Kabanata 6
"Get 1/4 sheet of paper, we will have a quiz." Bungad agad ng Science teacher namin.
Wala nga siya kahapon, quiz agad ngayon. Tsk!
"Ano ba yan di ako nakapag review.." reklamo ng mga kaklase ko.
Lutang na lutang ako... 'yong utak ko naiwan ata sa hospital.
Tatlong araw na din simula noong pumasok ako pero wala pa'din nagbago ang kukupal pa'din nang mga ugali ng ibang estudyante.
Kong ako papipiliin.. di na ako babalik pero..charot joke lang syempre! May choice ba ako? Baka gilitan ako ni Auntie kapag di ako nakapagtapos.
Naisip ko ngang mag working na din para hindi ko na magalaw 'yong pera ni Auntie. Pandagdag na din 'yon sa pambayad sa hospital bills, ayoko naman na makulang at magipit kami kapag nagising na si Auntie.
"Pass your papers to the front." Napabalik ako sa wisyo.
Sheyt na malagkit! Wala akong nasagot kahit isa!
"Hoy tanga yang bunganga mo paki close please tyaka ito oh ako na nagsagot sayo shh ka lang. Di ka naman halatang lutang gaga!" bulong ni Edmond na nasa likuran ko lang.
Napakamot ako ng ulo. Ayan kasi Hope ang lutang mo!
"Salamat." ngisi ko.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Treat mo nalang ako mamaya sa Canteen."
I rolled my eyes then nodded.
Pagkatapos ng apat na oras na klase ay agad nagsilabasan ang mga estudyante para mag Lunch sa Canteen. Hinila naman ako ni Edmond, atat na atat na 'tong baklang 'to baka daw kasi mataas ang pila, kanina pa daw siya nagutom.
Tanga kasi nag di-diet tapos di pala kaya.
"Teh! mag o-order na ako ah! Libre mo."
Inabotan ko siya ng five hundred.
"Sige, orderan mo na'din ako ng chapsoy tyaka chicken and rice." sagot ko.
"Hanap ka nalang ng table natin teh."
Tumango lang ako. Agad naman akong nakahanap ng pwesto namin. Habang iniintay ko si Edmond ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag.
I opened the Facebook app bago ko inopen ang dummy account ko. Nakita ko doon ang mga post ng iba't ibang mga ka-klase at school mates ko. Naka private ang real account ko, ayokong madamay ang pangalan ko sa gulo ng socmed.
Napataas ang kilay ko ng makita ko ang bagong chismis ng school namin, may student and teacher affair daw na nagaganap. Someone posted a clues maya 'yong iba tudo kanya kanyang theory na.
For me, I don't tolerate teacher and student affairs pero hindi naman ibig sabihin non na may karapatan na ang ibang husgahan at laitin sila. What if they really love each other... sadyang sa maling oras lang.
Mali naman atang gawin silang katuwaan sa kahit anong aspekto. Hindi naman mali ang magmahal. Mga toxic nga naman, mga may ubo sa utak.
"Teh here na!" sigaw ni Edmond.
Agad ko namang kinuha ang order ko bago ko inilapag sa table.
"Oh sukli mo kunin mo na baka ibulsa ko." Tumawa ang loko bago inabot sa'akin ang sukli.
Nagsimula na akong kumain habang ang isang kamay ay palihim na ng sc-scroll sa facebook.
"Nabalitaan mo 'yong chismis, Edmond?" I asked.
"Alin?"
"Iyong teacher and student affair daw? Nabalitaan mo?"
Hindi niya ako sinagot.
BINABASA MO ANG
Tahanan
RomanceHope & Carlos •The cover is not mine, credits to the right owner. ©2022