Heartfelt Apology

384 15 0
                                    

Erryn

"Erryn . . ."

Napalingon ako nang tawagin ako ni Ethan.

Papalabas na sana ako ng gate dahil bibili ako ng barbecue sa labas malapit dito sa apartment. Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Nakasuot siya ng black T-shirt at khaki pants. Ang guwapo niya kahit na ano pa ang suot niya.

"Sa'n punta mo?" Napatingin siya sa kaniyang wristwatch.

"Bibili ako ng barbecue."

"Samahan na kita."

Sandali ko siyang tinitigan 'tsaka ako tumango. Alam kaya niyang sa gilid lang ako bibili? Mukhang 'di kasi siya kumakain ng street foods.

PAPALABAS na kami ng gate nang mapatingin sa akin si Manong Henry, 'tsaka nabaling kay Ethan ang kaniyang mga mata. Siguro ay nagtataka siya dahil madalas na kaming magkasama.

"Good evening, Manong Henry," bati ko sa kaniya.

Agad siyang ngumiti at bumati sa amin ni Ethan. Manong ang tawag namin sa kaniya rito dahil siya ay isang Ilokano. Noong una ay tinatawag namin siyang kuya hanggang sa nag-request siyang tawagin namin siyang manong.

TAHIMIK lamang kami ni Ethan na naglalakad. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya gustong sumama sa 'kin ngayon.

"Hindi ka talaga mahilig magluto 'no?"

Ha?

Napatigil ako sa paglalakad. "Paano mo nalamang hindi ako nagluluto?"Anak ako ng isang kusinero, pero hindi ako marunong magluto. Tinuruan naman ako ni Papa kaya kahit papa'no ay may mga alam akong recipe, hindi nga lang kasing sarap ng luto niya.

"Nalaman ko kay Chyna noon."

Napatango na lang ako. Palagi naman kasi silang nag-uusap ni Chyna noon kaya hindi na nakapagtataka 'yon. Biglang nag-init ang aking mga pisngi dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko. They talked about me . . . me.

"Chyna loves you, Erryn. Maybe na-confused lang siya noon dahil in-love siya kay Julio kaya nagalit siya sa 'yo, pero puro magagandang bagay ang sinasabi niya tungkol sa 'yo lalo na kapag nakatalikod ka."

Napayuko ako at ngumiti. Nasasaktan ako na pag-usapan si Chyna lalo at hindi kami nakapag-ayos bago siya namatay, pero palagi ko siyang iniisip. Tama si Ethan, alam kong mahal ako ni Chyna at dapat ay maging masaya ako.

PAGKARATING namin sa pwesto ng nagbebenta ng barbecue ay bumili na kami ni Ethan.

"Hindi ka pa rin talaga nagsasawa sa isaw at adidas."

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong mga barbecue na ilalagay ko sana sa ihawan. Muli akong napatingin sa kaniya.

"How did you know? P-papaano mo nalaman na paborito ko ang isaw at adidas?"

"Chyna told me," he casually answered.

Ang dami na ba nilang napag-usapan noon?

NAGHINTAY muna kami sa gilid habang iniihaw ang aming barbecue. I started to feel quite weird.

"Erryn, may sasabihin sana ako sa 'yo."

"Ano 'yon, Ethan?"

He smiled. Mapapadalas na ba ang pagngiti niya? Tumitibok na naman nang mabilis ang puso ko, sa sobrang lakas nito ay siguradong naririnig din niya.

"Mahal kita, Erryn." Napayuko siya 'tsaka muling tumingin sa akin. "Can I court you?"

Nanlaki ang mga mata ko. I could hear the thud of my own heartbeat. This is not a simple infatuation anymore. Mas malalim na ito. Kumpara kay Tristan at sa mga lalaking kakilala ko, kay Ethan ko lang ito naramdaman.

Napatingin ako sa mga mata niya.

"Yes."

💍

"So, what's the matter at inimbitahan mo ako rito?" tanong ko sa babaeng katapat ko.

Pupuntahan ko sana ang site kung saan ginagawa ang bahay ni Tristan, pero inistorbo ako ng babaeng ito. Niyaya niya akong kumain sa isang fastfood chain.

Nakasuot siya ng sunglasses at nakasuot ng itim na bestida. Nagpagupit siya ng buhok at mukhang nangayayat din siya.

Anong meron?

"Ethan loves you."

Tama ba ang narinig ko? Sinasabi sa akin ito ni Belle?

Napabuga ako ng hangin kasabay ng pag-ubo. Lumawak ang bibig ko na nauwi sa munting tawa.

I can't believe this.

"Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa Exsellance Company at agad akong nagkagusto kay Ethan. Maganda naman ako at sexy, pero hindi niya ako tiningnan kung paano ka niya tingnan."

Wow . . . Am I hearing it right?

Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses at nakita ko ang namamaga niyang mata. Tila umiyak siya kanina.

"You know, Erryn, mula pagkabata ay nakukuha ko na ang gusto ko. Kahit anong laruan ay kayang bilhin ng mga magulang ko para sa 'kin. Noong nag-aral ako ay palagi akong first honor. Walang bagay ang hindi ko nakukuha kahit lalaki. Lahat ng nagugustuhan ko ay ginugusto rin ako, maliban kay Ethan."

Tahimik lamang ako. Hinahayaan ko siyang magsalita. Ano ba'ng sasabihin ko?

"Masyado ko nang binaba ang pride ko para sa kaniya, kaya nag-decide akong mag-resign at pumunta na lang sa States. Hindi ko rin kayang magpakamartir at magpatuloy na maging kaibigan niya."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously, Belle?

"Baka may mahanap ako na higit pa kay Ethan at mamahalin ako nang buo."

Napatango lang ako. Namumula ang ilong niya. Halata sa boses niya na pinipigilan niyang umiyak.

"I invited you because I want to say sorry for all the things I've done bago ako umalis. Hindi naman ako bitch e. I'm not a bad person, Erryn."

Tiningnan ko lang siya. Tumulo ang ilang butil ng kaniyang mga luha sa pisngi niya. Agad niya itong pinunasan. Mukha namang genuine ang Belle na nasa harapan ko ngayon.
Now I understand kung bakit kaibigan siya ni Ethan dahil hindi naman siya masamang tao. May trust issues ako, pero this time, I can see that she's sincere.

"I'm sorry, Erryn."

"Apology accepted."

Lumuluha man siya ay pinilit pa rin niyang ngumiti.

"Sana magkita tayong muli Erryn at maging magkaibigan."

Napangiti ako at napatango.

💍

Sumasakit na naman ang ulo ko, pero kailangan kong pumunta sa site. Minsan, kahit gusto kong magpahinga ay tambak naman ang trabaho ko.

Habang nagda-drive ako ay tila may isang itim na sasakyang sumusunod sa akin. Hindi ko maiwasang paulit-ulit na tingnan ang side mirror.

Sinubukan kong umikot sa isang eskinita.

Damn! Sumusunod pa rin ang kotse. Kung saan-saan ko na ipinapasok ang kotse ko, pero sumusunod pa rin ang itim na sasakyan.

I felt something bad about this. Tiningnan ko ang paligid. Wala akong mahagilap na police station. Kanina ko pa talaga napapansin ang sasakyan na ito. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Ethan.

"Hello . . ." kabado kong pagkasabi.
"Erryn, bakit?"
"Ethan, I think someone is following me! Papunta ako sa site kung saan ginagawa ang bahay ni Tristan."
"Okay, Erryn... Just stay calm. Dumiretso ka lang do'n at 'wag mong ipahahalata na alam mong sinusundan ka. I will call the police at pupuntahan kita." Halata sa boses niya na natatakot din siya.

Ibinaba ko na ang cellphone at muling tiningnan ang sasakyan sa aking rear view mirror.

Mabuti na lamang at nasa mataong lugar pa ako. Bigla akong kinabahan nang palapit ako sa intersection.

Tiningnan kong muli ang sasakyan. Hindi ko napansin ang paparating na . . .

💍

The Lost MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon