Lumipas ang maraming linggo. At lalong lumalim ang pagkakaibigang Clifford at Kristine.
Sa bawat linggong dumarating at kung saan pinapayagang maglaro ang mga bata ng Munting Anghel sa katapat na parke. Nagkikita ang magkaibigan kung saan sila unang nagkakilala.
Sa bahay ng mga Wells may isang liham na dumating.
"Tao po, sulat po para kay Mrs, uhhmm Dolores at Richard Wells!" Sigaw ng kartero
"Oh ano to credit card bill?" Tanong ni Richard
"Bills? Dumating na iyon nung nakaraan pa." Sagot ng kanyang asawa.
"Hon, baka...baka"
"Baka ano? Di kita maintindihan?"
At binuksan ni Richard ang sulat na dumating.
"Hon! Ito na! Ito na ang COR (Certificate of Registration) ni Kristine sa pag aaralan niya sa amerika!"
"Talaga? Patingin! Oh my God! Honey sa wakas naayos na yan makakalipad na tayo papuntang amerika!"
"Anak,anak bilis tingnan mo to. Naka enroll ka na sa school na papasukan mo."
"Pero, Pa." Sagot ni Kristine
"Bakit? Di ba ikaw ang namili ng school na ito?"
"Opo, pero paano si Clifford?"
"Anak, mas marami kang makikilala pang kaibigan doon. Yung babagay sayo. At nararapat sayo."
"No, pa! Bestfriend ko po si Clifford!"
"Kristine Raven! Yan ba ang natututunan mo sa batang iyon?!"
"Mukhang mas mabuting ilayo na kita sa batang iyon!" Dugtong ng ama ni Kristine.
"No!"
"Kristine!" Pag suway ng kanyang ina.
"No! No! No! No!"
"Kristine!! Nagiging matigas na ang ulo mo! Umakyat ka sa kwarto mo!"
"No! Pupunta tayo sa park today!"
Hinawakan si Kristine ng kanyang Ama sa braso at sinabing.
"Hindi! Umakyat ka sa kwarto mo!"
"I hate you!" At umiiyak na tumakbo paakyat si Kristine sa kanyang kwarto.
"Honey, parang napasobra ka yata sa pagsersermon sa bata."
"Napasobra ba?"
"Oo, nakita ko ang takot sa mukha ni Kristine nung hinawakan mo siya sa braso."
"Ganoon ba, sorry hindi ko napigilan."
"No, hindi ka dapat sa akin nag so-sorry."
"Oo nga."
At sumunod paakyat si Richard at ng nasa harapan na siya ng pinto siya'y kumatok.
"Kristine? Can we talk? Alam kong galit ka. Papasok na ako ha." At unti unting binuksan ni Richard ang pinto.
Nakita niya si Kristine na nakakulobong ng kanyang kumot sa kama.
"Kristine, di ba sabi ko noon study first muna at kasabay noon ang mga friends di ba? Paano yan? Ayaw mong lumayo kay Clifford, paano na ang study mo?"
"Pero pa, si Clifford. He's my Bestfriend"
"Yes, siya ang bestfriend mo. Pero Kristine bata ka pa marami pang Clifford kang makikilala habang nag aaral."
"Pa, if there's a chance pwede ba tayong bumalik dito?"
"Oo naman. Smile na Kristine, bukas na tayo aalis."
BINABASA MO ANG
Kaibigan O Ka-ibigan? (Brand New story)
Teen FictionIto ang bago at mas pinagandang kwento ni Tintedpaper. Sa loob ng marami nating taon dito sa mundo, masasabi mo ba ang tunay sa pagkukunwari? ang totoo sa hindi at ang pag ibig o laro at ang Kaibigan o Ka-ibigan?