Kabanata I- Simula ng...

144 4 1
                                    

Sa isang payak na lugar may dalawang magulang na nagsisilang ng kanilang anak.

"Misis,sige ire pa misis ire!" Sabi ng kamadrona o midwife.

"Ahhh!! Di ko na kaya! Di ko...di ko na *haaa* ka-kaya" sabi ni Susana na hinang-hina dahil sa panganganak.

"Bernardo! Halika rito alalayan mong di makatulog ang asawa mo!" Sigaw ng kamadrona.

"Nay,nay,nay tumingin ka sakin." Si Bernardo

"Tumingin ka sa akin... wag kang matutulog pakiusap" dugtong niya

"Tay, di ko na kaya." Sibi ni Susana

"Hindi,hindi kaya mo yan nay. Kaya mo yan" sabi ni Bernardo

"Tay." Sabi ni Susana

"Nay?" Sagot ni Bernardo

"Patawad ha? Kung nahihirapan ka na sa kalagayan mo. Wag kang mag alala pagkatapos nito papalayain na kita" kahit hinang-hina nagawa paring ngumiti ni Susana.

"Nay. Ano ba yang sinasabi mo? Mag papalaki pa tayo ng anak. Mag dadagdag pa ako ng lima niyan" pabirong sagot ni Bernardo

"Sira,di..di pa sira ang ulo ko pa-para ulitin to..*haaa*" si Susana

At umalingaw-ngaw ang iyak ng batang isinilang ni Susana.

"Bernardo! Lalake ang anak mo! At ang lusog niya!" Sabi ng kamadrona ng may galak

Matapos putulan ng pusod at balutin ang bata ng tela inabot niya ito kay Bernardo.

"Nay! Tingnan mo oh, Kaha...wig...mo...NAY?!" Si Bernardo

"Nay? Gumising ka, Nay tingnan mo ang anak natin. Nay,Nay" nangingilid ang luha ni Bernardo

"Ma-manang si Susana ayaw gumising." Si Bernardo

Hinawakan ng kamadrona ang pulso ni Susana

"Itakbo natin siya sa Hospital!!" Si Bernardo

At inabot ni Bernardo ang anak sa kamadrona at binuhat niya si Susana.

Sa Hospital, "Tulong! Ang asawa ko, pakiusap tulong" pagsusumamo ni Bernardo

Agad na dinala sa Emergency Room si Susana. Oras ang binilang bago lumabas ang doktor.

"Dok anong lagay ng asawa ko?" Si Bernardo

"Tatapatin kita mister, Base sa eksaminasyon namin may Impeksyon siya sa dugo at maraming dugo na ang naubos sa kanya kailangan na kailangan siyang masalinan ng Dugo." Sabi ng Doktor

"At nakita din naming di maayos ang pagpapaanak sa kanya." Dugtong nito

At biglang pumasok sa isip ni Bernardo ang anak.

"Nasan ka na? Nasan yung kamadrona? Nurse yu-yung kasama ko dito yung may dalang bata nakita mo ba kung saan pumunta?" Si Bernardo

"Ay Sir umalis na po kanina pa po." Sagot ng Nurse

Nanlambot ang tuhod ni Bernardo at kahit parang wala sa sarili tumakbo siya palabas. Hinanapa ang kamadrona ngunit siya ay nabigo.

Tulalang bumalik sa Hospital si Bernardo at naalala niya ang asawang si Susana.

Agad siya muling kumaripas papunta sa may emergency at eksaktong lumabas na ang doktor kanina.

"Dok,ang asawa ko?" Kahit na may hingal pinilit niyang magsalita

"Nagkamalay ang asawa mo at hinanap ka, pero." Sagot ng Doktor

"Nasaan siya? Nasa kwarto na ba? Saan ang kwarto niya?" Si Bernardo

"Mister, lumalala ang impeksyon niya at ang pagkakulang ng Dugo ang... ang dahilan ng pagkamatay niya. Ikinalulungkot ko." Sagot ng Doktor

"Patay? Ha, di-di mamamatay ang asawa ko. May pangako siya.. di niya ko... hindi... susana." Umagos ang luha ni Bernardo.

"Mister,bago siya mawala may sinabi ang asawa mo na kailangang iparating sa iyo. Ito ang sabi niya" sabi ng Doktor

*"Doktor pa-pakisabi sa asawa ko...ang anak namin...mahal ...mahal ko siya.. *haaa* ma- ma- malaya na siya at patawad"*

Lalong nanlumo sa Narinig si Bernardo.

"SUSANA!!!" Humagulgol si Bernardo.

Naiuwi na ni Bernardo ang asawa sa bahay. Patuloy umaagos ang luha ni Bernardo.

Nakaupo siya sa tabi ng asawa niya habang nakatingin sa nakahimlay na kabiyak kinauap niya ito.

"Nay,bakit mo naman ako iniwan agad. Di pa ako handa para sa ganito. Nay hahanapin ko ang anak natin pangako ko iyan sa iyo. Nay, ikaw lang mamahalin ko.. kahit na mamatay akong mag isa basta ikaw lang minahal ko sa buong buhay ko. Libong taon man ang dumaan ang pagmamahal ko sa iyo ay di mawawala. Nay...nay...nay.."

Samantala...

Sa Hospital kung saan mismo isinugod si Susana isang batang babae ang isinilang.

"Honey tingnan mo oh,ang anak natin oh ang ganda niya." Sabi ni Dolores

"Kamukha mo ah, ang daya walang nakuha sa akin." Sabi ni Richard

"Dok,kailan kami pwedeng lumabas? Dok? Dok!?" Si Richard

"Ha? Ahh isang linggo mula ngayon maaari ka nang lumabas." Ang Doktor

"Dok ok ka lang po ba? Bakit tulala ka?" Tanong ni Dolores

"Kanina kasi may sinugod dito dahil nagkamali ang midwife sa pagpapaanak. Ayun namatay ang asawa nung lalake at yung anak itinakas ng midwife." Sabi ng Doktor

"Naku, kaawa awa naman yung lalake." Sagot ni Dolores

"Iba na talaga ang mundo ngayon." Sagot ni Richard

"Di ba Kristine?" Si Richard

"Sino si Kristine?" Si Dolores

"Yan,yan ang ipapangalan natin sa anak natin."

"Magandang pangalan" sagot ni Dolores.

------

Writer's Note

Simula pa lang iyan ng kwento ng ating mga bida. Sana'y magustuhan niyo :)

Kaibigan O Ka-ibigan? (Brand New story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon