"Oh my gosh Eliza who is that guy ba dun sa IG story mo nung Monday? In fairness ha, he is cute!""Oo nga! I don't think I've seen him before, so baka taga-ibang school?"
Another day, another opportunity para sa mga kaklase ko na pagchikahan ako. I hardly spared them a glance before replying, "Basta, a friend lang"
Pero of course, hindi pa rin sila tumigil.
"Weh, friend lang ba talaga? Baka nga kinikilig ka na diyan eh!", sabi ng isa kong kaklase na si Tricia. Agad akong napalingon sa kanya with confusion on my face
I sighed. Bakit ba hilig nilang bigyan ako ng special attention? Kung iba lang apelyido ko, for sure I would've been just your ordinary, invisible, barely-passing student.
"Pero real talk nga, sino ba yun? Pwede ipakilala mo kami?", insist naman ng isa ko pang kaklase.
"Hindi naman kami close kaya pwede ba, balik na lang kayo sa mga upuan niyo?", inis kong sinabi sa kanila.
Thursday came and ayaw pa nilang bitawan yung pinost kong story nung gumala kami. I've been hearing people making speculations about it and before I knew it, kalat na yung usapan sa buong ABM because of how it started a whirlwind of rumors surrounding my supposed 'break up' with Lance.
Kung alam lang nila na halos isang linggo ko na rin hindi nakakausap si kuya Ced dahil sa biglang mood swing niya nung time na yun.
Besides, its not like I'm the type, nor do I have the reason, para kausapin siya.
"Pero the guy looks familiar talaga. Saan mo ba siya nakilala?", Tricia asked. Laging gusto na una siya sa mga gossip habang pinapaligiran naman ako ng mga friends niya na tanong rin ng tanong.
Hindi ko sila pinansin because to my suprise, biglang nag-notif yung IG ko, making my phone illuminate and my eyes widen nung nakita ko yung pangalan na nag-flash sa screen. Agad kong tinakpan yung phone ko mula sa mata ng mga Marites na nakapaligid sa akin.
"Hoy ano yan? Kababae niyong tao bakit may kumpulan kayo diyan!", biglang may sumigaw at napatingin kaming lahat kay Choi na kakapasok lang ng classroom.
Agad nagsi-alisan yung mga kaklase namin sa paligid ko dahil sa takot sa kanya. Sa likod ko kasi siya usually nakaupo at masyado silang nakaharang sa paligid.
"Thanks", I muttered and he shrugs at me before loudly dropping his bag sa may floor but I was too busy opening my phone to comment on it.
Binuksan ko yung IG ko and I read the message na kakasend lang sa akin.
Cedrick: Dala mo ba panyo ko?
Kumunot noo ko.
Eliza: Hindi, bakit?
It took him a bit pero nagreply ulit siya.
Cedrick: Nasa Gate 6 ako.
Nagulat ako. Gate 6? As in, Gate 6 ng school ko? What the hell is he doing here?
"Naks naman, ito ba yung manliligaw mo raw?", napalingon ako para makita na binabasa pala ni Choi yung messages namin by looking over my shoulder.
I pushed his face away at tinignan ko siya ng masama, "Chismoso ka rin no? You have nothing to do with your life kasi"
Tinawanan niya ako bago magkibit-balikat, "Di naman, mas entertaining lang kasi yung sa'yo"
Hindi ko na lang siya pinansin at bumaba ako ng building namin papuntang Gate 6. Maraming SHS students ang kakarating lang para pumasok sa school. Some of them even greeted me when I passed them and binati ko naman din sila but I was completely distracted trying to look for someone.
BINABASA MO ANG
The Lioness of The South
RomanceAfter finding out that her long-time sweetheart is getting engaged to someone else, Eliza Marie Andrada finds herself losing hope of ever falling in love again. With her own arranged marriage getting planned, the maldita heiress gets caught up betwe...