Kabanata 3

21 1 0
                                    

Kabanata 3

"I'm sorry, Miss." He said casually.

Umiling ako. "Ayos lang--"

"Please be careful next time. Tumingin ka sa dinadaanan mo." Pagputol nito sa sasabihin ko. "Kong bawal ba o pwedeng daanan."

Tumalikod na ito para kausapin ang coach nito at iniwan siyang nakamaang.

Ang..yabang! Waw ha! Kasalanan ko pa talaga! Siya na nga 'tong nakasakit, siya pa parang dehado! Kapal.

"Tarantado." matigas na mahina 'kong saad.

Tumayo ako at pinagpagan ang PE pants ko bago badtrip na naglakad ako papunta sa team ko. Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa'kin. Bwesit na lalaking yon! Dagdag sa sama ng loob ngayong araw.

Mabilis lang ang briefing ni coach bago isa-isang nagpakilala ang mga members.

"Hope Santiago, Grade 10." I simply said.

We practice and memorize our positions before leaving the social hall for a break. Pumunta ako sa canteen para kumuha ng malamig na tubig. Hanggang ngayon badtrip pa din ako. Grabe! Wala na bang matinong lalaki sa mundo? Yung hindi tarantado. Bwesit mga lason sa lipunan.

Nakapila ako para kumuha ng tubig ng biglang may nag-abot sa'kin nang mineral bottle na silyado pa. Nang inangat ko ang tingin ko sa nagbigay ay sumama ang muka ko.

Ano na namang ginagawa nang lalaking to?

"Peace offering." He casually said before he turned away from me.

A-ano daw?

Napatitig ako sa mineral bottle na binigay nito. May nakalagay na sticky note sa likod ng bottle. Napakunot ang noo ko. Ano to?

'I'm sorry for being rude earlier :)'
-cjr

Marunong pala yon mag sorry?

Gulat pa din ako. Hindi na ako pumila pa ulit para kumuha ng tubig. Ito nalang iinomin ko. Tubig din naman to noh. Lumabas na ako ng canteen bago mapagpasyahang pumunta sa rooftop para magpahangin.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla akong may narinig na mga boses.

"Carlos, I love you!" sigaw nang boses ng babae.

Eh? Anong meron? Akmang aalis na sana ako ng madinig ko ang boses na iyon.

"I don't love you, Ela. I don't even like you." kalmado nitong saad.

"Maganda naman ako. Bakit ayaw mo ba sa'kin?" sigaw ng Ela. "Ginawa ko naman lahat! Bakit hindi padin!"

Sumilip. Nakita ko si antipatiko na may kausap na babae. Umiiyak ito.

Carlos? Carlos pala ang pangalan nong antipatikong 'yon. Tignan mo nga oh nagpapaiyak pa ng babae. Gago talaga.

"Don't force yourself on someone who doesn't like or even love you back." He said.

Aray sakit non ah.

"W-why? I'm not enough? I'm i not deserving on your love?" disperado nitong saad.

"Never." he simply said.

Nadinig kong may palabas kaya mabilis akong nagtago sa gilid para hindi makita. Lumabas yung Ela. Grabe naman 'yong Carlos na yon. Tarantado talaga pati sa babae ang harsh.

"Done eavesdropping?"

Napatalon ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.

"Ay pakyu!" sigaw ko.

Paglingon ko ay nakita ko si Carlos na mukang tuwang tuwa sa reaksyon ko basi sa pagtaas ng gilid ng labi nito.

"Ang lutong." He chuckled.

TahananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon