamang siya sa kaniyang kwarto at nagmukmok. Naka-yuko ito sa kaniyang mga tuhod at humagulgol ng tahimik.
Magmula ng ipanganak si Diane, hindi niya kailanman naramdaman na may magulang siya, close man sila ng kaniyang kuya pero bihira naman sila magkita at magkausap dahil sa trabaho nito. Isang araw, narinig ni Diane ang nanay niya habang ito'y lango sa alak.
'WALA KANG KWENTA DIANE! ANAK KA NG SUMIRA NG PAGKATAO KO AT ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG LALAKING MAHAL KO! BAKIT KAILANGAN MO PANG MABUHAY? KASALANAN MO ITO AT NG TATAY MONG RAPIST!!!' at umiiyak itong napaluhod sa sahig.
Dahil sa narinig na ito ni Diane, naintindihan niya ng lubos kung bakit ganoon na lang kung magalit ang nanay niya sa kaniya. Sa kabila ng pagkaintindi niya doon, nasa puso niya ang malubhang kalungkutan at galit sa mundo. Madalas niyang naitatanong sa sarili niya ang ; May halaga ba talaga ako?
Napatitig si Diane sa bintana at sa ulan sa labas.
'Kailan ba ako makakalaya?' bulong niya sa sarili.
Dumaan ang mga araw at paulit ulit ang mga nangyayari sa kaniyang araw. Kung hindi siya makakatanggap ng mga kung ano anong likido, pisikal na sakit naman. Bukod pa rito ang masasakit na salitang binibitawan nila sa kaniya. At kahit isang beses ay hindi siya pinakinggan ng kaniyang ina sa kaniyang mga paliwanag.
'Uhm love, I have a favor!'
'What is it Monica.' Monica, ng leader ng bumubully kay Diane.
'You know her?'
'Yes, what do you want me to do to her?'
Kumalabog ng malakas ang puso ni Diane sa kaniyang nakita at narinig. Hindi man niya nakita ang ipinakitang larawan ni Monica sa lalaki, alam niyang siya iyon. Lumapit siya sa principal's disciplinary office upang magsumbong at ipaliwanag ang nakita at narinig niya.
BINABASA MO ANG
When she was there
Cerita Pendek'When I was there, everyone hurt me.' 'And now that I wasn't there anymore, they finally care.'