03 | Photographs

10 0 0
                                    

Standing before my full body-length mirror, I made sure to adjust my necktie properly pagkatapos kong suotin ang red vest namin. I took notice na parang maikli na ata yung skirt ng school uniform ko sa akin which made me celebrate cause its evidence na tumatangkad ako!

"Lux, ang tagal mo naman. Kuya Ben has been waiting for us kanina pa", sigaw ko sa kanya habang sinusuklay ko buhok ko. "First day back natin sa Beda after Christmas break, magpapaka-late ka pa talaga"

Pinangikutan ko siya ng mata after niya lumabas ng kwarto na hindi pa nga suot ang vest niya tas yung first two buttons ng blouse niya nakabukas pa.

"Mainit kaya! Sa classroom ko na susuotin yung akin", excuse niya habang nagmamadali mag-ayos sa salamin. "Pansin mo ba foot socks ko? Kanina ko pa hinahanap eh!"

I sighed habang nagsusuot na ako ng shoes ko, "Different pair na lang suotin mo. Wala namang makakapansin na iba yung kulay niya sa ilalim"

Just like that, we raced each other palabas ng unit dahil 15 minutes na lang natitira naming oras. Buti naabutan namin yung elevator bago siya mag-close pero laking gulat namin because a familiar face was riding with us.

"Hi Jino!", bati sa kanya ni Lux pero hindi siya pinansin dahil nagbabasa siya ng libro. Na-awkward ako sa kanilang dalawa.

Pero hindi pa rin tumigil si Lux sa pangungulit.

"So ano yang binabasa mo? Uy! Paborito ko yang Hamilton. Napanood mo ba yung musical?", she asked habang tinatabihan siya.

"Not yet", matipid na sagot ni Jino habang nakatingin pa rin sa libro niya. Hindi man lang lumingon sa akin.

"Ah ganun ba?", nginitian siya ng Lux. "Gusto mo samahan kita manood? G naman ako kahit kelan para sa'yo"

Hindi siya pinansin.

Soon enough, bumalik si Lux sa side ko pero I keep noticing her still glancing at Jino so siniko ko nga siya kasi masyado siyang pa-halata. Ako yung nahihiya para sa kanya eh.

"Bye Jino!", sigaw ni Lux nang bumukas yung elevator before dragging me out with her. I winced a little, recalling na hindi pa masyadong nahilom yung bruise ko from the other day. I haven't even told Lux about it yet.

Sumakay na kami sa kotse with a few minutes to spare pa so Lux and I hung out with other people while waiting for the Monday assembly to start. Most of them are pretty much Lux's and Gabriella's friends, nakikisama lang talaga ako although I really feel out of place.

Kamusta na kaya sina Sophie and Koby sa schools nila?

"Asan na si Gabriella?", tanong ni Christine na vice mayor ng class namin kasi nagsisimula na pumila lahat ng tao.

"Nako ayan na ata. Sige doon na ako sa HUMSS. Bye guys!", paalam ni Lux sa amin bago umalis papuntang strand niya.

Napakagat na lang ako sa labi ko nang mapansin ko na kahit pala tumangkad ako ng konti, some things just dont change...

"Eliza, masyado kang maliit. Doon ka dapat sa may harap ng pila", sita ni Christine sa akin. Damn it! I was already hiding at the back of the class, nakita pa niya ako.

So ayun pumila ako sa harap and waited for the assembly to finish. Ang init so everyone was basically yearning to get to our classes already. However, nung natapos na nga siya, may biglang lumapit sa akin na babae from a different section.

"Ipinapaabot po", she said before handing me the letter on her hand. Binasa ko kung galing kanino yun at agad kong ibinalik sa kanya.

"Tell Lance I don't care about his stupid letter", pagtataray ko. "Kahit ano pang gusto niyang sabihin, wala akong pake"

The Lioness of The SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon