#3 My Summer Romance

79 2 0
                                    

a/n: To one of my good college friends: Maricon. (:

Eto na bhe! Sana matuwa ka sa one-shot ko for you and Louie. Mwa!

--

Summer of 2011. Nun kami unang nagkakilala ni Louie. Buryong-buryo ako sa bahay. Wala rin naman kasing magawa. Hindi ako dinadalaw ng mga kaibigan ko sa mansyon ko (exagge lang ako. Nagiging mansyon lang siya kasi buhay donya mga tropa ko doon at ako ang dakilang achay. Hahaha.), wala pang TV, wala ring rampa. Grabeng hayahay in short. Tengga ang beauty ko. Ugh. : |

*tweet tweet*

1 message received

From: DJ

 te, rampa sa Bulek’s. Sama k?

epal note ng epal na author: Bulek’s is a drinking place somewhere in Bulacan. No elaboration since I actually haven’t seen the place. Naks english!

Hindi na ko nagdalawang-isip pa. Agad-agad akong naligo at nagpaganda. Shett. After 2845859374 years, makakahinga na rin ng hangin sa galaan!

Pagkarating ko sa Bulek’s, binati agad ako ni DJ (a girl college friend) at pinakilala niya ko sa mga kasamahan niya. Hindi naman ako nahirapan maki-close sa kanila kasi Miss Congeniality to nu!

“Bhe, si Hershey, si Snickers, si Mars, si Toblerone, si Ferrero at si Louie nga pala. Everyone, si Maricon. Kaibigan ko. Umayos kayo ah! Wag niyo to sindakin!”

Nangiti na lang ako. Hindi ko na rin maalala yung pangalan ng ibang mga kaibigan ni DJ kaya brands na lang ng chocolate pinagalan ko kasi na-stuck ako kay Louie. Like at first sight! *insert drool here* Halos ka-height ko siya, tipid ngumiti at tumawa pero grabe yung lakas ng dating! Sa kanya na rin ako tumabi kasi wala naman rin akong ibang pwedeng pwestuhan.

Di nagtagal, nagsimula ang inuman. Pero bago pa man ako makatagy, inaya na ko lumabas ni Louie sa Bulek’s. Wala raw siyang gana uminom at napilitan lang sumama ng mga tropa niya kasi may chick nga raw na darating. Teka. Ako yun ah! ((((:

“Salamat nga pala kasi sinamahan mo ko.”

“Wala yun nu. Gusto ko lang rin namang gumala kesa uminom. Akalain mo yun. Ginawan mo ko ng pabor.”

“Hahahaha.”

Lumakas yung tibok ng puso ko oras na narinig ko yung tawa niya. Kung tutuusin, hindi naman ganun ka-special yung dating ng tunog nun. Pero iba eh. Tipid nga kasi siya tumawa at naramdaman kong special ako.

Dalawang oras lang kami nagkasama. Wala rin masyadong ginawa kundi kumain ng fishball, kikiam at kung ano-anong street foods, magkwentuhan ng kung anong maisipang topic simula brand ng sabon hanggang sa pagtaas ng presyo ng bilihin at pagkatapos tumambay sa park hanggang sa dumilim na.

Ano pa nga bang masasabi ko? Sa dalawang oras na yun, napalapit talaga yung loob ko kay Louie. There’s something about him na hindi ko matukoy basta habang kasama ko siya, I felt different. Unique. Parang ako lang yung babaeng nagma-matter sa taong to at hawak ko yung special whatever na nakakapagpangiti at nakakapagpatawa sa kanya.

Nagsimula lahat doon. Sa dalawang oras na sa palagay ng marami na walang halaga pero nagpatunay na there is something about that guy. Wala ng plastikan. Gustong-gusto ko si Louie at malaki ang posibilidad na mahalin ko siya. Walang araw na hindi lumipas na hindi kami magkatext o magkausap sa cellphone. Kung hindi man, pupunta siya sa bahay ko o ako sa bahay nila.

“Maricon, paano kaya kung tayo na lang?” sabi bigla ni Louie na kinagulat ko. Naka-upo lang kami sa labas ng bahay namin at wala kami sa ganyang topic pero siya mismo nag-open. Wag na akong magpanggap. Ang tagal ko rin namang hinintay na sabihin niya yun sa’kin eh. Saan pa nga ba ang punta namin di ba? Kung halata namang gusto namin ang isa’t isa.

Love shots 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon