#4. Si Tamang Hinala at Ako

69 2 0
                                    

epal note: part two ng My Summer Romance. Yeah. Yeah. By special request to eh. Hehehe. First and last one-shot na may part two. I thank you~

“Minahal talaga kita Louie,” bulong ko “pero iba na ngayon. Ngayon, iba na gusto mo. Sana lang wag mo siyang hawakan tulad ng kung paano mo ko hinawakan. Wag mo siyang alagaan tulad ng kung paano mo ko inalagaan. Higit sa lahat, wag mo naman sana siyang mahalin tulad ng kung paano mo ko minahal.”

Itinaas ko na yung tableta papalapit sa bibig ko. Sorry Lord pero gusto ko lang talagang mawala na yung sakit.

“ITIGIL MO YAN MISS!”

Napahinto ako ng may kung sinong epal na dumating. Tinaasan ko lang ng kilay. Wala ako sa mood maging mabait. Kung pwede nga lang ako bumuga ng apoy, binugahan ko na to. Taena. Feeling close. Sarap sikmuraan.

“TSE!”

Sa dami-rami ng naisip kong gawing pagpapahirap sa kanya, yun lang napuntahan. TSE. Sayang effort lang kasi. Hindi naman kami close. : |

“MISS! WAG!” tinapik niya yung kamay ko dahilan para lumipad yung tablet sa kamay ko. Pakshet lang o.

“ANO BANG PROBLEMA MO?! EPAL KA AH!”

“Miss, ako na nagsasabi sa’yo. Kahit ano pa yang problema mo, malalampasan mo rin yan. Wag kang mawalan ng pag-asa. Bata ka pa. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. Hindi susi ang suicide.”

“Ha?”

Tiningnan ko yung seryoso niyang mukha. Tapos yung bote. Siya. Yung bote. Siya…TING!

“HAHAHAHAHA!!!!!!!!!”

“Ah…miss? Ayos ka lang? Anong nakakatawa?”

“Hahahaha!” napahawak na ko sa tiyan ko sa sobrang kakatawa ko. Grabe. Hahahaha. Patawa tong lalakeng to. “Ikaw… Hahahaha! Ang tanga mo! Hahahaha! Waaaaaah. Yoko na… Hahahaha. Ang sakit na ng tiyan ko. Hahahaha. Grabe. Bopols mo. Hahahaha.”

“Huh?”

Pinahid ko yung luhang namumuo sa gilid ng mata ko. Hahaha. Tears of joy! Epic kasi tong lalaking to. Sarap kutusan! XD

Pinakita ko yung bote sa kanya at namewang. “Abnormal. Nakikita mo ba? Suicide ka diyan. Oo na. brokenhearted ako pero hindi ako suicidal. Diet pills yan. Da-yet pills.”

Pansamantalang nagblanko yung mukha niya tapos nagtransform sa nahihiyang mukha at napunta sa mukhang nagagalit. Hinablot niya yung bote at hinagis! >_<

“BADTRIP KA RIN EH! TAKTE. DI MO BA ALAM KINABAHAN AKO SA’YO? KALA KO TALAGA MAGPAPAKAMATAY KA NA! HINDI MO KAILANGAN NG DIET PILLS! OKAY KA NA NG GANYAN! MAGANDA KA NA! WAG KANG MAGBAGO MA-IMPRESS LANG SI LOUIE. LECHE!”

Nilayasan niya ko matapos niya ko sigawan. Problema ng taong yun? Sinabi ko bang kabahan siya? Di naman kami close eh…teka. Pano niya nakilala si Louie?

--

[[ The next day ]]

Pinuntahan ko yung landlady ko. Kakapadala lang ni mama ng pera. Sakto. Magbabayad na ko ng rent.

“Tita, eto na po yung bayad ko para sa renta ngayong buwan.”

“Salamat Maricon.”

“Tita, bak—Maricon?”

Huh?! Nilingon ko yung tumawag sa my-oh-so-pretty name…HALA! Siya?!

“IKAW?!”

“Oh Maricon. Magkakilala pala kayo ng pamangkin ko?” singit ng landlady ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love shots 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon