Dalawang araw nalang at hindi na ako mamumulubi sa kakatrabaho. I mean, malapit ng matapos ang semester namin. Pahinga muna na naman kami at sa susunod na semester ay nasa skwelahan na kami. Marami ang nadismaya sa mga naging katrabaho namin dito sa opisina na aalis na kami.
At isa do'n si Hiro. Palagi siyang nagpapansin sakin kahit minsan ay naiinis na ako. Sa palagay ko ay nanliligaw siya sakin. Minsan na niya akong niyaya na manuod ng sine. Isang beses lang akong sumama. Pagkatapos nun ay hindi na ako ulit umulit.
Hindi sa sinusunod ko siya. Pero hindi naman ako nagiging bastos sa kanya dahil kawawa naman yung tao. Pero lininaw ko talaga sa kanya kahit noon pa na hindi pa ako handa na magkaroon ng boyfriend. Ayokong paasahin siya pero hindi daw siya susuko. Napepressure tuloy ako sa kanya.
Pagkatapos ko sa trabaho ay umuwi agad ako para magpahinga. Sumunod na araw ay ganun din. Busy din ako hanggang sa huling araw namin. Nakakaiyak pero hindi ako pwedeng umiyak dahil nahihiya ako.
Sa huling araw namin ay may ginawang send-off party ang buong kompanya para sa lahat na mga intern. Sa second floor ginanap ang party. Simpleng dinner lang yun at lahat kaming intern ay nandun. Yung ibang department at yung sales department ay nagyaya na mag-inuman sa club. Okay lang naman na hindi pumunta. Pero yung iba kong kaklase ay pupunta para makasama yung mga emplayado. Iba din kasi yung bond namin sa mga emplayado ng PS Inc.
Tapos na akong kumain nang tumayo ako para pumunta sa banyo. Napatingin si Hiro sakin. Binaba niya ang bread knife at tinanong kung saan ako pupunta. Nakahawak ang kamay niya sakin. Nawala ng kunti ang magaan kong pakiramdam.
"Bakit?" Nagtataka ko siyang tinignan.
"Uuwi ka na ba pagkatapos dito?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Hindi na ako sasama sa inyo. Pagod na rin ako." Sambit ko.
Tumango din siya. "Sige. Hatid na kita."
Bumalik sa upuan ko at mabilis siyang tinanggihan. "Pero Hiro. Baka maabala pa kita. Diba sasama ka rin sa kanila?"
"Hindi na ako siguro pupunta pa do'n. Gaya mo pagod din ako. Wala ako sa mood na uminom ngayon. Pero ihahatid na kita para makapampanti ako na makauwi ka ng ligtas."
"Nakakauwi naman ako na ligtas." Mabilis kong sagot.
Napatawa siya pero halatang hindi nadismaya siya sa sagot ko.
"Gusto ko lang na maging okay ka. Ang dami pa namang tao ang gusto diyang mamantala. Ayoko lang na maging biktima ka. May motor ako, huwag ka naring mag-abala pa sa pasahe dahil libre lang yun."
Natigil ako saglit. Buti at walang may nakarinig sa sinabi niya, busy yung iba sa pagkain at sa kwentuhan. Yung kaibigan ni Hiro na si Cole ay may kausap kaya hindi kami masyadong napapansin.
Pero sa isang sulok ay nakita ko yung isang tao na hindi naman mahilig makipaghalubelo sa mga emplayado. Halatang napilit lang siya ni miss Kesha na bumaba dito para makipag-kamay sa mga intern. Kinamayan niya ako kanina nang matapos yung speech niya. Impromptu lang naman yun pero may laman yung speech niya at relate naman kami sa sinabi niya na dapat magsipag sa trabaho para hindi masyadong maghirap.
Dahan-dahan kong nilipat ang tingin ko sa kanya. Surprisingly, nakatingin din siya sakin. Ang seryoso ng kanyang itsura. Hindi ko makuha kung anong klaseng tingin ba yun dahil halo-halo lang. Ang seryoso, misteryoso, masama, at iba pa. Kinakausap siya ni miss Kesha pero parang hindi siya nakikinig, o hindi lang ako sigurado kung nakikinig siya pero... hindi ko siya maintindihan. Kung saan-saan siya nakatingin. Tinanggal ko na ang tingin sa kanya.
Napapayag din ako ni Hiro sa ilang minutong pakikiusap niya sakin na ihatid niya ako sa apartment. Nagpaalam muna ako sa kanya na sa banyo muna ako.
Naghugas ako ng kamay pagkatapos ko sa cubicle. Inayos ko ang buhok ko na nalaglag sa gilid ng aking mukha. Pati yung laman ng bag ko ay inayos ko din dahil nagkakalat ang mga laman nito sa loob ng bag. Bago ako lumabas ng tuluyan ay sinigurado ko na maayos na nakalagay sa loob ng bag ko ang mga gamit ko. Pinihit ko ang seradura ng pinto, paglabas ko ay napasinghap ako sa gulat nang maabutan ko si Phoebian na nakaharap sa pinto ng women's comfort room.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...