Kabanata II - The Promise

65 1 0
                                    

"Ano naman ang gagawin ko sayo?" Kausap ng Kamadrona sa sanggol na hawak na patuloy ang pag iyak.

"Bata,pasensya na ha? Baka kasi makulong ako. At baka mapatay ako ng tatay mo."

At habang naglalakad napadaan ang kamadrona sa isang simbahan. Pumasok ang kamadrona at nagdasal.

"Diyos ko, nawa'y mapatawad niyo po ako. Di ko naman po sinadyang mapatay si Susana, at sa batang ito kayo na po ang gumabay sa kanya. Patawad po."

"Bata,pasensya na ha. Pero ito na lang ang paraan. Di rin naman kita mapapalaki."

At sa mismong kinauupuan iniwan ng kamadrona ang sanggol sa kanyang kinauupuan.

Nakalipas ang ilang mga minuto sa pag abandona sa sanggol sa simbahan. Isang madre ang lumabas ng kumbento dahil may umaalingawngaw na iyak ng isang sanggol. Agad niya itong hinanap at di mapakali ang madre dahil sa laki ng simbahan. At nang makita niya ito.

"Mahabaging Diyos!! Sino ang nag iwan sa sanggol na ito? Kaawa-awang anghel,masyadong malupit ang tadhana para sa iyo. Mas mabuti sigurong dalhin kita kung saan nararapat at kung saan ka mapapangalagaan ng maiinam." Sabi ni Madre Irene.

At agad na nagtungo ang madre sa isang pasilidad kung saan ang mga batang ulila ay dinadala upang hanapan ng aampon.

"Tao po? Magandang umaga ho, ako ho si madre Irene" pambungad ng madre.

"Oh mother, ano po ang dahilan at naparito kayo?" Sagot ni Rica Perez ang nagpapatakbo ng munting anghel orphanage.

"Ma'am perez kasi ho may nag iwan ng sanggol sa loob ng aming simbahan. Nais ko po sanang kayo na po ang gumabay sa kanya." May malungkot na boses mula sa madre.

Inabot ng madre ang sanggol kay Rica.

"Kaawa-awang anghel, hindi ko alam kung bakit ka itinapon ng iyong mga magulang. Napaka amo ng iyong mukha." Nakatinging salita ni Rica sa sanggol.

"Mother, kung sakaling may maghanap na magulang po sa kanya sana dalhin niyo po rito." Dugtong ni Rica

"Makakaasa ho kayo, Oh siya ako'y mauuna. Maraming salamat ho." Sagot ng madre.

"Ay! Mother saglit!" Tawag ni Rica

"Ano ho iyon?" Sagot ng madre.

"Uhm, ano ho ang papangalan natin sa kanya?" Sagot ni Rica

"Sa tingin ko po babagay sa kanya ang Clifford Grey. Lalaki kang matapang." Sabi ni Madre Irene

"Ma'am aalis na ho ako." Dugtong ng madre.

Lumabas na ang madre at habang naglalakad tumingin siya sa alapaap at nagsalita.

"Clifford Grey... Diyos ko gabayan niyo po sana ang batang iyon." At umalis na ang madre.

Pitong mahahabang taon ang lumipas at ni isa walang nagtangkang magako sa batang inabanduna sa simbahan.

Isang araw sa parke sa tapat ng Munting Anghel. Naglalaro ang mga batang inabanduna na naninirahan sa ampunan

Sa isang banda ng parke kung saan kakaunti ang batang naglalaro. May isang bata roon na nakahalukipkip at may kung ano siyang ginuguhit sa lupa.

Ngunit napaka tahimik nito, siya si Clifford Grey lumaki siyang may mahinang pangangatawan dahil sa kakulangan sa pag aalaga ng ina. Naging masakitin siya at iyon ang dahilan kung bakit iwas ang ibang bata sa kaawa awang batang lalake.

Walang kalaro si Clifford Grey sariling imahinasyon niya ang kanyang ginagamit upang malibang ang sarili.

Pag inaangat niya ang kaniyang ulo at titingin sa mga batang masayang naglalaro lagi niyang sinasabi.

Kaibigan O Ka-ibigan? (Brand New story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon