Last

9 1 0
                                    

'Ma?'

'Susmaryuse- DIANE?' gulat na gulat ang nanay nito sa nakita. Namamaga ang muka ng anak, nakasuot ng sira nang mga butones ng uniporme, marumi na ito kasama ng shorts nito. Wala itong sapin sa paa at napakagulo ng buhok.

Mas nagulat ang nanay nito ng mahimatay na lang ito sa harapan niya.

'Daniel! Tulungan mo si Diane! Nahimatay!' tawag niya ang kuya ni Diane.

'Si Diane?'

'Si ate? Anong nangyari kay ate??' nag-aalang tanong ni Dave at Daniela, mga bunsong kapatid ni Diane.

'Hindi ko alam pero dalhin na lang natin siya sa hospital!' Binuhat na pala ni Daniel ang kapatid at isinakay sa tricycle nito. Kinandado ng nanay ang bahay at sumakay ang lahat.

Nagising si Diane dahil sa liwanag na bumabalot sa kwarto. Ang bumungad sa kaniya ay ang mga lalaking bumaboy sa pagkatao niya.

'Lumayo kayo sa akin! Tama na!' humagulgol ang dalaga habang takot na takot na niyakap ang sarili.

'Tahan na Diane, si kuya ito. Shhh' inalo ni Daniel ang kapatid at sinubukan itong yakapin pero tinulak ng kapatid ang braso nito palayo.

'A-aoko na..a p-po' nanginginig ang boses nito at bakas na bakas ang takot sa hitsura at boses nito.

'Si kuya Daniel ito Diane.. kumalma ka, ligtas ka na sa kung ano mang nangyari.' sinusubukan niyang aluhin ang kapatid.

'Kuya Daniel?' Tinitigan siya nito. At yinakap siya nito ng mahigipit habang nanginginig ang mga braso.

'Kuya tulungan mo ako' hagulgol nga babae.

'Anong nangyari? Sino ang gumanito sa iyo?' nag-aalala ang kuya niya at nanggigilaiti pa nga.

'Sila... Inutusan sila... Si Monica kuya' at mas naiyak ang dalaga. Hirap na hirap siya habang nagsasalita.

Nagtago ang mga lalaki at hindi na natagpuan. Ang huling balita nila ay lumipad daw papunta ng ibang bansa ang bawat isa sa kanila. Galit na galit ang kuya ni Diane pero wala itong magawa.

Sa araw ding iyon, hindi na nila pinapasok sa paaralang iyon si Diane. Lumipat ito at magmula rin noon, hinahatid sundo na rin siya ng kaniyang kuya. Nanghingi ng malalim na patawad ang nanay niya at ginawa na ang makakaya nito upang maging mabuting ina kay Diane. Hindi na nito binalewala ang salita ng anak at tinatanong niya ito tungkol sa araw araw na nangyayari sa kaniyang buhay.

'Mama... Mahal kita..' naluha ang nanay dahil sa sinabi ni Diane. Simula nangyari ang trahedyang iyon, naging lutang na si Diane. Matalino pa rin ito pero naging mapag-isa at ayaw sa tao.

Niyakap niya ang anak. 'Patawarin mo sa mama anak ha, patawarin mo ako. Mahal na mahal din kita anak. Pakatatag ka.'

Makalipas ang halos isang buwan, nalaman nila na buntis ang dalaga. Ng malaman ito ni Diane ay lumala ang kalagayan nito. Nagsimula na niyang saktan ang sarili niya, at ng isang beses na maiwan siya sa bahay, sinaksak nito ang sarili nitong tiyan. Nakita siya ng mga bunso niyang kapatid kaya natawagan nila ang kuya at nanay nila, nakaligtas si Diane mula sa saksak na ginawa niya sa sarili niya.

Sa ika-limang buwan ng kaniyang pagbubuntis, lumalaki na ang tiyan niya, at mas nagpursigi ito na maalis ang batang nasa sinapupunan niya.

'Diane... Bakit?'

Tanong ni Daniel sa kapatid. Nakahiga ito, natutulog.

'Bakit mo iniwan ang kuya?'

'Patawarin mo ako at wala ako palagi sa tabi mo. Alam kong naiintindihan mong kailangan kong matrabaho pero patawarin mo pa rin ako, Diane. Sa panahong hindi ka pinaniniwalaan ni mama. Sa panahong naghihirap ka na pala. Patawarin mo si Kuya, Diane.' pagmamakaawa ni Daniel, sa harap ng natutulog na si Diane.

Humahagulgol din ang mga bunsong kapatid nila. At halos mahimatay na ang ina nila na kakaiyak.

Dumating ang mga kaklase ni Diane, mga guro at mga kapitbahay na gustong makiramay. Hindi alam ng magulang at pamilya ni Diane na binubully siya sa school. Walang nakaka-alam nito bukod kay Diane.

Dahan dahan ng ibinaba ang pinaghihimlayan ng dalaga. Pumalahaw ng sigaw ang nanay nito at nagwala ang kuya. Masakit ito para sa kaniya dahil mas close siya rito kaysa sa nanay nila.

'Diane!! 'wag mong iwanan ang kuya!!!' at tuluyan ng tinabunan ng lupa ang kabaong nito.

-

Nakatitig siya sa mga tao.

'When I was there, I only felt miserable. I didn't have friends. My family wasn't with me through my darkest days. I'm all alone.'

'When I was there, I always beg for someone. For someone to be with me through ups and downs.'

'When I was there, everyone hurt me.'

'And now that I wasn't there anymore, they finally care.'

Niyakap niya ang kuya, nanay ang mga kapatid niya. Hindi nila siya nakikita.

'Mahal ko kayo, patawarin niyo sana ako sa nagawa ko. Pero pagod na po ako.'

'Hindi ko man nakuha ang hustisyang nararapat sa akin. Masaya na ako na hindi na ako mahihirapan pa.'

At naglaho siya kasama ng liwanag.

The end.

When she was thereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon