Chapter 4

2.7K 139 12
                                    







Hazelle

"When this theory of physics, the average..."

Bored akong nakahalumbaba sa arm chair habang nakikinig sa boring naming klase. Ang daming sinasabi ng professor namin wala naman pumapasok sa utak ko.

"Pst... Haze."

"Pssst. Haze!" Inis akong bumaling sa taong kanina pa tumatawag sa pangalan ko.

"Ano?!" I whispered yelled. Baka marinig kami ng professor, masungit pa naman 'to.

"Invited pala tayo nila Mark sa party mamaya. Sa bagong bukas na club ng Tito niya." Sabi ni Henry, ang makulit na pinsan ni Gwen.

"Ayan lang pala, edi dapat tinext mo nalang." Pagtataray ko. Napakamot naman ito sa ulo.

"Ms. Montefalco and Mr. Mason, do you mind sharing kung ano 'yung pinag-uusapan niyo in the class?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh.

"Henry just asked me the formula in order to answer that equation, Ma'am." I answered confidently.

"Oh really? What's the formula then, Mr. Mason?" Pinanlakihan naman ako ng mata ni Henry, sumesenyas na tulungan ko siya.

"Tanga hindi ko rin alam 'yung sagot. Bahala ka d'yan." Bulong ko.

"Uh..."

"It seems like the two of you are not paying attention to my class. Might as well stand outside the classroom hanggang sa malaman niyong dalawa ang formula. Pumasok nalang ulit kayo kapag alam niyo na ang sagot. Understand?" Nanlulumo kaming napatango ni Henry. Lumabas kami ng classroom at naghintay sa labas.

"Ikaw kasi, eh! Kung hindi mo 'ko tinawag edi sana hindi tayo pinalabas!" Sinisi ko si Henry.

"Sorry na, tsong. Excited lang naman ako sabihin sa 'yo, eh." Pagdadahilan nito.

"Letse! Ilibre mo 'ko mamaya ha?"

"Oo na. Grabe, ubos lagi pera ko sa inyo nila pinsan." Natawa naman ako. Lagi kasi siyang nanlilibre sa tuwing magkakasama kami. Panigurado ay makikisali sila Gwen mamaya.

Nag-uusap kaming dalawa ni Henry nang mapadako ang tingin ko sa professor na hindi mawala-wala sa isipan ko kanina pa. Papunta ito sa direksyon namin ni Henry kaya nakaramdam naman ako ng kaba. Nang makalapit, hindi naman nabigo ang mga mata ko dahil nasilayan ko na naman ang maganda nitong mukha. Ibang-iba ang itsura nito sa nangyari kahapon. Nawala na ang bahid ng takot sa maganda niyang mukha.

"Good morning, Ms. D'aureville." Bati ni Henry.

Hindi siya pinansin ni Ma'am kaya napahiya siya. Sungit talaga ni Kamahalan kahit kailan.

With a poker face, she asks, "Why are you two outside? Aren't you supposed to be in class?"

"Pinalabas kami, Ma'am." Sagot ni Henry.

Tinaasan naman ako nito ng kilay. Luh? Ba't ako?

"Why?" She asked me instead.

"H-Hindi po namin alam sagot, Ma'am." Nauutal kong sagot. Freaking nuts! Why am I stuttering? Si Kamahalan lang 'yan, oh!

"What's the question?"

"Hindi nga rin namin alam, Ma'am, eh." Napakamot na sagot ni Henry. Narinig naman namin itong bumuntong hininga.

"Stay here." Sinundan namin siya ng tingin ni Henry. Kumatok naman ito sa classroom.

"M-Ms. D'aureville. Kayo pala." Nagulat naman si Mrs. Rosales. Naguluhan naman ako. Bakit mukhang takot siya kay Ma'am? Well, hindi ko naman siya masisi, nakakatakot talaga si Kamahalan. Naiisip ko tuloy kung paano siya magalit.

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon