Paano ba Mag Move on? Yan ang Tanong ng Karamihan . Kung tutuusin Mahirap talaga mag move on para sa mga taong Niloko at Naiwan sa Ere .
Sabi nga nila Love Hurts Sabi ko naman yung masakit ay yung Maloko , Mauto , Ma Timer , at Maiwan sa Ere . Yung ang masakit hindi LOVE . "Walng Forever" Linya ngayon ng mga bitter . Meron naman talagang forever nakadepende lang yung sa taong mamahalin mo at sayo.
Paano ba mag move on? Simple Lang Lumayo ka sa mga bagay o Tao na Involved sa kanya , Tigil tigilan mo na pag Stalk sa FB Niya! At Paano ka makakamove on kung lagi mong pinapatugtog ang Theme song niyo ? Ate/Kuya Magmove on na kayo baka kasi yung mga kapartner niyo nakamove on na at ayun masayang masaya kasama ng bago niyang iniibig . Wag mo isiping katapusan na ng mundo dahil nawala ang ginawa mong mundo . Marami pang iba dyan . Oo mahal mo siya Ang tanong Mahal ka ba ? Yun ang itanong niyo sa sarili niyo . Magising kayo sa katotohanan . Kalimutan niyo lahat . Oo nga nandun na ako Mahirap kalimutan yung mga times na Masaya kayo at Naglalambingan to the Highest Level . Eh ano naman ngayon? Pwede pa naman tayo gumawa ng Masasaya at Bagong Memories kasama ang ibang tao. Sabi nga nila " People change, feelings fade, things go wrong, memories remain but life goes on . " Nakakatuwang isipin na pati ang mga Grade schooler ngayon ay Umiibig na hays at namulat agad sila sa salitang *FOREVER* . After ng Break up niyo , Act Better ;) Like Hello? Ano gagawin mo ? Mag papaawa effect at papabayaan ang sarili mo? Magpapaka losyang ka ganon? MALING MALI . Mag Ayos ka , Mag paganda/papogi ka , Ayusin mo ang sarili mo . Hayaan mong masabi niyang "SHET! YAN BA YUNG INIWAN KO?!" Pero Tatandaan mo Wag kang gaganti sa kanya. Yung tipong may iba na siya tas ikaw maghahanap din ng iba tas ang malala di mo pa mahal yung taong nahanap mo . Wag na wag mong gagawin yun . Makakasakit ka lang ng ibang tao . Isipin mo Nananahimik tas Magiging kayo bigla tas sa huli bigla mo din iiwan . Hay nako buhay parang life . Ngiti lang pakita mo sa kanya na di ka masyadong Affected sa BREAK UP niyo. Sabi nga nila Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba . At ito pa ang sasabihin ko Wag kang matuwa pag binalikan ka ng EX mo kasi may posibilidad na NAAAWA LANG SIYA SAYO. Mag Focus ka sa mga bagay o tao na nagpapasaya sayo :) Let's say na Mag Hang out kayo ng mga kaibigan mo . Yung mga kaibigan mo na iniwan mo noon dahil sa Kasintahan mo. At isa pa ishare ko lang sa inyo. Naiinis ako sa mga taong guguluhin ka pag nananahimik ka . You know , Hindi gulo na gulo talaga pero ung manliligaw o magbibigay motibo na may gusto sayo at pasisiyahin ka tas pag naging kayo bigla ka na lang iiwan pag nakakita ng iba Ts. Seriously , Sana Kiniliti na lang nila tayo atleast di pa sila nakasakit -,- At isa pa Mag Move on ka para sa sarili mo hindi para sa ibang tao -.- Nakakatuwang isipin na ako yung dating Love Expert / Love Advicer Ni hindi Magawang Maadvice-an ang sarili ko -,- Like duh? Kayo kaya sa sitwasyon ko haha. Yan kasi ang mahirap pag nagmamahal tayo lahat binigay natin hindi man lang tayo nagtira para sa sarili natin . Iiyak iyak kayo ngayon tas sasabihin niyo "Binigay ko naman lahat pero iniwan pa din niya ako" . Yun nga yun e. Binigay mo lahat so ano pang hahabulin niya sayo? Mahirap talaga pag Brokenhearted Kahit alam mo yung sagot sa mga katanungan mo , hindi mo pa rin masabihan ang sarili mo .
Wag mong sisihin ang puso mo at ang Hyphotalamus mo . Nag fufunction lang sila . Ang sisihin mo YUNG SARILI Mo! Bakit kamo ikaw? Syempre ginusto mo yan eh haha. Aminin mo man o hindi Ginusto mo talaga yan , ngayon mo lang nasasabi na di mo gusto kasi nasaktan ka na. Sabi nila ang Love daw ay para sa mga matatapang na tao kasi nagtatake sila ng risk na masasaktan at iiyak sila at the end at meron din naman mga nagbubulubulungan pero abot kabilang kanto ang boses na Ang Love daw ay puro sa mga duwag lang . Takot sila mag isa kaya naghahanap sila ng kasama nila . Wait teka . Tungkol sa pag momove on pa ba to o tungkol na sa love ? Basta ang gusto ko lang is mag share sa inyo ng mga Natutunan ko about Sa LOVE at MOVE ON . Dapat pag nag move on ka may WILLINGNESS . Para mas madali sayong gawin yon .
Yun Lang Ang Magagawa mo sa ngayon ang MAG MOVE ON! ITATAK MO SA ISIP AT PUSO MO NA HINDI KA NA NIYA MAHAL ! Hindi ako galit sa mundo . Galit ako sa mga taong ginagawa akong mundo at papaikutin lang ako.haha.So Yun Lang , Wala na kong Masabi . Wala naman akong pinapatamaan o inaaping tao . Gusto ko lang talaga Iexpress yung sarili ko . Nasa sainyo na yun kung babasahin niyo to at Ivovote niya tsaka ishshare niyo e. Hahahahaha. XD Yun Lang salamat:)
-blackanddarkhearts-
![](https://img.wattpad.com/cover/37416782-288-k150898.jpg)
BINABASA MO ANG
MOVE ON
AcakGood Day! :D Gusto ko lang to isulat HAHA. Enjoy. Comment Vote Share :)