Chapter Ten
"What are you doing here Simon?" Kunot ang noong tanong ko sa personal body guard ni Daddy.
It's just so unusual to see him in my school today. Ni minsan hindi niya ako sinundo kasi hindi niya naman trabaho iyon kaya talagang nagtataka ako ngayong nandito siya sa harapan ko.
I was even excused from my class na isa pang ipinagtaka ko. Did something happen?
"Get in Miss Vane."
Iminwestra niya ang nakabukas na pinto ng kotse sa akin. Kating kati na akong tanungin siya kung may nangyari ba pero minabuti kong itikom ang bibig ko. Sa kotse ko na siya gigisahin.
"Nasa parking lot ang kotse ko." I said when I remembered that I brought my car earlier.
"Ipapakuha nalang po iyon Miss Vane." Pormal niyang sagot.
"Now tell me, did something happen? Why are you here? Nasaan si Daddy? Wala namang nangyari sa kaniya diba?" Sunod sunod na tanong ko pero wala siyang sinagot ni isa man lang. "Damn it! Answer me Simon! May nangyari ba?!"
"We're here Miss Vane."
Kusang nanghina ang pakiramdam ko nang masilip ko mula sa loob ng sasakyan ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Simon. No way!
He opened the car's door for me and I hurriedly got out. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko pero pilit ko itong nilalabanan. My hands balled into fist as I gritted my teeth.
"Lead the way."
Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong naglalakad kasunod si Simon. Parang gustong sumabog ng puso ko sa kaba.
I felt my knees tremble when Simon haulted. Nakaharap siya sa isang pinto saka hinawakan ang knob nito. Pinihit niya iyon pabukas at saka ako sinabihang pumasok.
With my heavy footsteps, I managed to walk inside. Parang gumuho ang mundo ko sa taong nasilayan kong nakahiga sa kama ng ospital. Maraming nakakabit na aparato sa kaniya at alam kong mahirap iyon. My eyes watered which eventually rolled down as tears.
"Dad..."
Tumakbo ako papunta sa kinahihigaan ng ama ko at hindi ko napigilan ang mapahagulgol. Anong nangyari sa daddy ko?
I was crying my eyes out when a pair of strong arms enveloped me. He hushed me but my tears just kept on flowing. My heart's breaking apart with the sight of my father.
"Naoperahan na ang Daddy mo, natanggal na ang mga bubog ng sirang sasakyan na bumaon sa katawan niya. Sa ngayon, he's resting. Hindi rin madali ang pinagdaanan niya kaya his body is still on shock." Hinimas niya ang likod ko habang patuloy na nagsasalita. "He'll wake up Rith, he will."
My dad went on a convention and on his way home, he met an accident. A ten wheeler truck crashed on his car. Hindi niya kasamang umuwi si Simon noong time na iyon dahil inutusan niya pala itong sunduin si Mommy para sana i-surprise date ito, but unluckily, this happened.
Tinitigan ko ulit si Daddy saka mapait na ngumiti. "Inilagan mo sana iyon, truck lang iyon eh, si superman ka. May tatalo ba naman sayo?" Nanginginig ang boses ko and moments later, I found myself crying again.
Sa isang gilid naman sa loob ng silid ay nakaupo si Mommy habang pilit pinapakalma ni Kuya Reeve. Umiiyak si Mom habang tulala si Kuya. We're all miserable.
"I'm sorry for this Miss Vane, I should have secured him--"
I cut him off. "Wala kang kasalanan Simon, aksidente ang nangyari."
YOU ARE READING
Romance in Shambles
RomanceAs a doctor, Harith faces her most significant adversaries in the form of time and rest, but beyond that, she thought her life was quite ordinary. She admires her brother, shares a strong bond of love with her father, and receives caring support fro...