Kabanata 2

31 2 0
                                    

Kabanata 2

I looked up and smiled. Bagong araw na naman.

Isang linggo na din simula nong sagutan namin ni Auntie Melanie. Naging normal naman kami. Ayoko lang talaga na pag-usapan ang mga bagay na masakit tanggapin.

Papunta akong National Book Store ngayon para bumili nang mga gagamitin ko sa pasokan. Dadaan din ako mamaya sa palengke para kunin yung inorder ni Auntie na pork.

"Miss excuse me." tawag ko sa sales lady. "Saan banda iyong mga yellow pad?"tanong ko.

Mabilis niya namang itinuro sa'kin.

I choose black ballpen then i also bought highlighters. Naglibot libot pa ako at bumili na din ako ng mga favorite romance books na nakita ko. Madami din akong nakita na mga brand ng bag tinitignan ko lang, nakabili na kasi ako nong summer.

Hindi na ako nagtagal sa mall.

Pumara ako ng tricycle.
"Kuya sa palengke po." saad ko.

Habang umaandar ang tricycle ay kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko para sana tignan yung notification ko sa facebook pati na din mga messages.

Bigla promeno si manong driver at dahil hindi ako aware. Sumubsob ako buti nalang at kaagad kong naharang ang braso ko para hindi mauntog kong saan ang ulo ko.

Napaigik ako ng kumirot ang braso ko.

"Aray.." inda ko.

Tinignan ko. Nakita kong may sugat. Ginalaw ko ang braso ko at talagang mahapdi kaya napapaaray ako. Pinakiramdaman ko kong may bali ba ako. Mukang wala naman, siguro'y nasagi lang ng bakal ang braso ko kaya nasugatan.

"Okay ka lang ba ineng?" kagaad na saad ni manong driver.

"Okay lang po ako,manong. Kayo po?" tinignan ko ito at mukang wala namang natamo na malala maliban sa gasgas niya sa may siko. "Anong nangyari manong?" Tanong ko.

Napunta sa harapan ang tingin ko at nakita ko ang batang umiiyak na may dalang maliit na pack bag na kulay pink sa likod niya. Anyare ba? hala! baka napano siya.

Mabilis akong bumaba ng tricycle para puntahan ang bata at tignan kong okay lang ba siya.

"Tumawid kasi siya buti nakapagpreno ako kaagad." saad nito manong.

Hinawakan ko siya sa braso.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Saan ka tumama?" agad na tanong ko.

Kabado ako, baka kong anong mangyare sa batang 'to. Yare ako kapag pinulot nalang ako ni Auntie Melanie sa presinto.

"Uwahhhh!" Pumalyahaw ito sa iyak kaya lalo akong nataranta.

"Hala! hoy..stop crying na, wala pa naman akong candy dito." taranta kong pagpapatahan.

Binuhat ko siya at tinapiktapik ang likod para patahanin. Jusko po! ayaw ko pa pong makulong dahil sa pagpapaiyak ng bata.

Imbis na pumunta akong palengke ay dumiretso nalang kami sa Hospital para mapatignan kong may malala bang natamo ang bata. Buti nalang at dala ko ang pera ko.

Iyak lang kasi ng iyak ang bata, ayaw din magsalita. I also told the doctor what happened.

"Doc, okay lang po ba siya?" agaran kong tanong sa babaeng doktor.

Humarap ito sa'akin at ngumiti.

"Okay lang naman siya hija. She just need some rest dahil mukang napagod ito kakaiyak sa takot." tinignan nito muli ang batang natutulog. "And there are no serious complications."

TahananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon